The rain didn't just fall-it lashed, parang galit na galit ang langit, bawat patak parang suntok sa salamin ng bintana, gustong-gustong basagin lahat ng nakatayo sa loob. Sa loob ng apartment, ang katahimikan ay masakit pa kaysa sa ingay ng bagyo. Dito, sa gitna ng kwartong puno ng mga blueprint na nakakalat sa sahig, nakatayo si Aurelia Vianne Devereux. Ang kamay niya ay nanginginig habang hawak ang lapis-yung lapis na ginagamit niya sa lahat: sa pagbuo ng istruktura, sa pagpaplano ng bawat anggulo, sa pagsisigurong walang babagsak. Pero ngayon, kahit ang sarili niyang mga daliri ay hindi niya mapigilang manginig.
Sa kabilang dako ng kwarto, malayo sa lahat-sa dilim ng sulok, sa likod ng nakatayong tripod at nakatakip na lens-nakatayo si Vesper Elise Valmont. Nakatalikod siya, nakatingin sa labas kung saan walang nakakakita sa kanya. Camera ang kanyang sandata, ang kanyang pananggalang. Sa loob ng mahabang panahon, iyon ang naging tulay niya sa mundo-hindi siya kailangang makilahok, hindi siya kailangang maramdaman, hindi siya kailangang maging bahagi ng eksena. Kailangan lang niyang tumingin mula sa malayo, kumuha ng litrato, at umalis bago magsimulang maging totoo ang lahat.
"You're doing it again," Aurelia said, her voice cracking, parang basag na salamin. "You're hiding. Even here. Even with me."
Vesper didn't turn around. "I'm not hiding. I'm just... observing. That's what I do, Aurelia."
"Observing? Or watching me fall apart while you stay perfectly intact?" Aurelia's voice rose, tears finally spilling over, mainit at mabilis na tumulo sa pisngi niya. "Ganun ka ba talaga kalayo? Na kahit nakikita mo na-kahit nakikita mong unti-unti akong nasisira sa kakahintay sa'yo-hindi ka pa rin makalapit kahit kaunti? Tatlong buwan, Vesper. Tatlong buwan na ako ang laging lumalapit, ako ang laging nag-aayos, ako ang laging nagtatanong kung okay ka na. Kailan ka naman magtatanong kung okay pa rin ba ako?"
Vesper turned then, slowly. Her face was calm-too calm-like a photograph that never changed expression. "I never asked you to wait for me. I never asked you to build anything around me, Aurelia. You did that all on your own."
The words landed like a fist to the chest. Aurelia gasped, parang hinipan ng malakas na hangin ang lahat ng hangin sa baga niya. "Sabi mo... sabi mo worth it ako. Sabi mo worth it ang subukan natin. Sinabi mo 'yan, Vesper! Tandaan mo! Gabing umuulan din, dito mismo, nakaupo tayo sa sahig na 'to at sinabi mong-sinabi mong sa akin mo lang nararamdaman na pwede kang maging totoo! Ano, kasinungalingan lahat 'yon?"
"I said a lot of things." Vesper's tone was flat, detached, parang nagkukuwento lang ng ibang tao. "People say things when they're scared. When they don't know how to say no. When they feel guilty for letting someone down."
"Guilty?" Aurelia laughed, bitter and broken, tumatakbo ang luha habang tumatawa. "Kaya ka ba nandito? Kasi naaawa ka sa akin? Kasi ayaw mong masaktan ang damdamin ko kaya't nagpanggap ka lang na may tayo? Ang sakit naman, Vesper. Ang sakit isiping lahat ng yakap mo, lahat ng salita mo, lahat ng 'yon-panghihinayang lang ang dahilan?"
"And that's the problem!" Vesper raised her voice, just a little-but enough to show the crack beneath the quiet. "You think you can fix everything. You think if you just plan it right, if you just measure every corner perfectly, nothing will ever break. But you can't build a foundation on someone who doesn't want to be built into anything! You can't hold up a wall with someone who keeps walking away!"
"Then why did you stay?" Aurelia stepped closer, kahit takot siyang lumapit, kahit alam niyang masasaktan lang siya lalo. "Kung ayaw mo naman pala... kung wala ka namang balak magtiwala... bakit ka pa pumayag na pumasok ako sa buhay mo? Para lang makita mo kung gaano ako kasira habang pinapanood mo ako mula sa likod ng camera mo? Para lang maging subject ako? Isang bagay na kukunan mo ng litrato, pagagandahin mo sa screen, tapos itatabi kapag hindi mo na kailangan?"
YOU ARE READING
The Architecture of Staying
General FictionThey met in the rain-one with a camera, the other with blueprints. What started as quiet glances and shared coffee slowly grew into something that felt like home, even when it never quite looked like one. One stands always just out of reach, capturi...
