Fragment 9

54 1 0
                                    

FRAGMENT 9

Noong naintindihan ko na ang lahat sa kanya, dun ko naramdaman kung gaano niya ako kamahal pero naramdaman ko din ang hesitation niya sa relasyon namin. Natatakot siyang baka pag nalaman ng pamilya ko ay ilalayo kami dalawa at baka makaabot ito sa parents niya at ipilit muli ang force marriage na noon pa man ay tinatakbuhan niya.

Bago siya napunta sa Manila ay nakatira siya kasama ng pamilya niya sa Thailand ngunit kasabay ng mga tradisyon at culture ng bansang pinagmulan ng kanyang ama ay ang nakasanayang pagtatakda ng magulang ng mapapangasawa ng mga anak na dalaga at yun ang isang dahilan kung bakit malayo si Lucy sa pamilya niya.

Pikit mata kong iniwasan ang mga moments of doubt ni Lucy, kahit pa obvious na minsan parang naghahanap lang siya ng way para mag-away kami, hindi ko pa din pinapansin. Natatakot ako for myself na mawala siya, we haven’t really enjoy each other well at sobrang mahal ko ang girlfriend ko para ibigay ang gusto ng mga hesitations niya. It was way over sa vacation at enrolment na, nagkausap na kami ni Lucy sa papasok na school year kaya pareho kaming excited.

“In no time graduating kana Kayee magiging busy na baby ko by college”

“not as busy as you think babe”

“basta enjoy lang natin ang last year mo sa school tapos lets see anong mangyari”

Its always like that matapos ang competition, wala ng kasiguraduhan ng future with me. Akala ko ako lang ang hindi ready pero parang mas hindi re;ady si Lucy. I thought family ko lang ang magiging sagabal sa amin pero mas malala pa pala ang problema sa family niya. But none of these matters sa pagpasok ng school year.

“pila ka na sa registrar babe, kunin ko lang list of activities sa guidance”

“okay pero magmadali ka Cy, gusto ko magbanyo”

“okay, mabilis lang ako”

Wala na naging masyadong enrollee sa third day ng enrolment at medyo mabilis lang kami. Pag natapos kami nagplano kaming puunta kina Jazz to get things in order para sa huling hirit sa summer ng dumating ang di ko inaasahan.

“Nak! Kailene!”

“mom? dad?”

“kanina lang kami nakabalik dito, din a ako nakatawag kasi wala akong makitang loading station”

“SAM?”

Hindi ko ineexpect sila mom na umuwi ng after four days pero mas nawalan ako ng dugo ng makita ko si Sam, gusto ko sanang itext si Lucy na wag muna bumalik sa pila kasi dumating si mom pero huli na kasi almost magkasabay ang pagdating ni Sam and Lucy.

“Tita, ito po water, uy! Hi Kailene”

Di ko maintindihan bakit tita at bakit may pa-water water pa siyang binibigay kay mom pero may pakiramdam akong parte ng plano ni Sam ang makilala ng personal ang pamilya ko. Talagang gusto niyang magkabalikan sila ni Lucy at sa pagkakataong ito, sinisigurado na niya ang mga kilos niya.

“Hi Sam, kamusta?”

“ito nag-enjoy ng husto sa Bohol,salamat sa mommy mo, may kasabay akong umuwi”

Gusto kong tumakbo o di kaya kainin ng lupa ng buo sa di ko maintindihang pakiramdam sa mga pinagsasabi ni Sam pero alam kong may kasunod pa ito.

 “mom? Magkakilala kayo ni Sam?”

“yes nak, anak siya ng Tito Samuel mo, yung barkada ng dad mo sa Bohol”

Nanginig ako sa mga narinig ko, all those years na magkasama si Tito Samuel at dad ay wala man lang silang naibanggit na anak na ka-edad ko. Posibleng alas ni Sam ang pagiging anak niya ni Tito Samuel kasi malaki ang impluwensiya at tulong na nagawa ni Tito sa aming pamilya noong panahong walang-wala kami.

Ilang saglit pa biglang dumating si Lucy.

“oh, magkasama pala kayo ni Lucy, hi Lucy!” nakangiting bati niya

“ha?...hi”

“nag-enjoy ka ba? Miss me?”

“ha? Oo, nag-enjoy naman ako sa bakasyon ko last week”

“magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni mom

“ah, ni Lucy Tita? Yes po, sobrang kilala ko siya”

Ang sarap suntukin sa mukha ni Sam, nakakairita na siya at mas nangibabaw sa akin ang galit at pikon sa gingawa niya pero di ko inaasahan ang kasunod na nangyari.

“magkaibigan kami noon at sila na ngayon ni Kailene”

“magkaibigan nga sila kasi magkasama sila sa dance troupe”

“oh, did I say magkaibigan ba? Ang ibig ko po kasing sabihin magka-ibigan”

“ANO?”

“hala, hindi niyo po ba alam? Girlfriend po ni Kailene si Lucy”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, di ko maintindihan anong nararamdaman ko, wala akong masabi at lalong di ko matingnan si mom and dad lalo na si Lucy na walang naimik sa sinabi ni Sam.

“UUWI KA NA SA BAHAY”

“pero mom, di pa po ako na-eenrol”

“di ka talaga mag-eenrol kasi you’re flying off here!”

“please mom, don’t do this to me”

“sa bahay, ngayon na!”

I swear to rock, di ko alam kung ano ang naramdaman ko, walang pumapasok sa isip ko at lalong walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi “please”. When mom dragged me palabas ng campus, nakita ko ang mukha ni Lucy, blanko lang at namumutla ngunit si Sam ay nakangiting aso at sayang-saya sa pagbubunyag.

“what the hell is wrong with you KAILENE FAITH!”

“mom, I love her and I’m gay!”

“GAY? Are you crazy? Or ginayuma ka ng babaeng yun? Kaya ka pala nawawala lage dahil sa babaeng yun!”

“mom, I’m gay and been gay since I was younger, please don’t hate me, please”

“anong pinakain sayo ng babaeng yun para magkaganyan ka, ang dami-dami mong choices Kailene, bakit pa sa ganyang relasyon ka pumasok!? At pagiging tomboy ba ang pinili mong choice!”

“Are you telling me that being straight is a choice too?” galit na sagot ni Kailene sa kanyang ina.

“Sana naisip mo kung ano ang maaring sabihin ng mga tao sayo at sa amin na magpalaki sayo!” nagmumurang sagot ng ina ni Kailene.

Lets Get One Thing STRAIGHT, I'm NOT.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ