Fragment 1

190 3 0
                                    

It was rainy afternoon then when I got back from a dance practice, nang makita ko ang isang dance invitation sa table, noon pa lang mahilig na talaga akong sumayaw; kahit pa buong mundo hindi ako suportado.  Lumaki ako sa isang pamilya na konserbatibo, culture oriented and have strong religious faith kaya naging mahirap para sa akin ang ipakita at ipursige ang mga bagay na hilig ko at gusto ko. Alam kong iba na ako kaysa nakakarami simula nung nagkaisip. Pinilit kong pinaniwala ang sarili ko na it’s just a phase, it will end soon but as I grew and learned new things it gets stronger and stronger. I knew I was gay girl when I was freshman.

Late elemetary pa lang nagsisimula na ang attention towards opposite gender and almost all of my classmates got their crushes already but for me, kahit isang lalaking magpapangiti sa akin na may malisya, wala. Ngunit hirap akong sabihin sa kanila, both my family and friends na wala akong gusto kaya kung ang pakikipagkwentuhan tungkol sa boys will cover me up from telling them that I don’t get attracted to boys then so be it.

Freshman pa lang ako noong nagsimula akong sumali sa mga school dance competitions. Dito ko ibinaling ang atensyon ko at laking pasalamat ko kasi habang tumatagal ay mas lalong nawawala ang attention ko tungkol sa mga bagay na iyun. Isang taon na din ang dumaan na ng tanging nasa utak ko lang noon ay masaya ako sa ginagawa ko at it will be just a phase.

The invite I got was schedule for summer competitions and the group will be competing regionally kaya naman hesitant ako. Our family religiously pray and get together every family day and the competition requires us to stay atleast a month kaya di ko na tinanong si mom about it.

Nagsimula na ang practices for the competitions nang dumating ang bagong batch ng newbies, dagdag sa grupo para umabot kami sa kota. Naging madali naman para sa amin lahat ang adjustment kasi lahat naman kami na’inform tungkol sa additional and secondly trained na sila kaya nakakasabay na sa pagoda na practices. We were not mixed up with the newbies hanggang isang araw half ng grupo kailangan sumali ng retreat kaya napilitan si coach na isali na ang mga newbie. At first hesitant kami lahat na makipag-interact kasi naman wala talaga kaming kakilala pero coach made us pair up para mas madali so yung araw na yun nakilala ko si Lucy.

Si Lucy ang tipo ng babae na magaslaw, maingay, mautak, may goal sa buhay. I found her attractive pero di sa ganung way kasi ayoko naman na mawala kaming pareho sa focus.

“Tibo ka ano?” pambungad na tanong sa akin ni Lucy.

“Excuse me?”

“oh, I’m sorry.. I said I think you are a lesbian”

“Nakakintindi ako ng tagalog at hindi ako tibo”

Half guilty and half denial. Di ko maisip na may gaydar pala siya, seriously she looked so girly at maarte kaya di ko inexpect ang mga yun sa kanya. Naangasan ako ng sobra sa kanya simula ng practice pero di ko maitanggi na may karapatan naman. Sexy, teaser at magaling talaga siya sumayaw kaya kahit medyo insecure eh di pa din pahalata.

“I’m sorry, my name is Lucy”

“Kailene”

“Tipid ah, galit ka ba, opinion ko lang naman yun”

“I’m not. Focus!”

“arte naman, nagtatanong lang naman”

“I’m still you’re senior here kaya umayos ka kung ayaw mong maka’award kay coach”

“Fine.”

I wanted the practice to end soon kasi ayoko na talaga siya kausap, I was planning to talk to coach about changing my partner kasi di ako maka’focus sa dami ng tanong niya at most di ako maka’focus sa galing niya sumayaw. Ayaw ko man aminin and even if I’ll deny to death ang feelings of attraction eh wala talagang powers. She’s just too hot and the art of deadma is not as effective as it is sa  ibang bagay.

“Kayeee, can I ask a favor?”

“Kayee?”

“Oh I mean Kailene, pwede mo ba akong samahan kumain ng lunch?”

Ang tagal ko nakasagot sa kanya, swear to rock, sobrang tagal ko nakasagot, I don’t know if I was thinking or what pero alam ko the moment she asked, Oo na agad sagot ko. I kept dancing para di naman halata pero as the music stopped, she stared at me like she’s been waiting for hundred years sa sagot ko.

“Kayee?”

“ha? Oo, sige”

“Yes!”

Dun kami una nagkita at nagkausap ng girlfriend ko. Ang tagal pa bago ko siya sinabihan about the real me pero parang di naman kailanagan kasi simula pa lang in’assumed na niya na tibo ako. Naging mahirap para sa akin ang itago ang closeness namin after the lunch, naging comfortable na kasi ako agad sa kanya. Maingay siya and outloud sa feelings niya kaya di ako hirap basahin ang iniisip niya at kahit sino pa tanungin, wysiwyg sa kanya, kaya di ko maipagkaila na she’s something.

One week na kaming nagkakasama lagi ni Lucy sa practice at Masaya ako nun pero di ko inakala na isang linggo na at ang mga sumali ng retreat ay pabalik na; ibig sabihin lang ay pabalik na rin ang lahat sa dati, hiwalay na naman ang mga newbie sa original na grupo. Di ko maiwasang isipin ang pagbabalik ng mga nagretreat at di ko maintindihan sarili ko bakit ako aligaga eh kung tutuusin hiwalay lang naman ng practice pero magkikita pa din naman kami.

“HooooY! Kanina ka pa wala sa mundo, ano ba iniisip mo?

“Sorry Lucy, iniisip ko lang ang balik ng mga galing retreat”

“oo nga pala, pabalik na sila at balik na naman sa dati ang lahat”

“yun na nga eh”

“ahhhh, ayaw mo na iba ang partner ko.”

Siguro nga tama siya nung sinabi niya yun, ayaw lang aminin ng utak ko. Kasi naman, dapat walang ganitong feelings, I swear to rock, nagdasal ako after ko marinig yun from her. Dear God, please don’t make me gay.

 “Don’t worry Kayee, kinausap ko na si coach about it at sabi niya permanent partners na daw ang mga andito at yung mga pabalik ng retreat sila na ang mga magkakapartner”

“What?”

“Oo, tatlong araw ka ng wala sa utak at alam ko naman na ayaw mong may partner akong iba, kaya tinanong ko na si coach”

“teka! Assumera ka at ako pa talaga yung ayaw may kapareho kang iba huh!”

“Okay, deny mo pa mauutot na…. Hooy Kayee, isang Linggo na tayo nagkakasama pero wala ka talagang binibigay na number”

“Bakit? Hiningi mo?

“Sobra ka! Ako na nga gumawa ng paraan para malutas yung worries mo, gawin mo na lang favor to, ayoko naman magmukhang desperado to get your digits”

Lets Get One Thing STRAIGHT, I'm NOT.Where stories live. Discover now