CHAPTER 1: Her Suitor

64 6 2
                                    


CHAPTER 1: Her Suitor

--------------------------------------READ BEFORE YOU VOTE------------------------------------------------

[Kim's POV]

"Bestfriend!" sigaw ko habang tumatakbo sa hallway ng school namin patungo sa bestfriend kong si Iren. Ang bestfriend ko since  second sem. ng first year high-school, hanggang ngayong fourth year na kami. Oh diba?

  Actually, tatlo talaga kami, yun nga lang nagpunta ng Canada si Mich.

Simula nung umalis ang isa kung bestfriend na si Josh noong first sem. ng first year high-school, sila na ang pumalit na lage kung kasama.

"Oh, 'anyari sayo?"

"Best, yung lalaking tumulong sakin last week, kinukulit ako hanggang ngayon. Nililigawan nya ako." mahingal-hingal kong sumbong sa kanya.

"Hindi ko sya pinayagan nuh! Sabi nya bahala na daw tutal wala naman daw akong boyfriend. Ahhh... mababaliw na ako. Sabi pa nya pupuntahan nya ako dito bukas." Pagmamaktul ko.

"Hahaha! yun lang? Kaluka kung makasigaw ka naman." natawang sagot nya. -__- Tas nagpatuloy na kami sa paglakad papuntang room namin. Bait na bestfriend nuh?

"Anong nakakatawa?! Ayaw ko sa lalaking yun! Kung hindi lang sa stupid snatcher na yun hindi sana magcross ang landas namin." Nasnatch kasi yung bag ko last week. Syempre naiyak ako kasi nandun lahat pera ko patin na phone ko. Tapus biglang dumating si Pepito, sya yung tumulong sakin.

"Hahahah, siguro ginamit ng tadhana yun snatcher para magcross ang landas n'yo, dahil kayo ang destiny." natatawang sabi ni Iren.

"Mandiri ka nga! Matanda na yun! 16 palang ako 'tas sya 30 na." Nainis kong sabi.

"Malay natin...hahahah!" sabi nya sabay pasok sa room namin. Sakto namang dumating yung teacher.

Ugh! Mababaliw na ako. Though siya ang may-ari sa POGi Restuarant at mayaman din sya hindi ko pa rin sya papatulan. Hindi ko kailagan ang yaman nya nuh! Sapat na ang yaman namin.

Umupo na ako sa may gitna, permanent seat ko. Maya-maya dumating na si Miss at nagsimula ng magdiscuss ng kung anu-ano. Lutang ako sa kakaisip sa mangyayari bukas, hindi ako nakikinig ni Miss.

"Best..." rinig kong tawag ni Iren sabay kalabit sa'kin pero hindi ko sya pinansin.

"Best. Tinawag ka ni Maam." ang ingay naman ng babaeng to. Namumroblema na nga ako may tawag-tawag pa daw ako ni Maam. Maam? Ma-maam?

Napatingin ako sa harap. Omy gosh ang pula na ng face ni maam.

"Miss, Kimberly Alforque, are you listening to me?" galit na tanong ni Maam Paluningan.

"Ah..yes Miss." pagsisinunagling ko. Naku naman lalong magagalit 'to pag sinabi kong hindi.

"Okay, What do you understand about Physics?"

"Huh?" Lagot! Mahina pa naman ako sa Science. Kung Math yan keri ko pa. Marunong lang naman ako sa English, Arts at Music eh.

"You stand up Miss Alforque, and listen to Mr. De los Reyes. Mr. De los Reyes, What do you understand about physics?" tanong niMaam kay Nathan, ang pinakamatalino at seryoso na lalaking kaklase ko, pero makulit din yan minsan. 

 Naging classmate ko sya since second year highschool at sya talaga ang pinakamatalino sa buong klase namin. Yung top 1 namin noong 1st year pa kami ay naging top 2 nalang. Mahigpit ang laban nila ni Nerdy boy, pero lumalamang pa rin sya. Now we're 4th year, sya pa rin ang lumalamang. Marunong sya sa lahat na subject and marunong din ang isang 'to sa tennis.

Rami kong alam nuh? Palibhasa sikat yan! Kahit hindi nakitsismis kungkol sa kanya, maririnig mo pa rin.

Teka ano nga ba ang gagawin ko bukas? Ah! alam ko na, aabsent ako bukas. Ano naman ang sasabihin ko kay mommy pa ra payagan nya akong umabsent? Hmmm...ahhh Kakain ako ng maraming----

"MISS ALFORQUE!!"

"AY! TABA NG BABOY!!" bigla kong sigaw. Nagtawanan ang mga kaklase ko. Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi kong--- OHMYGOSH!!

Napatingin ako kay Maam, oopsss...umuusok na ang ilong, tenga at mata ni Miss.

"Miss Alforque! Wala kang respeto! Kung makapang-lait ka sa teacher mo!" sigaw nya. Patay! Ba't ba kasi sya sigaw ng sigaw nagulat tuloy ako. Sobrang taba pa naman ni Miss.

Ang plano ko lang naman sana ay kakain ng marang taba ng baboy dahil nakakasakit yun sa tyan ko.

"GET OUT OF MY CLASS!" sigaw nya, kaya ayun lumabas na ako.

At dahil medyo mabait ako, edi lumabas na lang ako. 

"Dyan ka lang sa may pintuan tatayo! Wag aalis hanggang wala pangdismissal!"

Naks naman kung makasigaw tong si Miss.  

*20 mins. later*

Tagal naman mag-bell na ngangalay na ang mga paa ko dito eh! Yuhooo!! matagal pa ba? Kainis naman kasi yung Pepito na yun eh! Binig yan pa ako ng problema! Yan tuloy! Huhu! :(

Maya-maya ay nagbell na at nagsilabasan na sila.

"YES!" sigaw ko pag karinig ko sa bell .

"Miss Alforque!"

"Ah..hehe, sorry maam." Hiya naman ako nun! 

May kunti pang sinabi si Maam sa kanila bago sila pinalabas.

"Hahah! grabe Kim! Nakaktawa talaga yung ginawa mo kanina." bungad sakin ni Iren.

"Heh! Nag-iisip ako nun para mag-absent bukas nuh!" sagot ko sa kanya.

"Tara kain na tayo, nagutom na ako."- sabi nya kaya pumunta na kami sa cafeteria.

Pagkatapus naming kumain naglakad na kami ni bessy patungong tennis field. Gusto daw nya manood nga nagtetennis eh. If I know, titingin lang sya sa mga naglalaro.

Pagkarating namin dun umupo lang kami sa may bench. Habang nanunood, grabe si Iren makatitig sa mga players, ako naman kumakain lang ng piattos.

Sharap!

"Aray!" bigla kong sigaw. Ang sarap ng feeling kong kumakain dito eh, tas tatamaan lang ako ng tennis ball. Ouch!Ouch!

"Sorry miss." sabi nung nakatama sakin. Nakapikit ako sa sakit grabe forehead po ang natamaan, center pa naman. Ang to let you know ang hard kaya ng bola ng tennis!

"Best, ang gwapo." rinig kong bulong ni Iren. Grabe gwapo pa rin ang iniisip, kahit natamaan na ako.

Napadilat ako at si Nathan pala ang nakatama sakin. Kaya pala pa rang baliw 'tong nasa tabi ko, instead na ako ang tanungin kung "okay lang ako " inuna pa ang lalaking 'to.

Pero alam nyo? Crush nya 'to, pero si Drake daw ang pinakagusto nya. Ewan ko sa babaeng 'to!

"Kim sorry talaga, di ko sinadya yun. Sasamahan kita sa clinic?" alok nya.

"No, no, no! Kaya ko na! Malapit lang naman ang clinic. Sa susunod mag ingat ka nalang!" sagot ko na medyo inis at tumayo na.

"Tara na sa clinic Iren."

"Ha? uh-uh.. ah sige tara!" Hahah ayaw nya sana pero sinamaan ko sya ng tingin! Hahaha takot sya!

"Sorry talaga  Kim." ulit ni Nathan at umalis na. 

After that incedent nagpunta kami ni Iren sa clinic at binigyan ako ng nurse ng pambawala ng bukol. Basto yung parang ididikit mo sa ulo? Basta yun na yun! 

Tinapus lang namin ang school hours haggang last subject, wala rin namang kababalaghan na nangyari eh!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx




STUPID AGREEMENTDove le storie prendono vita. Scoprilo ora