XXV- WORK,WORK,WORK

3.1K 85 2
                                        

3RD PERSON'S POV


Nang umagang iyon, sumaglit si Lemuela sa kanyang ninong at binati ito. Humalik na akala mo ay tatay niya ang matanda. Niyakap din niya ito. Kapag naman may tao ay hindi siya kumikilos ng ganoon.


"Anong problema?"

"Wala lang po..."

"Yung totoo... may problema? Baka naman si Justice lang yang problema mo"

"Ninong naman..."

"Sagutin mo kung gusto mong sumakit ang ulo mo..." Pagbabanta ng hepe. Sinusubukan ang dalaga.

"Nalilito na nga po ako e"

"Ganito na lang iha... "


Pinayuhan na siya ni Logan kung ano ang gagawin. Magkasundo naman ang magninong. Kahit paano ay nabawasan ang kanyang alalahanin.



Sa Forensic Department na dumiretso si Lemuela. Nadatnan niya na nagmamadali si Gwen. Inihagis sa kanya ng dalaga ang kanyang lab gown.


"Bakit late ka? Dalian mo, kailangan tayo sa crime scene ngayon"

"Sa Laguna"

"Sa sasakyan na natin pag-usapan. Heto ang mga gamit mo"


Habang nasa loob ng van...


"Kumusta ang panliligaw ni Homer? May pag-asa ba?"

"Ano ka ba? Kaibigan ko lang si Homer?"

"Weeei! Di nga..."

"I told you, he is my best buddy"

"Buddy as in kasama talaga o you mean his body"

"Alam mo, ikaw ang halatang may gusto kay Homer. Well then, fine. You have my permission"

"Ikaw, Lemuela. parang gusto ko ng maniwala"

"Na ano?"

"Na si Justice talaga ang gusto mo"

"Itikom mo nga ang bibig mo."

"Ayaw mo ba talagang maging boyfriend si Sarge?"

"I am not ready for that."

"Papalichious kaya si Justice kapag naging boyfriend mo. Ano pang hinahanap mo sa isang boyfriend? Na kay Sarge na ang lahat..."

"Mapapaaway ako siguro dahil sa kanya... Ayokong sumakit ang ulo ko."

"Teh, talagang mapapaaway ka kapag siya ang naging boyfriend mo lalo na kung may mga karengkeng na aali-aligid sa kanya. Just a piece of advice. Pareho kayong pulis at hindi maiiwasan yan sa relasyon."

"Push mo yan, teh! Kung makapag-advise ka parang totoo. Hindi ko siya boyfriend, okay?"

"Okay, fine. Hindi na kung hindi. Bahala ka kapag naunahan ka ni Sgt. Collins, ikaw rin.?"

"As if naman malaking kawalan siya"

" Nakita mo naman siguro kung paano makapulupot sa kanya ang babaeng yun. Kesehodang may tao sa harap niya. Pak! Parang ahas lang ang peg "


Pareho na kaming sumabay sa van kung saan may iba pa kaming kasamang imbestigador at mga pulis.

SECRET AGENT: Little Ms. FrostyWhere stories live. Discover now