UNEXPECTEDLY, US
One Shot Story
written by iammasteryel
══════••💍••══════
ANG SABI NILA, LOVE IS A CHOICE DAW. Na dapat ay piliin mo kung sino ang dapat na mahalin mo. Ikaw dapat ang may control sa buhay mo, lalo na kung makakasama mo sa pang-habang buhay ang pag-uusapan.
Pero paano kung wala kang choice? Paano kung, bago mo pa matutunan ang salitang "crush" o "love" ay naka-set na ang future mo? Paano kung bata pa lang ay nakatakda ka nang ikasal sa taong hindi mo naman kilala?
My name is Aston Cruz. Twenty-four years old. Bisexual ako. I've liked girls before, and yes, I've fallen for a guy too. Isa akong marketing associate na mahilig sa Kape, K-drama, at lahat ng bagay na may kinalaman sa Korean culture. Medyo idealistic ako pagdating sa pag-ibig. Yung tipong gusto ko sana ay yung love story ko parang isang romantic-comedy na may slow burn ng very light at may accidental hand touch na magaganap. Yung tipong ang first meet namin ay mahuhulog ang gamit ko tapos sabay namin pupulutin yun at iaabot niya sa akin. Yung tipong may slow-motion na mangyayari pag nagkita kami. Yung bibilis ang tibok ng puso ko pag nakakausap ko siya. Ganun! Ganung build-up sana ang gusto kong mangyari sa love-life ko kagaya ng mga napapanood kong Korean dramas.
Pero mukhang lahat ng yun ay sa panaginip ko na lang mararanasan. Ang nakuha ko lang naman ay isang kasunduan ng dalawang pamilya na hindi ko malaman kung anong pumasok sa utak nila at nagawa nila ang bagay na 'yun.
I am a victim of an arranged marriage setup. At hindi lang siya basta-basta arrange marriage na ipagkakasundo sa isang babaeng mayaman, maganda, at sexy. It was a set-up with another guy.
Si Caspian Dela Vega.
Ngayon ay naniniwala na talaga ako sa kasabihang "opposite attracts". Kasi kaming dalawa ni Caspian ang perfect example doon. Ako kasi as much as possible gusto ko ay masaya lang. Good vibes, maingay at makulit. Kumbaga ako ay isang araw. At ang lalaking yun naman ay parang buwan sa eclipse na bihira lang yatang makita ang liwanag. Mas malamig pa siya sa aircon sa opisina, at parang laging may iniisip.
Hindi ko alam kung paano kami umabot sa ganito. Ang sabi ng mga magulang namin, matagal na raw nilang pinag-usapan 'to. Parang alliance sa business, pero sa version naming dalawa. At dahil parehong open-minded naman daw ang families, at wala namang "against the law" sa plano nila, they decided... why not?
Why not nga ba? Siguro dahil hindi kami close? Siguro dahil kahit na technically, fiancé ko na siya, para kaming strangers. Siguro dahil... hindi ko alam kung paano magmahal ng taong hindi mo pa kilala nang totoo. At siya naman... well, based sa mga naririnig ko, hindi rin siya masaya sa idea. At hindi ko rin siya masisisi dun.
Ang dami kong tanong sa sarili. Gaya na lamang ng mga "paano".
Paano kung may posibilidad? Paano kung kahit wala kaming choice sa simula, may chance naman palang matutunan naming piliin ang isa't isa?
May chance pa naman siguro akong tumakas diba?
Sa ngayon, wala pa akong sagot sa mga tanong na yun. Basta ang alam ko lang ay first day ko ngayong araw sa Cruz & Dela Vega Corp. o CDVC. Ang kumpanyang parehong pagmamay-ari ng pamilya niya at pamilya namin. At kung fate talaga ang nagdala sa amin dito, baka... baka may alam siya na hindi pa namin alam.
Hindi ko alam kung magiging love story ba 'to o disaster. Pero handa akong malaman. Kahit na mukha siyang hindi interesado sa akin. Kahit na parang mas gusto niyang kausapin ang spreadsheets kaysa makipag-eye contact. Kahit na siguro, sa paningin niya, isa lang akong abala sa schedule niya.
