Magic 2:

110K 3.3K 123
                                    

[Naomi's pov]

Napapahikab habang papunta sa aking klase ngayong araw. Wala pa akong tulog dahil sa sandamakmak sa trabaho sa opisina. Buti na lamang ay pinuntahan ako nina Kuya Tyler at Yuan para tulungan na matapos ang mga iyon. Pare-pareho tuloy kaming tatlo na mga walang tulog.

Pagdating ko sa classroom ay napakusot ako ng mga mata. Nakita ko lamang naman sina Citron at Cielo na kasama si Aidan. Mukhang sa kakulangan ko sa tulog ay nagkakaroon na ako ng hallucination.

"Naomi, good morning!" Masayang bati sa akin ni Cielo.

Nag-aalangan akong lapitan sila dahil sa kasama nila si Aidan. Pareho silang napatingin kay Aidan at saka napangisi. "Huwag kang mag-alala, Naomi. Hindi siya nangangagat." Natatawang sabi ni Citron na ikinasimangot ni Aidan.

Inakbayan nila si Aidan na pilit naman na inaalis ng lalaki. "Mukhang kilala mo na siya." Sambit ni Cielo. "Si Aidan nga pala ay isa sa aming magkakaibigan. Iba ang trip niya dahil mahilig siya mapag-isa o matulog kung saan kaya malimit na hindi siya sumasama sa amin."

"Oh." Tanging nasambit ko at isang pilit na ngiti ang binigay kay Aidan na ginantihan niya naman ng matalim na tingin.

Tumawa si Cielo. "Chill lang tol. Sa susunod na combat training mo na lang ilabas iyan."

"Naomi, hindi mo nasabi sa amin na magaling ka pala makipaglaban." Manghang sabi ni Cielo sa akin. "Sino ba ang nagturo sa iyo? Sa kanya na rin ako magpapaturo dahil baka sakaling matalo ko si Aidan sa combat."

"As if you can beat me." Maangas na sambit naman ni Aidan kay Cielo.

Natahimik ako nang maalala si lolo. Siya lang naman ang nagturo sa aking na makipaglaban. Hindi ko alam kung bakit kailangan ituro sa akin iyon ni lolo pero lagi niya sinasabi na kailangan kong matuto para magawa ko iligtas ang aking sarili sa oras na wala siya.

"Ang namayapa kong lolo ang nagturo sa akin." Sagot ko at pilit na nginitian sila.

Natigilan ang mga lalaki. Napailing na lang ako ng ulo ay nagsimula ng mag-stretching. PE ang una naming klase ngayon at takbuhan ang gagawin namin activity sa napakahabang oval sa loob ng akademya.

Lumapit ang aming guro at nakangising tinignan ang lahat. "Okay class. Magiging boring ang activity na ito kung walang thrill, di ba?" Natatawang sambit niya na ikinahiyaw sa saya ng aking mga kaklase.

"Mukhang may ideya na ako sa gagawin natin today." Masayang sambit ni Cielo at tumalon talon sa ere. "Yeah baby, oras na para magpakitang gilas!"

Tinuro ng aming guro ang dulo ng oval. "Your goal is only to reach the finish line."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko maitindihan kung bakit nasisiyahan ang lahat sa simpleng rule na iyo. Ganoon naman talaga ang takbuhan, kailangan mong marating ang finish line.

"Siyempre ang pinaka-huling makakarating sa finish line ay ang makakatanggap ng punishment." Dagdag niya na lalo ikinasaya ng aking mga kaklase.

Pina-linya kaming lahat sa start line. Hindi ko maiwasang mapalunok . May kutob ako na may mangyayari rito na hindi ko inaasahan. Ito na ba ang sagot kung anong klaseng akademya ang Enchantasia?

Pumito ang aming guro bilang senyales na maaari na kami magsimula. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan sa mga kakaibang nasasaksihan. May isa akong kaklase na mala-Flash sa bilis na tumakbo pero napatigil siya nang magyelo ang mga paa niya. Tapos ang may gawa ng yelo ay nag-slide na tila nag-i-ice skating sa gitna ng tirik ng araw. Nadulas naman iyon dahil tinunaw ng apoy ni Aidan ang kanyang mga yelo. Si Cielo naman nang una ay payapang lumilipad sa ere pero napatigil rin siya nang ma-stuck sa mga baging na nanggagaling kay Citron.

Enchantasia: The Academy of Magic (Completed) Where stories live. Discover now