SIMULA

4 0 0
                                    

Sabi nila pagmamahal daw ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Tahimik kapag lahat ay nagmamahalan. Masaya daw sa pakiramdam kapag may taong nagmamahal sayo. Iyong tipong araw-araw ay may magpaparamdam sayo ng kilig, may matatanggap kang goodmorning at goodnight message mula sa kanya, may nag-aalala sayo kapag wala ka pa sa bahay at may magsasabi na namimiss ka na niya. May isang tao na yayakap sayo kapag guguho na ang mundo mo at sasabihing maayos lang ang lahat. Na nasa tabi mo lang siya, nakaalalay sayo. Ang sarap daw kapag nagmamahal. Lahat ng saya sa mundo ay mararamdaman mo. Ngunit bakit masakit? Bakit may mga nasasaktan? Madami akong nakikitang umiiyak dahil broken hearted daw sila. Na niloko daw sila ng taong mahal na mahal nila. Ganoon ba? Ganoon ba ang sinasabing pagmamahal? May mga umaabot pa nga sa punto na nagpapakamatay sila dahil iniwan ng boyfriend o girlfriend eh. Ganoon ba? Pagmamahal ba iyon? Bakit parang ang babaw naman na rason iyon para magpakamatay ang isang tao. Wala naman tayong karapatan para gawin yun dahil unang-una, pinahiram lang naman sa atin tong buhay na to. Pero bakit?

Kailangan ba talagang masaktan?

Requirement ba ang sakit para sa pagmamahal?

May nakapasa na ba?

Ako kaya? Maipasa ko kaya iyon pag nagmahal na din ako? Pag natagpuan ko na siya?

Baka hindi.

Mahina ako.

Siya? Sasaktan niya kaya ako?

Sana hindi.

Umaasa pa rin ako na hindi lahat ng lalaki sa mundo ay manloloko. At kung siya man nga ang una at huling lalaking mamahalin ko, sana. Sana.

ALMOSTWhere stories live. Discover now