[44] RUN TO YOU

Zacznij od początku
                                    

Pabalik-balik na naglakad si Blake. Wala siyang mapagsidlan ng takot at nerbiyos. Pakiramdam niya ay malapit na siyang matumba dahil sa hindi humuhupang panghihina ng mga tuhod. Pinagpapawisan na ng malalig ang kanyang mga palad.

Dumating ang ambulansiya. Pansamantala siyang hindi makakilos si Blake. Nabibingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Ibiniba ang hinihigaang stretcher ni Alex. At nagmadali ang mga doktor sa pagsalubong dito. Nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang mga kalamnang nilapitan niya ito. Takot na takott siya sa maaring makita.

Tumambad sa kanyang harapan ang walang malay na dalaga. May nakatakip na oxygen sa bibig. Namumutla ang mukha. Hanggang balikat ang puting kumot na nakatakip sa katawan at sa bandang dibdib ay kitang-kita ang mantsa ng mga dugo.

“A-Alex….” nanginginig ang boses na sambit niya habang naluluhang tinititigan ang kaawa-awang hitsura ng babae.

Patakbong itinulak ng mga nurse papasok ng hospital ang stretcher. Nanlalambot ang mga paang sinabayan niya ito. Humawak siya sa gilid stretcher at nangingilid ang mga luhang kinausap si Alex.

 “Fight Alex…Please fight. You promised that you won’t leave me.”

Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ng dalaga. “You said you’ll love me…You told me you won’t leave me again. I remember everything now Alex,” Pumatak ang kanyang mga luha. “You can’t leave me like this. Marami pa tayong gagawin. We haven’t even fully started loving each other. Itutuloy natin ang lahat Alex. So please fight…pleaseee.”

 “…I’m sorry if I had forgotten you. I didn’t want it to happen. Pero ako naman ang mangangako ngayon hinding-hindi na ulit kita kakalimutan. Give us one more chance. So please live Alex.”

Walang tigil sa pagluha si Blake at kulang na lang ay yakapin niya ang walang malay na babae habang nagmamakaawa.

Natigilan si James sa mga narinig at nakita habang nakasunod din sa stretcher. Noon niya lamang naintindihan ang naging pagbabago sa kilos ni Blake. Bumalik na ang alaala nito. Sa mga sandaling iyon ay nasaksihan niya ang kalungkutan at pag-aalala nito. Napagtanto niya na nasasaktan siya at natatakot sa nangyari kay Alex pero hindi niya kayang pantayan ang lalim ng sakit at pagdadalamhating nararamdaman ni Blake. Mahal na mahal nga nito ang dalaga.

Nilalabanan ni Alex ang lahat ng sakit na nararamdaman. Gusto niyang imulat ang mga mata subalit tila kahit dulo ng darili ay hindi niya maigalaw. Nahihirapan siyang huminga. Ang bawat hanging dumadaan ay gumuguhit ng sakit at parang patalim na humihiwa sa kanyang lalamunan. Nagmamakaawa makahugot lamang ng isang hininga.

Gusto niya nang sumuko. Ayaw niya nang huminga.

Ngunit nauulinigan niya ang paligid. Naririnig niya ang mga ingay. At nangingibabaw dito ang isang pamilyar na boses. Si Blake. Nasa tabi niya si Blake.

Kinakausap siya nito. Naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi nito. Sana ay hindi lamang delusyon ang mga naririnig. Gustong pumatak ng kanyang mga luha at sana nga ay tumulo ang mga ito upang malaman nitong nakikinig siya . Lalaban siya…lalaban siya para sa lalaki at para sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz