“Ano naman kaya ang inihanda ng isang yun?” ang awkward pala ng nakahubad buong araw noh? Bahala siya! “Magbibihis ako…” ginawa kong tube na gown yung kumot. Nagmukha tuloy akong lumpia sa pinaggagawa ko. “Naman! Ang bigat naman ng kumot na ito ah.”

( __   __ ;;) Sakeeet! Nak ni Dora naman talaga! Ang ulo ko pa talaga ang naunang maglakad kaysa sa mga paa ko. Baliktad effect.

“Annn sakeeet!”

“Ano yan stretching agad Mahal?” syet! Ang dali naman nakabalik ng isang yun. Hayun nga eh, nasa harap ko. “Ikaw ha, excited ka din sa part two no? hehe”

“Iwan ko sayo! Tulungan mo nalang nga ako dito at baka mapunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.” Sakeet pa naman ng pagkakabagok ng ulo ko.

“Sabi ko naman sayo eh huwag ka ng magbihis” tinulungan naman ako ni Rain na makabalik sa kama, at mas inayos pa nito ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ko. (0_0) “Hayan ayusin natin yang gown mo…” sabay ngisi “Wala na akong makikita diyan… buti nalang may photographic memory ako… shit! Sakeet ha!” okay na sana eh! Yun na yun sweet ka na… may photographic memory ka pang nalalaman!

“Hmmp!”

“Okay serious na tayo,” inabot nito ang trey na nasa bedside table “Lunch in bed for my Mahal”

(O__O) Seriously? Effort na effort ha! From the food and plating, well, sobrang touch na ako sa ginawa niya. As in sino namang hindi? Pinaghanda ka ng mahal mo. Kaya lang…

“Bakit may dalawang magkabigkis na lantang rose sa harap?”

“Well, ayoko ko kasing isipin mo na sa iba ko ibinigay yung dalawang rose na kinuha ko sayo doon sa school. Alam mo na hehe…”

“Omy.. so it’s the same roses?”

“Yup”

“Peru bakit?”

“Diba sinabi kong ibibigay ko yung dalawang rosas sa isang tao? At ikaw din ang una-unang makakaalam kung sino ang pagbibigyan ko nun.” Kinuha niya yung dalawang roses na magkabigkis yung stem “Let’s play that game again.”

“Yung guess rose messages again?”

He nodded “If I gave you two roses intertwined together… anong gusto kong sabihin sayo?”

Hindi ko alaam! My gossh! Wala pa akong naririnig na ganyan. Puzzled face nalang yung ibinigay ko kay Rain. Kasi di ko talaga alam.

“I don’t know… ano nga ba?”

“Maybe this will help you figure out..” may kung anong hinugot si Rain sa bulsa “Alam mo na?”

Natutop ko yung bibig ko. I mean, shuks! Inilabas niya yung isang diamond ring. Sobrang ganda nun as in. Para tuloy akong maiiyak… kasi naman, diba kapag binigyan ka ng sing-sing ng isang lalaki ang meaning nun he want to stay with you forever?

Montague Brothers - COMPLETED 2013Where stories live. Discover now