Fragment 3

64 3 0
                                    

Nang maipakilala ko na si Lucy sa buong pamilya ni Jazz, naging magaan na para sa akin ang lahat, nagkaroon ako ng isang solid na masasandalan kung magkakaproblema man. Naging okay ang lahat sa amin, walang  nakakaalam na iba, maliban kay Jazz, out din kami sa bff ni Lucy, si Czquinna. Di naman gaygirl si Czquinna, nagkataon lang talaga na supporter siya ng LGBT Pride at pareho ni Jazz, open siya sa mga ganitong bagay. Kung iisipin, siya ang nagbigay ng idea kay Lucy sa mga gays; hindi naman kasi gay si Lucy, di din siya supporter pero alam niyang may mga taong kabilang sa third sex. Siguro lucky lang talaga ako kasi kahit wala sa linya niya and I’m sure hindi niya pinangarap ang ganitong klaseng relasyon ay sa akin pa din siya na-fall. I mean seriously, di ko naman pwede sagutin ang tanong na baka namangha lang siya sa mga third sex pero sigurado akong mahal niya ako.

So yun lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Lucy. ?Masaya naman kami kahit wala masyadong blessing from all the people that matters to us most, ang alam lang namin hanggang wala kaming nasasaktan at naapakan, wala kaming dapat baguhin.

“Kayee! Babykoh, happy 1st month!”

“Happy 1st month baby”

The first month was the craziest month of all, daming away bati pero di naman kami humahantong sa hiwalayan. Actually kung tutuusin, na-try na namin lahat ng posibleng rason para maghiwalay, kaso ang hiwalay na yata ang sumuko sa amin.

“nambabae ka? Mahal mo ako pero may iba? Anu yun Kayee, yung totoo hardworking lang?”

“nahiya naman ako sa linis mo Cy, daming niligawan ha! Anu yan promo? The more you entries you sent, the more chances of winning?”

“Para na tayong timang Cy, lika kana, ikain na lang natin to”

“Baby naman eh, malapit na akong magdrama, kontrabida ka talaga!”

“Akala mo naman ikaw ang bida”

Isang tipo ng away bati na wala naman talagang ka-kwenta-kwenta pero pinag-aawayan talaga ng wagas. Gyun pa naman, wala namang nagagnap sa huli.

Wala naman talaga akong balak na sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa amin ni Lucy. Wala din akong balak na ipahalata sa kanino man ang araw-araw naming usapan at kwentuhan over the phone and skype kasi alam ko naman may isang pwedeng mangyari pag nagkataon. It’s either papalayasin ako or itatakwil ako. My family is too tight in that matter. 98% of me siguradong di lalabas pero that 2% is strong enough to gave me constant thoughts about coming out.

Mom always have an eye on me, kasi ako lang ang nag-iisang babae. Yung tipong pag may nagawang tama, parang hangin lang pero pag may mali pati kasalanan mo nung bata ka pa rewind agad-agad. Kung tatanungin, isa sa mg utol ko, ayaw din kay mom, masyadong maka-ina sa sinaunang panahon pero gayun pa man, ina pa din naman namin siya.

“kailene, kanina ka pa sa kwarto mo, sino ba kausap mo sa skype?”

“group study lang mom para sa exams next week”

“kung tinigilan mo na kasi yang sayaw-sayaw nay an, eh di sana nakapag-focus ka sa aralin mo”

“mom nag-aaral pa din naman po ako at consistent pa din naman ako sa honor roll”

“yes, consistent second place”

Maybe I could say that my mom is a perfectionist kaso can’t blame her, di kasi siya nagawang patapusin ni Lola kaya ako ang pinag-iinitan. Mom has good sides naman, minsan hindi naman siya KJ sa mga parties and gatherings and minsan nakikisama naman siya sa bondings pero most of the time nga lang parang hindi siya tao.

Looking back to how she raised me, di talaga Malabo ang sagot bakit di ako masyadong close sa kanya, laking tita ako and dad eh. Kung iisipin nga, kaya ko mag-out kay dad kaso feeling ko naman ma-di disappoint ko lang siya so better yet to keep inside.

Examination week yun nung nakita kami ni kuya sa daan, magka’holding hands. Alam kong nakita niya kami ni Lucy pero mas pinili niyang manahimik. Wala aman kasing basehan ang holding hands na yun. There’s always a doubt in kuya’s mind kasi men are sensitive enough about third sex people. Una, ayaw nila sa mga bakla and second, nandidiri sila sa mga tibo and in my case, di niya alam paano I’aassess yun. Kapatid niya ako eh.

Family day nun noong nakita ni mom ang invitation sa table, di ko maintindihan pero may feelings akong di niya ako papayagan or kung may payag man na magaganap, dapat maging first ako sa honor list which I doubt it.

“Kailene, nabasa ko yung invitation, wala ka bang plano tungkol dun?”

“Mom, it requires us a month to stay sa Camiguin and that’s too far and long”

Pinatay ko na yung konting pag-asa na makasama pero andun pa din yung hope na sana umepekto ang paawa factor. Di man aminin pero it’s a good thing, actually a very good thing kasi parang I’ll be hitting two birds in one shot ang invitation nay un. Una, makakasama ko si Lucy ng isang buwan na walang palya kahit sa pagtulog and second, makaka-compete na ako regionally, yun naman talaga ang goal ko bilang dancer.

Di pa din ako tumigil sa practice, examination week pero dapat kami magfocus pa din sa dancing. Di na basta-basta ang regionals pero syempre di pa din pwede pabayaan ang position ko sa honor list. Ayoko ma-disappoint family ko sa akin kasi ayoko mawala ang isang bagay kung saan Malaya ang pakiramdam ko. Lucy was consistent supporting me all the way, Masaya akong nagiging mahigpit siya ng konti sa akin tungkol sa studies and sa ibang mahalagang bagay. Alam niya lahat tungkol sa family ko, naikwento ko na din bakit di ako out sa kanila bilang gay girl.

“baby, we got an hour later after practice gusto ko sama ka kay Bea kasi may group study sila sa Math, tom na yung exam niyo dun diba?”

“eh babe, gusto kita kasama, three days na tayo hindi nakakalabas together”

“three days pa lang, wag oa Kayee, ayoko maging failure ka sa family mo”

Yung araw na ding yun, narealized ko kung gaano niya ako kamahal, kung gaano niya ako naiintindihan. Parang ang saya ng pakiramdam na I found an angel in a hell. May kakampi na ako na nakakaintindi sa akin pagdating sa family ko, sa gender ko, sa wants and needs ko. Ang sarap ng pakiramdam na may isang Lucy na all in one.

“Kayee, we got exactly a week bago ang byahe para sa competition, pinayagan ka na ba?”

Di ko masabi sa girlfriend ko na di ako makakasama. Ayoko idisappoint siya kasi she was raising her hopes and may mga gusto na siyang gawin namin together pagdating dun. She was just too damn excited para sa competition and for us pero ako di pa ako sigurado.

I planned to tell lies na lang a day before the byahe para naman di masyadong mabigat sa kanya and makakasama talaga siya ng tuluyan. Knowing her, di talaga yun sasama kung wala ako, so I end up thinking of excuses and emergency.

Lets Get One Thing STRAIGHT, I'm NOT.Where stories live. Discover now