PROLOGUE
"Ano, Solara? Huwag mong sabihin hindi ka pupunta!" Maagang bungad ng kaibigan kong si Claudia.
Huminga ako nang malalim. "Hindi ko pa alam. Magpapaalam pa ako kay Miggie."
Imikot naman ang kanyang mga mata sa naging sagot ko. "Bakit kailangan mo pa siyang paalaman, huh? Alam niya naman na 'yon, eh. Saka, isa pa, kaibigan natin ang may birthday. Baka nakakalimutan mo!"
Magsasalita na sana ako nang muli siyang nagsalita.
"Bakit hindi mo na lang siya isama?"
Napalingon ako sa kanya. "Ano ka ba naman? Busy 'yung tao, kaya hindi siya puwedeng sumama."
Hinampas niya naman ako sa braso. "Edi ikaw rin, hindi sasama?" Masama na ang tingin nito sa akin.
Humiga ako sa kama at tuluyan nang sumuko. "Sige na. Oo na."
Masaya naman itong pumalakpak sa narinig.
High school classmate ko si Claudia, at may isa pa kaming kaibigan-si Ellie. Siya ang may birthday bukas, kaya hindi talaga puwedeng hindi ako pumunta.
Kinabukasan, nag-text na sa akin si Claudia na magkita na lang kami sa bahay nila Ellie, kaya ako lang ang pumunta mag-isa.
Sa garden pa lamang ay rinig ko na ang malakas na music at tawanan ng mga tao. Suot ko ang isang simpleng dilaw na dress na may maliliit na puting bulaklak, bagay na bagay sa masayang atmosphere ng birthday party. Nakalugay lamang ang mahaba kong buhok at bahagyang kumikintab sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid.
Pagpasok ko sa loob ay agad na bumungad sa akin si Ellie. At nang ilipat ko ang aking mga mata sa lalaking katabi niya, tila tumigil ang ikot ng mundo.
Kahit ang tibok ng puso ko ay tila huminto dahil sa kakaibang naramdaman ko.
Nakatingin lamang ito sa akin, tila binabasa ang pagkatao ko.
Ang laki ng pinagbago niya.
Mukhang ang hirap na niyang abutin ngayon.
Hindi ko na makita sa kanya ang lalaking halos araw-araw na nasa tabi ko.
Ibang-iba na siya.
Huminga ako nang malalim at pinilit na ihakbang ang aking mga paa, sabay guhit ng pekeng ngiti sa aking mga labi.
Tiningnan ko muli ang lalaki at tinaasan siya ng isang kilay.
"Sige lang. Tingnan mo ang sinayang mo."
YOU ARE READING
(VA Series Book 1) When We Almost Us
RomanceWHEN WE ALMOST US Some people come into our lives and leave without us realizing how much they meant to us. For Solara, it was Xaillex. Nine years ago, they were just two students who happened to walk home together. A simple friendship. A few shared...
