DISIOTSO: COME TOGETHER

912 18 0
                                        

DISIOTSO

Ang bilis ng panahon, hindi namin akalain na one year old na si Eight. Nandito kami ngayon sa Palawan ng family and buong barkada for this another milestone.  Bale parang double celebration, birthday party and barkada reunion.

Nakakalakad na si Athen without crutches pero bawal pa din siya tumalon muna and tumakbo. Patuloy pa din ang rehab niya, after six months pa ulit ang check-up niya sa doctor. Pakiramdam namin, aalis na din siya right after niyang gumaling. May kontrata pa din kasi siya sa States at hindi pwedeng pabayaan kasi malaki ang babayaran nila.

In terms naman kami when it comes to Eight. Minsan inaasar na kami ng barkada na magbalikan na kasi dun din naman daw ang bagsak namin dahil obvious naman na meron pa kaming "thing" para sa isa't isa. Aware naman ako dun pero ayokong ako ang maunang mag-open ng topic. Kung tahimik si Athen about this, aba siyempre ako din.

"HOY! PAMBIHIRA NAMAN KAYONG DALAWA! AKALA KO BA OKAY KAYO? BAKIT HINDI KAYO NAG-IIMIKAN?" Nabingi ang lahat sa sigaw ni Vien na medyo lasing na. Wala na ang mga bata, tulog na sila kaya meron kaming sariling mundo ngayong mga medyo bagets pa. Sila daddy at ibang oldies ay tulog na.

"YES FRIEND! BAKIT SI SETHERE PA DIN ANG KATABI MO? AT BAKIT SI JEANIE PA DIN ANG KATABI NIYA?" Dugtong ni Vanessa, nakalean siya sa shoulder ni Blake at halatang lasing na din.

Yup, kasama namin si Seth at Jeanie. Hindi naman na ako bitter kay Jeanie. Sa panahon naman kasi na magkasama kami ni Athen these past few months, nawala na lang bigla yung galit at inis ko, kusa na lang akong nag-move on. Kung maging sila man or hindi, okay na sa akin.

Si Seth, ewan ko pero parang masyado na siyang busy lately kaya minsan ko na lang din nakakasama. Hindi na din siya masyadong ma-kwento, kaya nga pinilit ko siyang sumama dito para naman makapagchill siya kahit konti.

Wala na kaming selos na nararamdaman ni Athen, confident ako sa akin pero ewan ko lang sa kanya. Naging tahimik na din kasi siya tungkol sa status naming  dalawa kaya hindi ko na din pinapakailaman.

"Wag niyong i-pressure! Dadating din tayo diyan sa tamang panahon. Baka maudlot pa yan, walang kasalang maganap!" Singit ni Hans, nakapatong na yung head niya sa lap ni Yves. Mukha namang masaya ang dalawa at nagpplano na magkaanak right after matapos ang modelling contract ni Yves.

"Oo nga. Sayang ang hinanda kong gown kung mauudlot!" Sabat ni Conrado, kinurot naman kagad siya ni Miel. "Gown para sa'yo! Naman 'to tamang hinala palagi. Nasa tuwid na daan na ako di ba?" Natatawa niyang paglalambing kay Miel, inirapan lang siya nito. Hindi ko mapagilang mapa-smile sa kanila. Kahit naman bully sila sa akin ay hindi nila ako iniwan.

"Kayo, kelan ba kayo ikakasal?" Pagbabalik ko ng pangaasar sa kanilang dalawa.

"Pagtapos nung sa inyo." Seryosong sabi ni Miel.

"So...hindi na kayo magpapakasal? Live-in, live-in na lang?" 

"Tiwala kami sa inyo. Hindi niyo kami bibiguin." Nakakaloko ang ngiti ni Conrado sabay nod kay Athen.

"Talaga lang ha?" Pang-aasar ko pa din sa kanila.

"Oo. Hindi na lang kami magsasalita." Humalakhak na akala mo kinikilig na hindi malaman si Miel. Naguguluhan na ako minsan sa mundo nitong dalawang weirdong ito.

"Sethere! Magpalit nga kayo ng pwesto ni Athen! Juice colored! Babalik pa tayo sa pa-tweetums?" Inis na natatawang sabi ni Vien. Pinipigilan na siya ni Quiero pero ayaw niya papigil.

"Ayaw ni Lazz." Seryosong sabi ni Seth. Kanina ko pa napapansin na agitated siya at hindi siya masyadong tumitingin sa direksyon nila Athen.

La Sallista si Girl, Atenista si BoyWhere stories live. Discover now