Chapter 32

28 2 0
                                        

"Where are we going?" Tanong ko naman kay Brylle na nagdadrive ng sasakyan niya.

"Mall'' Sagot lang niya sa akin. Bat ba ang tipid ng sagot niya at parang may malalim siyang iniisip.

Wala na bang ibang lugar na pwedeng puntahan? Yung sana naman mga romantic places katulad ng mga nababasa ko. PSH!
Hindi na kami nag imikan sa loob ng sasakyan.

Pagkadating namin sa parking lot ng mall ay agad naman siyang bumaba at binuksan ako ng pinto. Such a gentleman.
Pagbaba ko ng sasakyan ay hinawakan niya yung kamay ko pero di pa rin nagsasalita. Ano kaya problema ng isang to.

Pagpasok pa lang namin ay madami na agad napapalingon sa amin. I don't know if kilala nila ako or dahil sa kasama ko. May nakita pa akong mga grupo ng mga babae na parang natulala na parang mga ewan na nakatingin lang sa amin. Agad naman silang nakabawi at naglakad patungo ata sa amin na nagtutulakan.

Muntik na nga akong mabunggo ng isa nilang kasama dahil tinulak siya ng kasama niya mabuti na lang at agad akong hinigit ni Brylle kaya nayakap ko siya.

"Mag-ingat naman kayo! Muntik niyo ng masaktan ang girlfriend ko dahil sa pagtutulakan niyo!." Mahinahon pero madiin na sabi ni Brylle sa mga babae. Shemay! Sarap pakinggan ng "girlfriend ko". Emeged!

"Sorry po. Magpapapicture lang sana kami kay Elaryn" Sabi ng isang babae na yumuyuko. Mukhang takot na kasi sila kay Brylle.

"It's fine. Next time wag lang kayong magtutulakan baka kasi makabangga kayo at masaktan." Nakangiti ko namang sabi sa kanila.

"Brylle, can you please take a picture of us?" Tanong ko naman kay Brylle at tumango lamang siya at kinuha ang DSLR camera ng isang babae na inaabot sa kanya.

Pagkatapos naming mag picture taking ay nag suggest naman ang isang babae na siya na lang ang kukuha ng picture namin para makasama daw si Brylle.

Brylle refused at first pero pinandilatan ko siya kaya sumama na lang siya sa picture. At sa akin pa talaga siya tumabi at inakbayan niya ako.

Alam ko kasi yung feeling na maging fan girl kasi jan ako nagsimula dati. Yung gusto mong magpapicture sa mga idols mo kasi minsan lang ang opportunity na binibigay sayo.

Sabihan ka man ng ibang tao na para kang tanga kasi umaasa ka sa mga idolo mo na hindi ka naman kilala. Lagi ko na lang sinasagot sa kanila na kahit hindi nila ako kilala atleast kapag nakita ko sila sa tv ay napapasaya nila ako.

"Thank you po sa inyo. Sana po magiging kayo po forever." Sabi naman ng may ari ng camera.

"Patunayan niyo po sa ibang tao na may forever, kasi po kami naniniwala dun." Dagdag naman ng isa.

"Sana po magpakasal na kayo. Bagay na bagay po kasi kayo." Dugtong naman ng isa at kinikilig silang lahat dahil dun.

"May forever man o wala. Basta kaming dalawa magsasama at magmamahalan ng walang hupa." Seryosong sabi naman ni Brylle sa kanila at tinutukso pa ako nila dahil namumula daw ako.

After nung scene na yun ay dinala naman ako ni Brylle papuntang World of Fun. Pumunta kami kung saan bumibili ng token at bumili siya. Gulat ako kasi ang dami ng tokens niya. Binigyan pa niya ako.

"Where do you want to play first?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

"Let's play basketball. Paramihan tayo ng points." Sabi ko naman sa kanya.

"Kung ako ang mananalo, bibigyan mo ako ng kiss." Nag smirk pa siya at hinawakan na ang kamay ko papunta sa nilalaruan ng basketball.

"Ang manyak mo.Alam mo yun?" Angal ko naman sa kanya pero ngumisi lang ang mokong.

Put Him Back He's MineWhere stories live. Discover now