KABANATA 1

3 0 0
                                    

Agad akong napasalampak sa kama pagpasok ko ng kwarto. Masyado na akong pagod ni hindi pa nga alas dose ng tanghali. Ako lang naman dito sa bahay at yung bunso kong kapatid pero malay ko kung nasaan na naman iyon. Baka andun sa kalaro niya.

Wala si papa at mama dito sa bahay. May pinuntahan silang kleyente sa Alonzo. Masyadong malayo dito sa Kaito City. Pero kahit naman wala sila, ang dami pa rin ng bilin nila siyempre at bilang isang dakilang ate, kailangan kong magpakatino. Hindi ko sigurado kung kailan sila uuwi pero baka sa makalawa pa.

Tumayo ako sa kama at humarap sa malaking salamin dito sa kwarto ko. "Hala ka! Ilan na bang anak ang niluwal mo Kit? Ang gulo ng buhok mo. Ang oily mo. Amoy pawis. Dalaga k aba talaga?" natatawa kong puna sa sarili. Kakatapos ko pa lang kasi ng mga gawain sa bahay.

Sa ngalan ng pagiging ulirang anak.

Hindi naman ako palaayos sa sarili. Hindi ako maarte sa katawan. Isa pa, wala naman akong boyfriend kaya walang dahilan para maconscious ako sa itsura ko.

Naligo muna ako ng halos isang oras bago ko sinundo ang magaling kong kapatid sa bahay nila Elmo. "Hoy lalaki! Nakikita mo ba yang itsura mo? Grade 6 ka na tapos ang daming putik ng damit mo. At wow ha! Puting damit pa talaga? Juskong bata ka! Hala uwi! Maligo ka doon! Puro ka laro."

Sinimangutan niya ako. "Ate naman. Wala nga si mama, ikaw naman ang pumalit!" sabi niya sa akin sabay takbo pauwi sa bahay. Aba't! Ugh. Kung hindi ko lang talaga kapatid ang batang yun.

"Hoy Boo, baba na dito! Kain na tayo. Ikaw maghuhugas mamaya ah magrereview pa ko. Bilis na kasi!" sigaw ko sa makulit kong kapatid. Tinalo pa ko sa halos isa't kalahating oras ng paliligo niya. Napakaarteng lalaki. Konti na lang iisipin kong may bakla akong kapatid.

"Tss.." ang tangi kong nakuhang sagot mula sa kanya pagkaupo niya. Ayan. Maarte na nga, masungit pa. Baka may period siya. Haha.

"Kamusta nga pala sa school? May mga kung anong event ba?" Halos dalawang linggo din kasi akong liban sa klase dahil sa chickenpox na to. Kung kailan patapos na ang pasukan at ilang linggo na lang gagraduate na ako sa highschool, tsaka pa ko nagkasakit. Sayang nung mga araw n asana nakajam ko pa yung mga batchmates ko.

"Wala naman. Malapit na ang practice para sa graduation. Sabay ang grade 6 at 4th year ate kaya sabay tayo niyan" sagot ni Boo sa akin habang puno ng kanin ang bibig. Nasaan ang don't talk when your mouth is full?

"Ah. Eh kailan daw ang simula ng practice?"

"Malay ko. Tanungin mo na lang si ate Patrisha. Tapos na ko. Mamaya na lang ako maghuhugas pakatapos mo. Tawagin mo na lang ulit ako" at iniwan na niya ako sa harap ng adobong manok at kanin. Minsan iniisip ko kung saan ipinaglihi ang kapatid kong yun. May prutas bang masungit? Gulay? Or what?

Tahimik na pinagmamasdan ko ang buwan mula dito sa maliit na terasa ng kwarto ko. Hindi na naman ako makatulog. Ang dami-dami na naming iniisip ng utak ko. Nakakabanas. Ganito ang eksena ko gabi-gabi sa tuwing hindi makatulog. Ang gwapong buwan sa langit ang lagi kong karamay. Halos alam niya nga siguro lahat ng mga hinaing ko sa buhay.

Kinakabahan ako. Papasok na ako bukas. Kamusta na kaya sa school? Sa room? Sila? Siya? Namimiss niya kaya ako? Ako kasi, oo. Ewan ko. Nakakamiss pala yung presence ng gagong yun. Araw-araw akong naaasar sa kakulitan niya tapos ngayon, namimiss ko naman siya.

Nanghihinayang pa rin ako ng sobra dun sa Senior's Night dapat namin. Sana pala may first dance na ako tapos siya pa. Kung kailan excited akong dumalo sa ganun, tsaka naman ako nagkachicken pox.

Dear tadhana, napaka unfair.

Napangiti ako ng maalala kung paano niya ako napapayag na sumama sa Senior's Night. Wala naman talaga akong hilig sa mga ganun. Gowns, make-up, high heels. Ugh nevermind.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALMOSTWhere stories live. Discover now