This story is purely fictional. The characters, places, events, and situations are created for entertainment purposes. Any similarities to real people or events are purely coincidental.
Please remember that this is a work of fiction, and some parts may not reflect real-life experiences or situations.
TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STORY
——————————————————————————
Humipak ako sa vape ko at ibinuga ang usok sa hangin habang hinihintay ang mga kaibigan ko sa tapat ng 7-Eleven.
Tanghaling tapat, napakainit, pero kung makatitig 'yung chismosang ale sa tabi, akala mo kasalanan na ang maging maganda habang nagpa-puff ng pastry-flavored na usok.
"'Teh, 'di nakakaganda ang pagiging chismosa. Baka mangitim lalo 'yang gilagid mo," bulong ko sa sarili ko habang iniaayos ang strap ng top ko.
Hindi naman niya ako narinig—at mas mabuti na rin siguro, baka kasi ma-stroke pa 'yung matanda kapag narinig niyang kasing-lalim ng drum ng tubig sa banyo ang boses ko ngayong umaga. Paano ba naman, wala pa akong kinakausap mula pagkagising. Charot!
Naka-schedule kasi kami ngayon para sa navel piercing at honestly, mas nanginginig pa 'yung tumbong ko sa takot kaysa sa excitement.
Tumbong ko ba ang manginginig? Dedma!
Gusto ko lang naman maging hot girl ngayong summer at ma-flex 'yung crop top ko nang may kumikislap sa tiyan.
And I also think that I'm old enough to make my own bad decisions, thank you very much!
I'm already nineteen years old and single as a Pringle, so sino bang magbabawal sa 'kin?
Ang nanay ko nga, sumuko na sa mga desisyon ko sa buhay nung nagpagupit ako ng wolf cut gamit ang gunting sa kusina, ito pa kayang maliit na bakal sa pusod?
"Nasaan na ba ang mga traneneng 'yon?"
Shucks! Ang tagal nilang tatlo. Napagkasuduan namin nila Mhojie, Vienne, at Serena na agahan ngayon kasi nga magpapabutas pa kami, pero tingnan mo naman, mag-aalas-dose na ng tanghali, ako pa lang ang mukhang tao rito sa kanto.
Bumaba ang tingin ko sa suot ko—a dark velvet spaghetti strap crop top paired with high-waisted denim shorts. Medyo nabawasan ang boredom ko noong nakita ko ang repleksyon ko sa salamin ng convenience store.
Small waist, flat stomach, and hips that definitely don't lie.
Paniguradong nahulma 'to noong naglalaro pa ako ng volleyball. Huminto lang naman ako noong nag-start na ako sa HRT. Girl, ayoko na talagang makipag-agawan ng bola sa court habang umuusbong ang dibdib ko at naninibago ang katawan ko sa hormones! But honestly? Worth it ang pag-retire ko sa sports. At least ngayon, serving drop-dead gorgeous body ang babae na 'to.
O binabae? Dedma...
Medyo nabawasan man ang lakas ko after months on estrogen—'yung dating kayang magpakawala ng pamatay na spike, ngayon, halos mamatay-matay nang magbuhat ng dalawang limang-litrong gallon ng tubig paitaas ng hagdan—pero keber? I traded my athletic strength for this bad-bitch energy. Luging-lugi pa ba ako roon?
Kung 'di ko lang talaga tropa 'yung tatlo, iisipin kong sinadya nilang ma-late para lang magkaroon ang mundo ng oras na humanga sa ganda ko. Ang kaso, kung magpapatuloy ang pag-aabang ko rito sa ilalim ng katanghaliang-tapat na araw, hindi lang 'yung juice ng vape ko ang mag-e-evaporate—pati 'yung setting powder sa mukha ko, susuko na sa hulas!
Inilabas ko na 'yung phone ko para mag-send ng voice message sa group chat namin.
"Mga bakla, 'pag ako napagkamalang poster girl ng 7-Eleven dito sa kanto dahil sa katatayo!"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Pretty Little Disaster (University Trans Series #1)
Genel KurguSanay si Reese Salcedo na makuha ang lahat ng gusto niya. Growing up rich, spoiled, at palaging nasa sarili niyang mundo, she always finds a way to get what she wants-kahit pa minsan may ibang taong kailangang magtakip sa kasalanan niya. Kaya nang d...
