Magic 1.1

141K 3.5K 404
                                    

[Naomi's POV]

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Medyo nagtaka ako nang una kung bakit nasa hindi ako pamilyar na kwarto. Mukhang hindi pala isang masamang panaginip ang mga nangyari kahapon. Ang balitang pagkamatay ni lolo, ang tatlong huli niyang kahilingan at ang biglaan kong paglipat sa Enchantasia. Nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang araw.

Ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa hindi ako nakapag-hapunan. Naisipan ko nang simulan ang paghanda para sa unang araw ng aking klase rito sa Enchantasia. Pagbaling ko sa aking walk in cabinet ay may nakasampay na isang kakaibang itim na uniporme. Maihahantulad ko ang uniporme sa mga magical anime. Sabagay ilang beses na ako nakita ni lolo na nanunuod ng mga ganoong palabas.

Paglabas ko ng aking dorm ay maraming estudyante ang mapahinto sa kanilang pag-uusap. Nagkibit balikat na lamang ako ay sinimulan hanapin ang cafeteria. Inilabas ko ang mapang kasama sa mga ibinigay ni Kuya Tyler. Mukhang nakalimutan kong gamitin ito kahapon. Minsan talaga hindi ako naag-iisip.

Nakapagtataka lang dahil kakaiba ang buong mapa ng Enchantasia. Mayroon kakabit na mga gem sa mapa na nasa iba't ibang parte ng akademya. Sa north ay may red gem na sumisimbolo sa elemento ng apoy. Sa east naman ay blue gem na sumisimbolo sa elemento ng tubig. Sa west ay green gem na sumisimbolo sa elemento ng lupa. Sa south ay yellow gem na sumisimbolo sa elemento ng hangin. At ang huli, white gem na nasa gitna ng buong akademya.

"Weird."

Ano kaya naisipan ni lolo para maglagay ng ganitong pakulo sa mapa ng kanyang akademya? Sabagay simula nang umapak ako rito ay marami na akong nakitang kakaiba mula sa normal na akademya.

Naramdaman ko na may mga brasong umakbay sa magkabilaan kong balikat. "Good morning, Naomi." Nakangiting bati ni Cielo sa akin.

"Naisip namin na baka naliligaw ka muli kaya nandito kami ni Cielo para samahan ka" Concern na sambit naman ni Citron. Walang paalam na tinangay ako nang dalawang lalaki at hindi ko alam kung saan nila ako daldalhin. Hinayaan ko na lang sila dahil palagay ko ay mababait naman ang dalawang lalaki, may pagka-weirdo lang.

Lahat yata ng makakasalubong namin ay nagugulat kapag nakikita kami. Ang iba sa kanila ay binibigyan ako ng matatalim at naiinggit na mga tingin. Ito siguro ang katulad ng mga nababasa ko. Mukhang sikat sila at hindi na nakakapagtaka dahil gwapo naman talaga.

Hanggang sa bumitaw sila sa pagkaka-akbay. Bumungad sa aking harapan ang cafeteria. Paano kaya nila nalaman na rito ako pupunta? Napakagat labi ako nang malakas na kumalam ang aking tiyan. Mukhang kanina pa kumakalam ang tiyan ko para malaman nila na rito ako pupunta. Kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Cielo sa aking tabi kaya siniko siya ni Citron para tumigil.

Nilibot ko ang aking tingin sa cafeteria. Mukhang bawat estudyante ay may kanya kanya ng kinalulugaran. Araw-araw ba naman sila kumakain ng sabay sabay rito.

"Tara, Naomi." Sambit ni Cielo ay hinila na naman ako kung saan.

"Okay lang naman siguro kung isabay natin siya, di ba?" Narinig kong pagpapaalam ni Cielo at sa pag-angat ko ng tingin ay bumungad ang aking mga pinsan.

"Sure." Nakangiting pagpayag ni Kuya Tyler.

Napanguso ako ng aking labi. Ayoko ng special treatment pero mukhang sa mga sikat sa akademya pa ako sasabay kumain. Hindi na nakakapagtaka kung may humarang sa akin mamaya para sabihan na layuan sila.

Umupod ng upo si Kuya Tyler kaya tumabi ako sa kanya. Samantala si Jija naman ay sinasamaan na naman ako ng tingin. She really hates me.

"Naomi, try mo itong dessert nila. Masarap!" Pang-aalok sa akin ni Yuan na ikinataka naman nina Citron at Cielo.

Enchantasia: The Academy of Magic (Completed) Where stories live. Discover now