[14] MORE DO'S & DON'TS

549K 13.1K 3.5K
                                    

                                    *****

Maagang nagising si Blake. Ang unang bagay na sumagi sa utak niya ay kung papaano makakaganti sa nakikitirang babae dahil sa ginawa nito sa kanila ni Lizette. Kaagad siyang nag-shower at nag-ayos ng sarili. Paglabas na paglabas niya ng kuwarto ay diretso niyang kinatok ang pinto ng dalaga.

 “Maya open the door!”

 Walang sumasagot. Pinihit niya ang door knob. Naka-lock.

“Maya, I said open the door!”

Wala pa ring sagot. Bumalik siya sa sariling kuwarto at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya ang babae ngunit hindi rin nito sinasagot ang telepono.

Lumapit siya sa kanyang study table. Dinampot ang isang pirasong papel na pinaghirapan niyang gawin bago matulog. Tumungo siya sa baba ng bahay at muling hinanap ang nawawalang babae. Lumapit siya sa mga abalang nakaunipormeng katulong at isa-isa ang mga itong tiningnan. Hindi niya pa rin makita ang taong hinahanap.

 “Guys did you see Maya? The new girl here?”

“Hindi po sir.”

“Yaya Cora did you see Maya?”

“Nakita ko siya kaninang naglalakad papunta doon," sabay nguso ng matandang katulong sa pasilyo papuntang swimming pool.

 "Sandali. Tumulong ba siya sa housework?” kunot noong tanong niya.

Sabay-sabay na umiling ang mga katulong.

“Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun!” iritableng sabi niya habang binabaybay ang direksiyong itinuro ni Aling Cora.

“Three hundred eighty two, three hundred eighty three, three hundred eighty four….”

Natigilan siya sa narinig at agad niya itong nabosesan. Sinundan niya ang boses ng nagbibilang. Nagmumula ito sa gym.

Binilisan niya ang paglalakad. Hindi na siya makapaghintay na masermunan ang babae. Ngunit habang papalapit siya sa gym, unti-unting bumagal ang kanyang mga lakad hanggang sa napahinto siya sa mismong pintuan. Tila nahipnotismo siya sa nakitang tanawin.

“Three hundred ninety, three hundred ninety one….”

Si Alex. Seryosong-seryosong nagsi-sit up. Nakasuot ito ng itim na cycling shorts, midriff top at rubber shoes. Nakatali nang mataas at mahigpit ang mahabang buhok. Kitang-kita ang maputi’t makinis na balat. Hulmang-hulma ang  ang magandang hubog ng katawan.

 “Three hundred ninety nine, four hundred…Whooh!”

Humiga ang dalaga sa exercise mat nang makumpleto ang pagbibilang. Ilang ulit muna itong huminga ng malalim bago tumayo at nagpunas ng pawis. Nagulat ito nang makita ang napapamaang na si Blake sa may pintuan.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon