Chap2 (love at first sight?)

212 3 1
                                    

Aphrodite's POV

"*u*" ganyan ang itsura ko ngayon.
Gosh lord eto na ba yung destiny ko? Siya na ba yung pinana ni kupido para mainlove sa akin? Kung oo, sana wag niyo na siya kunin sa akin pramis magpapakabait na ako.

Naglalaway pa rin ako sa taong nasa harapan ko ngayon.
Sa gwapo niyang mukha, sa maganda nyang katawan.

"Stop staring, its rude." Emegash pati boses ang husky shet shet di ko na papakawalan to. Hihihi landi mo aphro tumigil ka nga.
"Ahh. Sorry" sabi ko at tumayo na, pero nakatitig pa rin sakanya.

"Are you deaf? I said stop staring, tsk stupid girl."
Teka? Ano daw stupid? Ako? Aba! Hindi porket gwapo siya eh magsusungit na siya. At wala siyamg karapatan na tawagin akong stupid. Ni magulang ko nga di pa ako nasasabihan ng ganyan!

" hindi ako bingi, at higit sa lahat hindi ako Stupid. At wala kang karapatan na sabihan ako niyan kase hindi naman ikaw ang nagpapalamon sa akin! Tse!" Sabi ko at inapakan ng pagkalakas lakas ang paa niya.
"OW! Fuck, you'll pay for this." Namimilipit niyang sabi habang nakahawak sa paa niya.
Hahahaha bagay lang yan sayo bwiset.

"Talaga? Well sorry ka, wala akong pera." Sabi ko at umalis na habang iniwan siya.
Napansin ko lang bat parang gulat na gulat yung mga taong nandun? Tss, bahala na basta ayoko na makita ang mukha ng masungit na lalakeng yun nabbwiset ako! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina kahit ayaw ko.

Hayst ano ka ba naman aphro wag mo na isipin yun, tsaka wag mo na din pangarapin, ang gwapo gwapo nun tsaka sigurado ako na magiging sikat din yun, eh ikaw? Wala.
Tsk. Makapasok na nga sa classroom.

Pagpasok ko dumiretso agad ako sa upuan ko.
Ilang minuto pa ay nagsidatingan na yung mga kaklase ko at yung teacher namin.

"Aphrooo!" Aray sakit sa tenga naman kung makasigaw tong si Aenna
Tinignan ko siya ng masama, tsaka naman siya nagpeace sign. Tsk may pagkabaliw din tong loka loka kong bestfriend.
"Problema mo na naman? Aga aga nambubulabog ka." Sabi ko tsaka nilabas yung mga libro ko.
"Grabe Aga lang, kung maka Aga aga ka naman." Sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.

"Oo na! Ano ba kase sasabihin mo?" Tanong ko,
Pero sasagot pa lang sana siya ng may nagsalita.

"Hoy Aphrodite, who do you think you are para i hurt si baby Xavier ko kanina?' Sabi niya na nakataas ang kilay. Teka kilala ko ba to?
"Kilala ba kita?" Tanong ko. Nagulat naman siya at yung kasama niyang babae.
"You don't know me?" Hindi makapaniwalang tanong niya
"Yeah you don't know her?" Ulit nung isa.
"Seriously? Can you stop copying me everytime i talk?" Iritang sabi niya sa kasama.

Teka ang gulo na ah, sabing di ko kilala eh kailangan ipaulit ulit?
"Tsk. Pwede ba di nga kita kilala at wala akong balak kilalanin ka tsaka sino ba yang Xavier na sinasabi mo?" Irita kong tanong.

Inirapan niya ako.
"Tch, playing inoccent? Si Xavier my loves ay yung inapakan mo sa paa kanina" sabi niya. Ahh, so Xavier pala pangalan nung masungit na yun, hay sayang talaga ang ganda na ng mukha katawan almost perfect pero nakakaturn off yung ugali tsk. Tsk.

"Oo nga Aphro bat mo inapakan si Xavier?" Tanong ni athena. Seriously? Kinakampihan niya ba yun?
"Wala, tama lang sakanya yun noh, mayabang kase." Sabi ko
"Mayabang? maybe you're just jealous cause he wouldn't notice you, tsaka sino ba namang hindi maiinis kung titig na titig ka sakanya kanina?" Pangaasar ni Girl na di ko kilala.
"Yeah yeah whatever wala akong paki, kaya umalis ka na kung sino man kayo kung hindi uubusin ko na yang natirang buhok niyo sa kilay." Sabi ko tsaka. Naman sila nagmadaling umalis.
Tsk. Eh ano naman kung di niya ako mapansin? Idc.

Kahit nasa kanya yung iba kong katangian na gusto ko sa lalake wala parin yun kung may panget siyang ugali.

Nagdiscuss na yung teacher namin sa math at buti nalang naintindihan ko hihi minsan lang kase ako makinig.
Ilang minuto lang eh may pumasok na dalawang lalake.
0-0 te-teka siya yung lalake kanina yung Xavier! Oo siya nga, per sino yung kasama niya?

"Mr. Lopez, Mr. Garcia? Your'e the new transferree right?" Tanong ni mam. Nagtilian naman yung mga babae ng tumango lang yung Xavier at ngumiti yung kasama niya.
At ako naman pilit na tinatakpan yung mukha ko para di ako mamukhaan. Mahirap na mukha pa naman yang anak ng demonyo.

"Hmmm, okay kindly introduce yourselves" sabi ni mam at pumunta na sa harap yung kasama ni Xavier.

Buti pa to mukhang masayahin haha ang cute niya.
"Hi the names Xander Blue Garcia and i hope we can all be friends." Sabi niya ng nakangiti kaya ang ingay ingay na naman ng mga
babae sa kakatili, may sumigaw pa nga na "kahit more than friends" pa daw, tch ang haharott. Haha nagsalita ka naman aphro.

"Xavier Lopez" sabi niya kaya mas lalong nagtilian yung mga babae habang yung mga lalake kong kaklase ay naiinis na, maski ako din naman naaiinis na, kahit dito sa katabi kong si Aenna kung makatili wagas.
Walang ka expression yung mukha ni Xavier habang sinasabi niya yun, parang may pinagdaraanan ah hahaha.

Pagkatapos nila magpakilala eh inutusan na silang humanap ng mauupuan, ako naman todo tago para di mahalata.

Nakaupo na si Xander sa likod ko kaya naghahanap pa si Xavier.
Shet buti nalang nakaupo na sa tabi ko si aenna kundi patay na ako huhuhu ayoko pa nun bata pa ako. T___T

Nagulat nalang ako ng may isang boses na nakakamatay ang nagsalita sa gilid ko.
"I think i found the perfect place to sit." Sabi niya kaya mas lalo pa akong nagtago. Kinakabahn na ako whooo.

"Can i sit here?" Sabi ni Xavier sa nakatungagang si Aenna.
Shet aenna bestfriend na kita since 1st year, wag mo namana ko ipagpalit huhu.
"Thank you" teka thank you? Umalis si aenna? Shet taksil kang hinayupak ka...
Naramdaman ko nalang na may umupo na sa tabi ko.
God please tulungan mo po ako.

"Stop Hiding, i know that's you. you think you can hide? Well think again." Sabi niya sa kanyang pamatay na tono


Wala na huhuhu T___T


-----------------------------
--------------------------------->>>
ANote: hahaha di ko alam kung maganda kayo na bahala humusga xD. Nadelete kase yung dati kase ayaw magupdate kaya eto hahaha. Promise gagandahan ko na sa next chapters❤️😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stupidly inlove with youWhere stories live. Discover now