Viancah POV
"And we are now live for our Finale of the first season of FilAm Superstar and it now comes down to 2 hopefuls, Jacob Salazar and Ciara De Guzman" bungad ng emcee sa pagbubukas ng live finale ng FilAm Superstar.
Nagpa live viewing ako dito sa main branch ng Viancah's Sweets para makapanood ang mga Avid Fan ng FilAm Superstar slash Avid Customer ng Viancah's Sweets. Hindi ako nagkulong sa office ko that day para manood ng solo, bagkus ay sinamahan ko ang aking mga customers na i-cheer si Jacob which happened to be their bet as well.
Si Ciara de Guzman kasi na makakalaban niya ay naka base na sa US since birth pa kaya mas pabor sa kanila yung talagang nanggaling dito at dihamak na mas magaling naman si Jacob kumanta sa kanya.
"Before we start the competition, let's have a little chat to get rid of the tension and the nervousness you 2 are feeling right now. Let's start with Jacob... Parang lagi kang inspired when you perform, your question, is there someone special waiting for you here or sa Pilipinas?"
Dito ko makukumpirma ang dahilan kung bakit ini-ignore niya ang emails ko, kaya mas tinutukan ko ang mga sasabihin niya.
Ah, wala, wala naman, except for my family, sila mom and dad at sa mga fans na naniniwala sa kakayahan ko, nothing more nothing less...
Hindi ko napaghandaan iyong sagot niyang iyon ah. Parang sumikip ang dibdib ko sa narinig ko. Nangingilid ang mga luha ko sa mga oras na iyon pero ayaw ko namang sirain ang momentum ng mga fans niya na nanonood sa mga oras na iyon.
"Follow up question... Is Jacob Salazar single?" pahabol ng emcee. Ito ang mas tinutukan ko kung ano ang sasabihin niya.
Wala mang karelasyon o meron hangga't hindi pa kasal ay considered single. But in my case, I am single, I have no girl friend as of the moment... and always ready to mingle.
"Oh girls out there, single and ready to mingle si Jacob, ano pang hinihintay niyo, pila na..." masayang sabi ng host. Pakiramdam ko ay parang natalo ako sa isang sinalihang contest. Anyareh?
"Excuse me" tanging nasabi ko at napatayo ako papunta sa office ko. Buti na lang at commercial kaya hindi nahalata ng mga customer ang pinagdaraanan ko. Anyway hindi rin naman nila alam na ako yung dineny ni Jacob so it's just like everything is normal.
Maya maya pa ay kumatok si Nathan sa opisina ko. "Come in". "Resume na yung finale ah, hindi ka na ba manonood?" tanong ni Nathan. "Parang nawalan ako ng gana. I-cheer mo na lang ako for Jacob. Alam ko namang siya ang mananalo diyan" sagot ko naman.
"Viancah, hindi mo maitatago sa akin yung nararamdaman mo ngayon... Ako man ay nabigla sa mga sinabi niya." Napatingin lang ako sa kanya habang patuloy siyang nagsalita. "I still can't believe na..." "Oo na di-neny niya ako sa buong mundo...at ang sakit sakit Nate" hindi ko na napigilang humagulgol sa harap ni Nathan.
"Almost 6 years na akong naghihintay at umaasa, only to know na wala na pala akong hihintayin? Nathan tell me, may mali ba sa akin? Saan ako nagkulang para mangyari ito?" tanong ko kay Nathan at sa sarili ko na rin.
"I..I don't know kung anong nangyari sa kanya bakit biglang nagkaganun... Alam mo kahit bespren ko pa siya, masasapak ko siya pag nagkita kami. Mali ang ginagawa niya. Nilamon na siya ng kasikatan niya. I am very disappointed sa ginawa niyang iyon. Kung ayaw niya na sa iyo, sabihin niya ng maayos hindi yung paaasahin ka niya ng matagal at ngayon i-dedeny ka sa buong mundo, hindi man directly pero parang ganoon na rin yun" sagot ni Nathan sa akin.
YOU ARE READING
Competitor/Lover
Teen FictionLife is a competition and so does love. There are two consequences as you enter a competition; it's either you win or you lose. By winning, you celebrate, cherish the moment and enjoy it. By losing, you learn from mistakes made for you to win next t...
