Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Day 2

286K 5.4K 158
                                    

"A life without dreams is like a cupcake without sprinkles."

--

Yesterday, Kent showed me my room and then left me alone. Ngayon daw niya ako dadalhin sa restaurant para tingnan kung papasa ako. Kapag hindi, then I'll use my time to look for a job. Pero si Gale ang nagsabi noon, hindi si Kent. So I'm not sure if he'd actually do it. Mukhang ayaw pa naman niyang nauutusan.

His house wasn't dirty; it's just not clean enough. Pwera sa kusina na mukhang alagang-alaga, the other rooms that I could explore look like they were being neglected.

Kent told me that I can't touch the kitchen. Kung nagugutom raw ako, bumili ako ng snacks, then he gave me an unused microwave and a water heater para ilagay sa kwarto ko. Off-limits ang kitchen. Iyon pa naman ang isang lugar sa bahay na madalas kong puntahan kasi palagi akong gutom. May karinderya raw sa kanto ng subdivision na madaling puntahan kung nagugutom ako. I guess that's what the microwave is for. Para mag-iinit na lang ako ng pagkain. Hindi ko na kailangang magluto.

Last night, tinanong ko siya kung pwedeng lagyan ng lock ang pintuan ng kwarto ko. Patulog na kasi ako nang mapansin kong wala pala 'yong lock. Ang dali lang buksan!

Aba't tinawanan ako ng magaling! Ang sabi pa niya, "Bakit kailangan mo ng lock? Tingin mo papasukin kita diyan? Let me make something clear, okay? I don't do that and you're not my type. Kahit maglakad kang nakahubad sa bahay ko, hindi kita papatulan."

And I fell asleep thinking if he won't do that to me because he claims he doesn't do that o dahil hindi niya ako type. Either way, it was enough for me to sleep soundly last night.

--

I woke up at six. Dahil tulog pa si Kent, sinubukan kong sipatin ang kusina niya. He keeps it spotless. He's a chef so I figured na may tirang pagkain sa loob ng ref na pwede kong bawasan. Maya't maya ang lingon ko sa pintuan ng kwarto niya as I tiptoe my way to the kitchen. His fridge was huge. Maraming ref magnets na souvenir galing sa iba't ibang bansa. I guess he travels a lot. Walang personal note o ramdom picture ng pamilya niya o mga kaibigan niya.

When I opened his fridge, I was greeted by a nice smell. It smells clean. And it's well-organized. Ngayon lamang ako nakakita ng ref na ang daming divider sa loob. Ang mga prutas, nasa sunod na pinakang-ilalim na level, bago iyong parang drawer na nilalagyan ng mga gulay. Ang mga karne sa freezer, maayos na nakalagay sa kani-kanyang tupperware na may label bawat isa. There's a bowl on the level under the freezer na may takip na aluminium foil. When I took a peek, naglaway ako kaagad. Leftover food!

Kaso tatanggalin ko pa lang 'yong cover, narinig ko na siyang bumangon. So I closed the fridge abruptly and ran back to my room.

--

Mula sa kwarto ko, I saw him go to the bathroom. Then he went to the kitchen and just stood in the middle, parang may hinahanap. Or maybe my presence disturbed the peace in that spotless kitchen? Nag-iwan ba ako ng kalat o alikabok that he could trace back to me?!

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay siyang umalis. But eventually, he did leave with a bottle of water. Pumasok siyang muli sa kwarto niya at nakahinga na ako nang maluwag.

Since I only have small snacks with me, I decided to go out to explore the neighborhood. Maghahanap ako ng pagkain.

Kaunti lakad lamang at nakakita ako ng isang kainan. Sa may kanto iyon ng subdivision. May dalawang lamesa sa harap ng isang magandang bahay. One has chairs around it. The other has food trays on it. May maliit na tindahan din sa likod nito.

"Tao po?"

Isang lalaki ang sumilip mula sa tindahan. "Yes?"

Ilang segundo yata akong natulala. Medyo nahiya ako dahil hindi pa ako naliligo. The guy's cute! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Pangalawang araw pa lang ako sa bahay ng kuya ni Gale pero nakatagpo agad ako ng pogi.

My Thirty Day Plan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon