Moving On (#Hugot One-Shot)

Start from the beginning
                                    

Tila naguilty ako ng makita ko ang kanyang hitsura kaya minabuti kong yumuko na lang at pagmasdan ang mga kamay ko na napansin kong tila nanginginig sa kaba. "That's actually it Bryan. I'm your bestfriend. Just your bestfriend." Mahina kong sagot.

"Anong ibig mong sabihin Gina?" Narinig kong tanong ni Bryan.

"This is hard for me Bryan, but I believe I need to tell you this. And what I want from you is to just listen, please. Ito talaga yung pabor na hinihingi ko sa'yo. Yung makinig ka lang sa sasabihin ko." Simula ko sabay tingin sa malungkot na mukha ni Bryan. Nakita ko siyang bumuntong hininga pagkatapos ay bahagya siyang tumango.

"Do you still remember this charmbracelet? Graduation gift mo ito sa akin noong high school. Natatandaan mo ba noong minsang nawala ko ito sa Batangas and I was very sad and you came to me and you told me na its okay reregaluhan mo na lang ako ng ibang bracelet pamalit dito pero hindi pa rin ako napakali. I stayed up all night para lang hanapin ito. And you know why I did that? Because of what you told me. Sabi mo ingatan kong mabuti ito. That you only give gifts to special people in your life. That I am special to you." Saglit ko siyang tiningnan at nakita kong nakatingin siya sa aking kanang kamay kung saan suot ko yung bracelet na ibinigay niya.

"At tuwing pupunta ka sa bahay, hindi ka ba nagtataka kung bakit meron akong parating Ube ice cream sa freezer kahit na alam mong hindi ko naman gusto ang flavor na 'yon? Dahil nakahanda yon para sa'yo dahil 'yon ang paborito mo. Dahil sa tuwing malungkot ka o namomroblema ka pupunta ka pupunta ka ng bahay at aayain mo akong mag-ice cream dahil sabi mo Ube ice cream lang nagpapaalis ng problema mo." Ngayon ay nakatingin na siya sa akin.

"Have you ever noticed how I always came over sa tuwing kailangan mo ako. Kahit saan. Kahit anong oras. Kahit wala akong tulog. Kahit may deadline akong tinatapos sa trabaho.
Isang text mo lang, dumarating kaagad ako. How I was always there for you kahit na pagod ako." Naramdaman kong bumuntong hininga si Bryan ngunit hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"I did all of those because I love you Bryan. There I said it." Parang huminto ang lahat pagkatapos kong ipagtapat sa kanya 'yon. Bakas ko sa mukha niya ang pagkabigla. "It started eight years ago, after you gave me this bracelet." Dugtong ko kasabay ng buntong hininga. "You would probably ask why you. Out of all people why my best friend? Even I don't know."

"Gina." Narinig kong banggit niya ng pangalan ko. Parang meron siyang gustong sabihin pero hindi ko siya hinayaang magsalita.

"Remember when your mom Tita Mae joked about us. Na sabi niya bakit hindi na lang ako ang ligawan mo. At bigla kang tumawa at sinabi mo sa kanya na it will never happen. I was so hurt. Naisip ko bakit hindi pwede?" Napalunok ako at ramdam kong namumuo ang mga luha ko at parang tutulo ang mga ito pero pinigilan ko.

"You know what after that incident when I got home, I looked at myself in the mirror. Pinagmasdan kong mabuti yung mukha ko. Maganda naman ako. Marami rin namang nagkakagusto sa akin, pero bakit ikaw hindi mo ako nagustuhan. Dahil ba malayo ako sa mga model type na gusto mo? Dahil ba may pagka-nerd ako? Conservative? Don't do one night stand? Honestly ang daming bakit?" Huminga ako ng malalim at tsaka pumikit. Inipon ko ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya bago ako muling nagsalita. Ngayon ay tiningnan ko na siya sa mga mata niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla sa mga sinabi ko.
"You're probably wondering why am I telling this to you now?"

Bahagya siyang tumango.

"Because Bryan by telling this to you it will allow me to let go of a secret that I had been keeping inside of me for years. Because telling you would allow me to move on. You see Bryan, masyado akong naging busy na gawin lahat ng bagay na magpapasaya sa'yo. Dahil noon akala ko, maging masaya ka lang masaya na rin ako. Hindi pala gano'n. Dahil sa tuwing ginagawa ko ang mga bagay na magpapasaya sa'yo, nasasaktan ako. Nagseselos ako. Then I realized, mali na 'to. Mula ng ma inlove ako sa'yo hindi ako naging masaya. Diba sabi nila love will make you happy? Pero bakit sa akin hindi." At hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko ito ng mga kamay ko.

"I'm sorry Gina." Malungkot ang mukha ni Bryan na nakatingin sa akin.

"Don't be. Ako naman ang may kasalanan. Ako ang tangang nainlove sa bestfriend ko. And don't worry pagatapos kong sabihin sa'yo lahat ng sinabi ko, I felt happy." At binigyan ko siya ng ngiti. "Huwag mo sanang isiping pupunta ako ng Korea para iwasan ka Bryan. I'm doing this for myself. For my peace and for my happiness. Do me a favor Bryan, bring me home now."

Saglit na tumingin sa akin si Bryan bago niya pinaandar ang sasakyan. Ramdam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano magsimula. Hinayaan ko lang siya. Ang mahalaga ngayon ay ako.

Sa wakas, nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin. Totoo pala na iba talaga ang pakiramdam kapag wala kang bigat ng loob na dinadala. Para akong nabunutan ng tinik. I'll be honest malungkot ako, but I know soon I'll be fine.

Halos sampung minuto rin kaming tahimik sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko. "Here we are now Bryan. Thank you sa pagsundo. And thank for listening." Malumanay kong sabi sa kanya habang tinatanggal ko ang seatbelt sa aking katawan. Tumango lang siya habang nakatanaw sa labas ng sasakyan.

"It's bye for now Bryan." Sabi ko at lumabas na ako ng sasakyan.

"Gina!" Tawag niya sa akin ng nakalabas na ako ng sasakyan.

"Bryan?"

Nakita ko siyang lumabas ng sasakyan at lumapit sa aking harapan.
"I'll bring you to the airport tomorrow." Nakangiti niyang sabi.

"No need Bryan, ihahatid na ako nina Mama at papa." Tanggi ko. Naisip ko kasing mas mabuting ito na ang huli naming pagkikita bago ako pumunta ng Korea. Mahirap na.

"Ah okay." Disappointed ang hitsura niya. "Can I at least hug you before you go?"

Nakangiti akong nilapitan si Bryan at tsaka yumakap sa kanya. Ginantihan naman niya ako ng mahigppit na yakap. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim saka siya bumulong sa akin. "I will miss you Gina. A lot."

"I will miss you too Bryan." Sagot ko sa kanya kasabay ng pagtapik ko sa kanyang likuran bago kami bumitaw sa pagkakayakap sa isa't-isa.

Napansin kong tila naluluha si Bryan ng tingnan ko ang kanyang mga mata. "You take care Bryan." Sabi ko sabay hawak sa kanyang pisngi.

Tumango siya. "Ikaw din."

"I will." Sagot ko at pagkatapos noon ay tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papasok ng bahay.

Ilang sandali rin ang lumipas bago ko narinig ang pag-alis ng sasakyan ni Bryan. At ng silipin ko ito sa may bintana ay nakita kong malayo na ito. Tsaka bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinigilan. Pero naisip kong sige, Gina umiyak ka lang. Hanggang maubos ang luha. Tutal maaaring huling iyak ko naman na ito dahil kay Bryan. Dahil bukas simula na ng ibang buhay. Simula na ng aking pakikipagsapalan. Pakikipagsapalarang hanapin ang sarili kong kasiyahan.

My Romantic Textmate (Message Sent)Where stories live. Discover now