“Hey, chill ka lang Mahal,” kiss na muna niya ako sa pisngi bago ako niyakap “May binili lang ako kaya ako umalis kanina. E sabi ko naman sayo diba na masyadong masarap ang tulog mo… kaya hayun, umalis muna ako para paggising mo nandito na ulit ako.” this time hinalikan niya ako sa ilong “Ayoko kasing ma-miss mo ko… ang sweet ko diba?”

“Baliw ka!” pinalo ko siya sa balikat.. takte naman kasi! Pinapakilig na naman ako ng isang ito. “Rumarason ka pa eh, dinadaan mo diyan sa mga halik mo. Umalis ka nga lang muna sa harap ko at naasar ako sa pagmumukha mo.” Jowk! Magbibihis lang ako.

Nagulat ba naman ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat with shock effect pa. Anyaaree sa isang ito?

“Buntis ka na ba Mahal?!”

“Ha?!”

“Sabi ko buntis ka na ba?” Hindi din baliw ang isang ito eh. Mabatukan nga. “Raay naman Mahal! Huwag mo naman akong paglihian.”

“Nahulog ba ang utak mo sa imbornal Ulan? Paanong mabubuntis ako eh.. eh..” awkward naman yata masyado “Eh kagabi lang tayo nag-ano… Ano yun one moon and three stars pregnant? Kaloka ka!”

“Ay hehehe, sorry na” kiss ulit sa pisngi sabay yakap “Excited lang kasi akong maging-daddy.”

Uyy Syndi si Ulan gusto ng maging daddy… Ano na, itatanong ko na ba kay egg cell kong meron ng laman? Sheeeks! Anong klaseng tanong yan. But to be honest, the thought of carrying Rain’s child brings a smile on my face. Hayun na nga eh, napapangiti na ako ng sobra.

“Ini-imagine mo na mahal no?”

“Oo ini-imagine ko na yung mukha mo kapag lumaki ang tiyan mo hahaha.”

“Ha?! Bakit ako ang lalaki ang tiyan?”

“Wala lang hihihi, ang awkward siguro nun kapag ikaw ang nagbuntis hahaha.. saya nun!”

“Hmmp! Ikaw talaga lagi mo nalang akong inaasar,” kiss ulit “buti nalang mahal kita.”

“Eh mahal din naman kita ah.”

“Edi magmahalan tayong dalawa. Yakap mo nga ako Mahal..”

“Adik karin sa yakapsul at kisspirin eh.. hmmp! Big Hug!” niyakap ko siya ng sobrang higpit “Thanks for everything Rain… thanks for loving me.” Drama ko na naman eh.

“Everything for you Syndi…” kumalas siya ng yakap saken “Wait!” tumayo siya “I have something prepared for you Mahal.” Lapad lang ng ngiti eh, ano kaya yun?

“Ano naman yun?”

“Wait, kukunin ko lang” huminto siya sa may pinto at parang may nakalimutang sabihin saken “Huwag ka munang magbihis dahil baka magka-part two tayo mamaya” binato ko ng unan si Rain! “Hahaha! You never knew!” sabay batche… talaga naman!

Montague Brothers - COMPLETED 2013Where stories live. Discover now