Chapter VIII "who's that girl?"

Magsimula sa umpisa
                                    

bumaba yung tingin ko sa kanya dahil sa ginagawa nya ngayon,

dahan dahang humarap si Jiro kay Sofie, nakatingin lang sya ng seryoso na mukang medyo badtrip kay Sofie, pero hindi sya nagsasalita,

"mas maganda naman talga ako kay Hannh di ba?? so why her? ano?? sagutin mo ako!" tanong ulit ni Sofie, hindi ko alam kung magre'react ba ako o wag na lang, medyo nasasaktan din kasi ako sa mga sinasabi ni Sofie,

unti unti na ding dumadami yung mga student na nanunuod, ang lakas kasi ng sigaw ni Sofie,

"talaga?" biglang tanong ni Jiro kay Sofie, hindi makaimik si Sofie sa tanong ni Jiro,

"mas makapal ka lang maglagay ng make-up tingin mo mas maganda ka na sa kanya?" dugtong pa ni Jiro na medyo napapangiti tapos umalis na ng tuluyan,

nagulat si Sofie sa mga sinabi ni Jiro, pero mas nagulat ako, hindi nga sinabi ni Jiro na mas maganda ako pero parang ganun na din yung point nya dun di ba? bumibilis na naman ang heart beat ko, pakiramdam ko pinagtanggol ako ni Jiro,

inis na inis si Sofie na bumalik sa classroom, pero tumigil muna sya sa harapan ko tapos inirapan ako bago pumasok ng classroom, wala naman akong kasalanan sa kanya, actually ako nga dapat ang magalit sa kanya pero bakit sya pa ang galit? napaka spoiled nya talaga,

after ng drama scene may isang tanong na paulit ulit na gumulo sa isip ko,

bakit kaya ginawa kaya ginawa ni Jiro yun?

dahil kaya gusto akong ipagtanggol ni Jiro?

tama kaya yung sinabini Dr.Alex na gusto talaga ako ni Jiro?

o baka naman inis lang talaga sya kay Sofie??

HAYY! sumasakit na naman ulo ko kakaisip sa mga actions ni Jiro, napaka tahimik nya kasi, ang hirap pang basahin, ibang klase ang mood swing nya,

may humawak sa balikat ko, paglingon ko si Jayne pala, kasama si Claire,

"are you okay?" tanong ni Jayne, nag nod lang ako tapos yumuko,

"tara kain na lang tayo!" sabi ni Clare tapos hinatak na nya kami ni Jayne papunta canteen,

habang kumakain kaming tatlo sa canteen, nakita ko si Jiro na umo'order ng food nya, lalapitan ko na sana sya pero may nauna sakin, may biglang lumapit sa kanyang babae kaya napatigil ako tapos bumalik na lang sa table namin,

sino na naman kaya yun? matagal ko ng nakikita dito sa school yung girl, kilala ko sya sa muka pero hindi ko alam ang name nya,

dumadami ang mga babaeng nakapalibot sa guardian angel ko, pero wala naman akong magagawa dun, gwapo kasi sya, tsaka wala naman akong magagawa kung madaming babaeng magkaka'gusto sa kanya,

akala ko hindi nya kilala yung girl since hindi nya pinansin nung una yung girl na tumawag sa kanya tsaka transferee lang si Jiro dito sa Laifort high di ba? pero mukang magkakilala sila nung girl na kausap nya, umupo sila sa table pagtapos ni mag order ni Jiro, may pinag uusapan sila, hindi ko naman marinig kasi medyo malayo kami sa kanila,

mukang naging good mood ulit si Jiro habang naguusap sila, actually, parang sobrang close sila, hindi ko alam kung dapat ba akong matawa na masaya si Jiro habang kausap nya yung girl,

dapat nga ba?

tapos ang ganda pa nung girl na kausap ni Jiro, mistisa na celebrity type, grabe din sa make over pero bagay na bagay sa kanya, parang isang professional hollywood make-up arstirt yung nag ayos sa kanya, yung make-up nya, eye shadow, eye liner and very red lips, lahat bagay na bagay sa talaga kanya, hindi katulad nung make-ups ni Sofie,

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon