Habang magisa ako sa room, may pumasok na isang amerikanang doktor.

" Hi, Aurora. Im Dra. Fascon, im a surgeon" sabi niya ng nakangiti sakin. Nalito naman ako sa sinabi nya. Eh ano naman?

Bigla siyang may binigay na salamin sa akin para tingnan ang mukha ko.

Unti unti akong naluha nang makita ko ang itsura nito. Puro tahi... Puro sugat... Napakapangit. Ako ba ito? Bakit basag ang mukha ko?

Biglang pumasok si mommy sa kwarto at nagexplain sakin.

"... Ibabalik natin ang maganda mong mukha. Ipapaayos natin ang nasira... Babalik tayo sa nakaraan " nakangiti niyang banggit. Tumango nalang ako kay mommy. Siya na ang bahala. Ayokong manatili sa ganitong itsura.

Nakaraan? Ano ba ang aking nakaraan? Bakit parang may gustong ipahiwatig si mommy? Bakit, wala akong maalala?

" Your schedule is on monday. Dont worry, i will fix everything madam"

" Thank you.. " sabi ni mommy.

" gusto mong ipasyal kita?" Tanong niya.

" hindi ako pwedeng lumabas nang ganito ang itsura " sabi ko sa kanya ng walang ka-emo emosyon.

" Wag kang mag alala, wala namang makakakita sayo. Sa rooftop lang naman tayo pupunta " sabi niya.

" Sige po" sabi ko ng walang pagaalinlangan.

Sinakay ako ni mommy sa wheelchair at paglabas ng kwarto ay diretsong elevator na kaya walang kahirap hirap. Pagdating namin dun ay hininto niya ko sa pinakadulo katapat ng railings.

" wag! Wag mommy wag! Mommy wag... Wag mo kong papatayin... Wag" sabi ko ng patuloy ang pagiyak. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

" Anak anong nangyayari sayo? Anak ayos kalang?" Lumapit sya sakin pero pinigilan ko sya.

" wag kang lalapit! Wala naman akong ginawang masama sayo!"Pagpigil ko sa kanya.

" Anak! Anak!" Sabi ni mommy at unti unti nang dumilim ang paningin ko.

--

"aurora.." Sino kayo? Bakit kayo bumubulong sakin?

" tulungan mo sila Aurora.." Sino? Sinong tutulungan ko?

" aurora tulungan mo kami..."

"Aurora bumalik kana.. "

-
" Anak? Ayos kana ba?" Pagdilat ng mata ko ay bumungad sakin si mommy.

" Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

" nakausap ko ang doktor mo. Sabi niya ay na trauma ka sa rooftop. Bumalik na ba alaala mo?" Alaala? Nagka amnesia ako? Sa rooftop nangyari?

" ano po bang nangyari sa akin?" Tanong ko.

" natagpuan ka nila sa school mo anak. Tumalon ka sa rooftop. Nagtangka kang mag suicide" sabi ni mommy.

" Ano pong school ko?" Tanong ko ulit.

" hawton University. Sa pilipinas. Grade 9 section love ka anak"

" hindi ako tumalon... Balak nya kong patayin... Mommy, babalik ako sa pilipinas. Babalik ako sa section ko" sabi ko sa kanya at ngumiti sya at tumango.

" gaganti ka anak. Kailangan mong gumanti "

xxx

Class: Grade Nine Section Love (#wattys2017)Where stories live. Discover now