CHAPTER 6

151 2 0
                                    

I thought my love for Mike would remain the same. Well, maybe. Let's just say that it's not the kind of love before. This love I'm feeling right now is for a friend like him.

Now, my love is only for Blue. He's my love and I know it will forever stay.

"Akala ko ba dalawang araw ka lang d'yan, ha?" Nailayo ko sa tainga ko ang phone ko dahil sa pagsigaw ni Blue.

"'Yon ang plano ko. Kaya lang si mommy pinigilan ako. May lunch date raw kami. Paano naman ako tatanggi?"

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.

"Paasa ka kasi! Sige. Siguraduhin mo na bukas uuwi kana. Dahil sinasabi ko sa 'yo, kaladkarin na kita pabalik dito bukas!" pagbabanta nito at pinatayan na ako.

May mas si-sweet paba sa boyfriend ko, ha? Nag-iisa lang ang gagong 'yon. Nako! Kung hindi lang talaga kay mommy, uuwi na ako sa apartment eh. Kaya lang, minsan lang naman 'yon maging sweet kaya pinagbigyan ko na.

Saktong alas dose nang dumating kami sa mamahaling restaurant. Maganda ang kabuuan nito at sobrang gaan sa pakiramdam ng decorations.

"Kailan pa ito itinayo? Ngayon lang ako nakapunta rito," I said as I roamed the whole restaurant.

"Three months ago." My eyes went wide. Ang sarap siguro ng pagkain dito dahil kahit bago pa lang ay hindi na magkamayaw ang mga tao sa rami.

"Kanino po ito?"

"You'll meet him later. For now, let's eat." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni mommy kaya hinayaan ko na lang siya. Agad naman dinala sa table namin ang mga specialtist nila at talagang naglalaway ako sa amoy nito. Oh my! Heaven!

Nang matapos kaming kumain ay umalis si mommy para mag-CR. Ako naman ay naiwan doon habang nililibot ang mata ko.

"Hi!" Someone greeted me and sat across me.

"Excuse me? May nakaupo kasi d'yan eh," sabi ko rito.

"I know. Mrs. Santiago, right? Umalis na siya. And pinabibigay niya ito sa 'yo," he said and handed me a note.

Tanya, he is Mr. Louie Feledrico. I want you both to have time together. Be nice to your fiance, okay? By the way, he's the owner of the restaurant.
-Mommy

I shook my head off. How? Goodness! What comes to my mom mind to set my fiance? Didn't he know that I have a boyfriend?

"Mr. Feledrico, I'm sorry but I guess I got to go. This is just a mistake. You know, I have a boyfriend and I love him. So, please, neglect my parents' proposal."

Letse! Letse talaga! Umuwi ako sa amin para batiin si mommy at ibigay ang regalo ko sa kanya. Then, this? Arranged marriage na naman! Peste!

"Ms. Santiago, bakit hindi mo muna ako kilalanin?" Sapakin ko kaya ito? May paghawak pa sa kamay na nalalaman.

"Can't you see, may boyfriend akong tao at mahal ko siya. At 'yang mga kasal kasal na 'yan? Wala akong pakialam d'yan," pagalit kong sabi at tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Ngunit, mabilis siya at nahawakan ulit ito.

"You should try new things. It will be rude if you'll --" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang magring ang phone ko na nasa mesa. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ko ang mukha roon ni Blue. Gamit ang isang kamay ay sinagot ko 'yon.

"H-hello," nanginginig ang boses ko.

"Where are you?" madiin nitong tanong. Ano'ng sasabihin ko? Na nasa lunch date ako kasama ang fiance kuno ko? Letse! Baka mapalipad ito papunta rito.

PAST PRESENT FUTURE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon