[ Paramdam One ]

48.9K 1.1K 84
                                    

Elaine Pov

Andito ako ngayon sa may veranda ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung panong alam ng lolo ko na gusyong gusto ko ang mga mgagandang tanawin lalo na pag papalubog ang araw.

Kaso nga lang------

"Sh*t Gabi na naman!" Bulong ko.

Isipin pa lang na pababa na at magkukubli na ang araw ..naninindig na agad ang balahibo ko.

Mula kasi nung dumating ako sa bahay ng lolo ko lagi na lang ganito pakiramdam ko sa tuwing lulubog ang araw nananayo balahibo ko. Lalo pa at andito ako sa veranda.

Pero diko naman alam kung bakit?

"Bakit kaya? hmmmm! Siguro guni guni lang."bulong ko pa.

"Makababa na nga para makakain na nagugutom na ako."

Dali dali na nga akong bumaba at nagtungo agad sa kusina.

"Manang!" May galak sa boses ko pagkakita sa babaeng mula pagkabata ko andito na sa bahay ng lolo ko para magsilbi.

Niyakap ko siya mula sa likuran.

"Oh! Batang tuh talaga oo! Sige na umupo kana dun at ipaghahanda na kita." Sabi nito habang nakangiti ng ubod ng tamis sakin.

"Wow! Ang bango naman po niyan, manang? Ano po ba yan?"

Tanong ko dito habang patungo sa mesa at hinila ko ang upuan at umupo paharap sa kaniya.

"Manang, bakit ganun sa tuwing lulubog ang araw at nasa veranda ako lagi akong parang kinikilabutan at tumatayo pa balahibo ko?" Inosenteng tanong ko sa kasama namin sa bahay.Siguro naman kaya niyang sagutin dahil nung buhay pa naman ang lolo ko eh andito na Siya.

Napansin Kong nagtinginan sila nung Isa pang kasambahay namin bago sumagot.

"Ah-eh, diyaske kang bata ka dala lang siguro ng hangin yun kaniya ganun" sabay iwas ng tingin sakin.

"Ah siguro nga po!"

"Oh Siya, bukas sasamahan ka nitong si Susan na mamasyal sa paligid para naman di yung kung ano ano naitatanong mong bata ka" sabi pa nito.

"Sige manang!" Sang ayon ko .

Kinabukasan

Maaga akong nagising.

Naligo agad, nagbihis, at naghanda na para sa pamamasyal namin ni ate Susan.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang humangin ng malakas yun bang sagad hanggang buto yung lamig.

Ramdam na ramdam ko kasi nakashort lang ako ng maikli at hangging blouse.

Tapos nakita ko na lang na bumagsak yung T-shirt sa kama ko.

Napakunot ako ng noo kasi alam ko tandang tanda ko na wala naman yung T-shirt na yun dun.

"Tss siguro nakalimutan ko lang isoli sa cabinet!" Diko na pinagkaabalahang pulutin at isoli sa cabinet deretso na akong lumabas at nakita Kong naghihintay na pala sakin si ate Susan .

"Tara na po ate!" Yaya ko sa kaniya.

"Ganiyan ka mamasyal Ellaine?" Gulat na tanong niya sakin.

"Oo naman ate, wala naman po masama sa suot ko diba?"

"Masyadong maikli"

"Ate, okay na to Tara na "

"Anu ba yan? Ganiyan ba talaga kayo sa siyudad? Halos kitang kita na hita at pusod mo ah?"

"Hahahaha old fashion naman kayo masyado, okay lang po to, Tara na habang dipa po mainit"

At namasyal na nga kami. Kung San San kami nakarating, nakakatuwa naman kasi para yata sila nakakita ng artista kasi lahat ng puntahan namin lahat sila nakatingin.

"Ano bang problema nilang lahat? Tss ehh sa ganito nga ako magsuot eh!" Bulong ko.

Paguwi namin deretso agad ako sa kwarto.

Deretso akong banyo kasi lagkit na lagkit na talaga ako sa pawis at alikabok.

Paglabas ko ng shower, napansin ko agad na may isang pares na ng pajama sa ibabaw ng kama ko.
Nagtaka ako syiempre kasi sino naman maglalagay nun dun eh deretso banyo na ako kanina pagpasok ko dito.

"Ahhh siguro si manang naghanda, ang bait talaga nun!" Sabi ko.

Nagbihis ako,

Magpunta ako sa veranda .

"Ang ganda ,ganda talaga ng tanawin mula dito!uhmmmm...." Nakapikit ako at finifeel ko pa sariwang hangin ng biglang humangin ng malakas ..damang dama ko yung lamig ..

"Mas maganda kapa diyan...!"

Bigla akong napamulat .

"Sinong andiyan?"

Luminga linga ako sa baba pati sa kabilang veranda pero walang tao.

Sa takot at kaba ko baka kung sino bigla akong pumasok sa kwarto at inilock yung pinto sa veranda.

"Sh*t sino kaya yun? F*ck arghhhh"

Nakasandal ako sa wall ng kwarto habang mabilis pa rin pagtibok ng puso ko.

" kalma!------- Kalma ka lang "may pagkahisterical na pagpapakalma sa sarili ko.

"Nagkamali lang siguro ako ng dinig!------- Okay nagkamali ka lang!" Kumbinsi ko pa sa sarili ko.

Nung unti unti ng kumakalma pakiramdam ko dali dali akong lumabas ng kwarto.

Yung pakiramdam na sobra kang kinakabahan tapos para kang praning na pakiramdam ko any moment may magpapakita sayo na ayaw mo makita.

Pano naman kasi parang galing sa kung saan yung boses parang nakahalo sa hangin tapos yung lamig din kakaiba.

Sinong di paninindigan ng balahibo nun.

Bumaba na nga ako at pilit winawala na isip ko yung narinig ko sa veranda.

Im Destined..... with a ghostttt...!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon