We're Almost there. Almost...

60 2 2
                                    

Nasa 4th year High School ako noon nung naging seatmates kami sa 2nd row sa almost lahat ng subject. Oo, sa halos lahat ng subjects kaya di nagtagal naging close kami.

Di ko alam noon kung bakit pero comfortable ako tuwing katabi ko sya. Nalulungkot ako pag magpapalitan na ng upuan sa ibang subject kasi hindi ko na sya katabi.

Hindi ko masasabing gusto ko sya noon. Cute naman sya. Isa sya sa mga matatangkad sa klase namin. Maputi at... sige sabihin na nating gwapo sya, pero never ko syang nakita noon as a crush material. May nagugustuhan na kasi ako noon. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Naiinis pa ko sa kanya noon dahil sobrang damot nya magpakopya at ang hilig hilig makipagpataasan ng grade sakin. Hindi naman ako matalino, kumbaga kung hindi ako mag-aaral, hindi ako papasa. Sakin tama na ang maka 80. Pero sya laging 95 ang grade. Hindi ako competitive.

Alam ko naman na comfortable din naman sya sakin. Nagkakatext kami. Nagsasabihan kami ng crush. Noong confirm ko na crush nya nga dati yung isa sa mga kaibigan ko na nakaupo sa 1st row na halos tapat lang namin. Nagsimula akong tuksuhin sya. Minsan titignan ko sya nang may nakakalokong ngiti. Inaasar ko sya. Hindi naman sya napipikon. Naaalala ko din dati, kinukurot nya lagi ang pisngi ko.

Unti-unti naging masyado syang clingy sakin. Lagi nya kong kinukulit, lagi nyang ginugulo buhok ko, lagi nyang hinihiram ang cellphone ko... Lagi kaming magkadikit sa armrest ng upuan nya dahil dun ako nakasandal ng madalas. We were always just that close.

Isang araw nagpunta kami sa bahay ng kaibigan namin para gumawa ng project. Hindi ko maalala kung kagroup ba namin sya o sumama lang talaga sya. Naalala ko na sabi ko pa ililibre ko sya ng pamasahe at binigyan ko pa sya ng popcorn na tira sa baong ko nung nagfieldtrip kami. Di kasi sya sumama dun. Naalala ko pa na tuwing tatawid inaalalayan nya ko at hinahawakan nya yung kamay ko. Pag naglalakad, parang lagi syang nasa likod ko. Kaya nung bigla akong tumugil sa paglalakad, bumabangga sya sakin.

Nagshare na din kami ng pagkain at nakapagpapicture ng parang nakaakbay sya sakin. May mga nakakapansin na noon na sobrang close namin. May mga ibang nagtatanong from other sections kung kami na ba. Nagdedenny ako, kasi hindi naman talaga.

Hinatid nya ko isang beses sa bahay namin. Ginabi kami galing sa gala, nung time na yun gusto ko sana syang yakapin o halikan sa pisngi para magpasalamat. Pero di ko nagawa. Dun ko naramdaman na naguhustuhan ko na sya. Iniisip ko minsan, paano kaya kung tinuloy ko yun? Nagkaroon kaya ng "kami"? Di ko inamin sa kanya at sa sarili ko na may nararamdaman na ko dahil crush sya ng bestfriend ko at ng isa ko pang kaibigan. Ayoko silang masaktan.

Hanggang sa may manligaw sakin... Natuwa ako sa bagong atensyon. Nagustuhan ko yung manliligaw ko noon, pero... Gusto ko din sya.

Naging magkagroup kami sa isang baby thesis noon. Ako, sya at yung kaibigan kong may gusto rin sa kanya. Awkward. Bakit? Kasi alam ko na nasasaktan yung kaibigan ko tuwing lalapitan nya ko. Tuwing magiging sweet kami. Kaya... Binalewala ko. Kahit sa totoo lang, kinikilig ako sa tuwing magkakalapit kami. Gusto ko ung pakiramdam na lagi syang nakadikit sakin. Kahit inaasar nya ko lagi. Naalala ko na tibatawag nya ko dating "Babe" kasi yun daw yung pangalan ng biik sa Babe in the City. Kamukha ko daw.

Isang araw, tandang tanda ko pa... English Subject namin yun kaya magkatabi kami. May nilelettering sya sa isang bond paper gamit ang yellow green na stabilo. Binigay nya sakin. May nakasulat dun na MAHAL KITA. Ang panget ng lettering nya. Naflattered ako noon. Pero naisip ko na naman yung mararamdaman nung bestfriend at kaibigan ko na may gusto sa kanya kaya pagkabasa nung nakasulat. Binalik ko sa kanya. Dinedma ko. Hindi ko na tinignan yung reaction ng mukha nya. Nakinig na lang ako sa lesson.

Meron pang sumunod dun... May hiniram sya saking notebook, nung binalik nya nakita ko may nakadikit na picture ko sa cover. Yung picture na hiningi nya sakin dati. May nakalagay na namang "Babe". Naasar ako kasi baboy yun eh. Yung notebook... Sa likod nun, nakasulat lahat ng nararamdaman nya para sakin. Mahal nya daw ako. Nalakimutan ko na yung ibang nakasulat pero ganon yung thought.

Kahit medyo ineexpect ko na, nagulat pa din ako. Mahal nya ko pero ako papunta pa lang dun. Its like im almost there. Almost. Kasi... Gusto ko din yung nanliligaw sakin. Mas nagugustuhan ko yung kesa sa kanya. Kasi yun, sinabi nya sakin kung ano talagang gusto nyang mangyari. Pero sya... Sinabi nyang mahal nya ko... Then what? Nagsulat ako sa likod ng notebook na yun na may iba na kong nagugustuhan at binalik ko na yun sa kanya.

Naalala ko din na sinabi nya sakin na kapag inamin nya na sa babaeng nagugustuhan nya yung feelings nya, iiwas na sya. Medyo ganon nga yung ginawa nya sakin. Alam ko nasaktan ko sya.

May panahon din na nag offer sya na ihahatid ako sa bahay namin nung uwian pero maglalakad lang kami kasi wala syang perang panlibre, pinangdota nya kasi. Sinabi nya na ihahatid nya ko sa harap nung manliligaw ko. Naiilang ako noon kaya hindi ako pumayag.

Nagkaroon din ng time na nagkaroo kami ng misunderstanding ng kaibigan ko na may gusto sa kanya. Close na din sila kasi sila na yung laging nagpapataasan ng grade... Nasaktan ako noon dahil hindi sya sakin kumampi.

Nung magkaayos kami ng kaibigan ko, nagsosorry sya sakin. Pero ayoko. Kasi... Masyado ko nasaktan. Naisip ko, ganon ba yun? Kasi nasaktan ko din sya?

Naging okay kami pero hindi na kasing okay katulad ng dati. Di na kami naging close katulad ng dati. Hindi nya na ko inaasar katulad ng dati. Hindi na sya sweet sakin katulad ng dati. At hindi nya na din ako pinansin, hindi katulad dati...

Hanggang sa maggraduation na. Hanggang sa maging kami na nung manliligaw ko.

Alam ko na mas deserving sya pero hindi naging sapat yung nararamdaman ko para sa kanya para ipagpatuloy yung kung ano mang meron kami.

Muntik ko na syang minahal.

May mga oras na naiisip ko sya. Hindi kami nagkaroon ng closure. Nagguilty ako. Na dapat ba sya na lang pinili ko? Pero kung sya pinili ko... Makikilala ko ba yung nagpapasaya sakin ngayon?

Alam ko na masaya na din sya ngayon. Oh well, we're almost there but maybe we are really not meant for each other.

Im really happy he already found someone na maibabalik yung pagmamahal na hindi ko naibigay sa kanya.

I cant say that he's the one who got away kasi on the first place, hindi sya naging sakin. At hindi kami nagkaroon ng "us".

My only regret was... I didnt got the chance to apologize and thank him for making me feel special back then.

So thanks to my Almost Lover. The one I didnt end up with. :)



My Almost LoverWhere stories live. Discover now