Chapter 28

1 0 0
                                        


Sobrang gulo at sobrang ingay dito sa loob ng gym, laban kasi nila dj championship na nila.

"Te! Nakakatense ito!" Reklamo ni miles.

"Mananalo sila, swear!" I smiled.

"Puspusan ang training nila kaya panigurado panalo sila." Sabi ni julia.

Tiningnan ko si dj na nasa loob na ng court, "Goodluck!" I mouthed.

He wink at me and smile, nag buzzer na at nag simula na ang laro mas lalong lumakas ang hiyawan at hindi ko mapigilang hindi mapasigaw kapag nakaka shoot si dj.

"Whooo! Go dj!"

"Te! Hindi lang si dj ang player! Try mo kaya icheer sila red."

"Miles minsan lang to."

"Pag bigyan." Nakangising sabi ni julia.

50-30 na ang score lamang sila dj, grabe talaga ang laro nila ngayon ni ayaw nilang pahawakin ng bola ang kalaban.

"Go red go red!" Sigaw ni julia.

"Shoot!" Sabay sabay naming sigaw at nag high five pa kami.

Ng mag time out gusto sana namin lapitan sila dj kaso bawal, at baka mawalan kami ng upuan.

"Red!" Sigaw ni julia at agad lumingon si red, nag flying kiss si julia sakaniya at agad itong sinalo ni red.

"Wow! May ganun?" Pang aasar sakaniya ni miles.

"Oo! Para ganahan lalo." She smiled.

"Ikaw te? Walang pampagana?" Baling ni miles saakin.

"Ganado na eh." I giggle.

Pinabalik na sila sa court, ano kayang nakain ng mga to at napaka ganado mag laro.

"Whoooooo!" Sigaw namin.

"Go guys!" Sigaw ko, agad napatigin si miles saakin.

"Oh? Sabi ko guys." Pag lilinaw ko sakaniya.

Natapos ang laro 60-45 ang score, panalo sila dj as always.

"Congrats!" Lumapit ako kay dj at niyakap siya, wala akong paki kung pawisan siya.

"Thankyou!" Binuhat niya ako at iniikot sa ere.

I giggle, "super galing mo!"

Ibinaba niya ako at hinawakan sa bewang, "talaga?" He smiled.

"Yes!" I cupped his face.

"Ehem! Kami ba dimo babatiin?" Singit ni red.

"Ow." Napahawak ako sa noo, "congrats!" Nakipag high five ako kina mark, albert at red.

"High five lang?" Tanong ni mark.

"Ito gusto mo?" Itinapat ni dj ang kamao kay mark.

"Nag tatanong lang po." Natatawang sagot nito.

"Mag bibihis muna kami, dito muna kayo." Sabi ni dj.

Nag lakad na sila palayo saamin, at agad akong tinulak ni miles.

"Aw!"

"Grabe te! Hindi padin kayo pero makapag landian wagas!"

I roll my eyes, "ayan ka nanaman."

"Ang galing ni red." Sabi ni julia na may ngiti sa labi.

"Kayo na lumalovelife!" Natatawang sabi ni miles.

Mga ilang minuto lang ay bumalik na sila dj wearing their new shrt.

"Let's go?" Yaya niya saakin ay inakbayan ako.

"Dj." Malambing kong tawag.

"Yes?" Tumingin siya saakin habang nag lalakad kami.

"Malling naman tayo ngayon." Pacute kong sabi.

"Wala kang training?"

"Tomorrow pa, ikaw wala na kasi tapos na kayo diba?"

He nodded, "now?"

"Yes please." I pout.

He giggle, "bat naman gusto mo mag malling?"

"Panalo kayo diba? Bonding tayo celebration." I smiled.

"Sige malakas ka sakin eh." He wink at me.

Ng makarating kami sa parking lot nag kanya kanya na kaming sakay, siyempre kay dj ako.

"Sa mecol sila didiresto." Sabi ni dj ng pag buksan niya ako ng pinto ng kotse.

Umikot siya sa kabilang side at pag pasok niya ay doon lang ako nakapag tanong.

"Huh? Sino nag sabi?"

He shrug, "sabi ni red kakatext lang." Inilabas niya ang phone niya at pinakita ang text ni red.

"Bakit dipa sila sumama saatin?"

"Gusto po kita masolo." He grin at me, at saka pinaandar ang sasakyan.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana naisip ko si mommy at daddy kamusta na kaya sila? Hindi padin kami nakakapag usap until now, pag uuwi kasi sila tulog na ako pag gising ko naman wala na sila.

Napabuga ako ng hangin at mas dinikit ang ulo sa bintana.

"Hey?" Hinawakan ni dj ang kamay ko gamit ang free hand niya.

"Uhhmm?"

"Ang lalim ata ng iniisip mo." Pinisil niya ang kamay ko.

"Kamusta na kaya sila mom and dad?" I asked without looking at him.

"Hindi padin kayo nag uusap?"

Umiling ako, "di kami makapang abot lagi."

"Stop thinking about it."

Napatingin ako sakaniya.

"Magiging okay din lahat." Dugtong niya.

I smiled at him, "thankyou."

"For what?"

"For everything."

He chuckle, "you are my everything."

Halos kumabog nanaman ang dibdib ko sa narinig, and now masasabi kong hindi ko lang basta gusto si dj.

--
Life is short, don't be lazy. :)

IF I STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon