The morning began like any other.
Maaga pa lang, sumisilip na ang araw sa pagitan ng mga kurtina ng kwarto ko. The soft sunlight slowly made its way inside, habang tahimik pa ang buong bahay except for the occasional sound of vehicles passing outside and the faint chirping of birds somewhere near my window.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ilang segundo lang akong nakatitig sa kisame. Hindi pa talaga gumagana nang maayos ang utak ko. I was still caught between sleeping and being awake, and honestly, ayoko pang bumangon.
Hinila ko ang kumot hanggang sa mukha ko at pumikit ulit.
“Five more minutes…”
Akala ko makukuha ko pa ang ilang minuto ng tulog na gusto ko, pero ilang segundo lang ang lumipas nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto ko.
“Seraphine!”
Hindi ako sumagot.
“Seraphine, bumangon ka na!”
Napakunot-noo ako at mas lalo pang hinila ang kumot.
“Five more minutes…”
Narinig ko ang papalapit na footsteps hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino iyon.
“Hoy! Seven-thirty na!”
Napasilip ako mula sa ilalim ng kumot at nakita ko si Elowen Briar Mendez na nakatayo sa tabi ng kama ko, nakapamewang at nakatingin sa akin na parang ilang minuto na lang ay bubuhusan na niya ako ng tubig.
Hindi ko na rin alam kung ilang beses na niya akong ginising sa ganitong paraan. Dahil magkalapit lang naman ang bahay namin, sanay na siyang pumunta rito tuwing umaga para sabay kaming pumasok. Kilala na rin siya ng pamilya ko kaya hindi na siya nahihiyang pumasok at dumiretso sa kwarto ko.
“Ang aga mo naman,” reklamo ko habang bahagya kong inaayos ang magulong buhok ko.
“Anong maaga? Seven-thirty na, hoy!”
“Exactly. Ang aga.”
Napatingin lang siya sa akin nang matagal bago napailing. “Hindi ka talaga nagbabago.”
“Thank you.”
“That wasn't a compliment.”
Ngumiti ako nang tamad. “Still counts.”
Napailing na naman siya bago lumapit sa bintana at binuksan nang todo ang kurtina. Biglang bumuhos ang liwanag sa buong kwarto kaya napapikit ako nang mariin at agad na tinakpan ang mukha ko gamit ang unan.
“Elowen!”
Tumawa siya. “Ang drama mo.”
“Hindi ako madrama. Masakit lang talaga sa mata!”
“Normal sunlight lang 'yan, Seraphine.”
“Exactly. Too bright.”
Mas lalo siyang natawa habang kinukuha ang isang unan sa tabi ko. Alam ko na ang susunod niyang gagawin kaya napilitan na akong bumangon bago pa niya iyon ibato sa akin.
“Okay, I'm awake.”
“Finally.”
Umupo ako sa gilid ng kama at ilang segundo munang nag-stretch. Nakatingin lang sa akin si Elowen habang hinihintay akong kumilos.
“Where's my uniform?”
“Sa chair.”
“Bag?”
“Beside the chair.”
“Shoes?”
“Under the chair.”
YOU ARE READING
Before I Become Someone You Remember
RomanceShe loved life a little too much. The world was beautiful in ways she never wanted to miss. Every laugh, every sunset, every ordinary moment felt worth keeping. But lately, something has been changing. Time feels strange. Memories become uncertain. ...
