30 years na ang nakalipas nang mangyari ang tinawag na "The Great Flood" na isang mapanirang pangyayari na bumalot sa buong mundo. Isang malawakang pagbaha na lumamon sa halos lahat ng kalupaan at nagbaon dito sa kailaliman ng karagatan.
Ayon sa isang alamat, ito ay gawa ng isang makapangyarihang nilalang, ang Moon Goddess, para tapusin ang walang tigil na digmaan ng mga tao, na sumira sa kalikasan at karagatan, at halos nagdala sa mundo sa bingit ng pagkawasak.
Sa kasalukuyang panahon―year 2100.
92% ng kalupaan sa mundo ay nakalubog parin sa tubig. Sa tulong ng bagong teknolohiya, ang mga natitirang tao sa mundo ay nanirahan sa mga islang lumulutang sa himpapawid ―ang Heaven's Fall.
Pitong malalaking isla ang bumubuo dito ―Dubhe, Merak, Phecda, Megrez, Mizar, Alkaid at Alioth. Ang taas ng mga ito sa langit ay nakadepende sa uri ng pamumuhay at katayuan ng mga tao dito.
Sa pinakamababang bahagi ng kalangitan o "Abyss", matatagpuan ang mga isla ng Mizar, Merak, Phecda at Megrez.
Nakatira dito ang mga taong tinanggalan ng pagkakataong mamuhay ng normal at masaya. Mga simpleng manggagawa, mangingisda, magsasaka at mga naiwan ng World War IV.
―Sa madaling sabi, mga alipin.
Ang gitnang kalangitan o "Atlas" ay kinabibilangan ng mga islang Dubhe at Alkaid ―ang lugar ng mga taong may sapat na kayamanan, mga mandirigma, iskolar, at mga mahuhusay sa gamot at siyensya.
Sa pinakamataas na bahagi ng kalangitan o "Apex", nakalutang ang pinakamalaki at pinakamaliwanag na isla ng Alioth, ang pinaka sentro ng buong ng Heaven's Fall, kung saan nakatira ang mga pinakamayayamang tao at pinuno.
Ang pinakamataas na tao sa Heaven's Fall ay si King Darius Alexus II. Isang British warrior na sa edad lamang na 28, tinawag na siyang "The Great Ruler of the Seven Lands" dahil sa kanyang panalo laban sa pitong malalakas na bansa: China, America, Russia, Iran, Japan, Korea, at Africa noong World War IV.
Siya ay may iisang anak na babae.
Matapos ang ilang taon, nalaman ng hari na may nakakamatay na sakit ang kanyang anak, na galing sa isang hindi pa nakikilalang bacteria.
At dahil sa kagustuhan n'yang iligtas ang kanyang anak, bumuo si King Darius Alexus II ng mga pinakamagagaling na marine biologists, mga scientists at doktor na hahanap ng gamot para sa prinsesa.
―Kahit ikutin niya pa ang buong mundo, ang bawat sulok ng malawak na karagatan at bawat ulap sa walang katapusang kalangitan.
Maligtas lamang ang pinakamamahal n'yang anak.
KAMU SEDANG MEMBACA
A Tale in 2100
FantasiSa taong 2100, ang mundo ay hindi na tulad ng dati. Matapos ang Great Flood, ang sangkatauhan ay napilitang lumikas patungo sa mga lumulutang na isla ng Heaven's Fall-isang mundong hinati ng antas ng pamumuhay, teknolohiya, at kapangyarihan. Nang ma...
