Kabanata 5

7.6K 148 0
                                    

Rason

Inusog ko ng konti si Jarvis papasok para masara ang pinto ng condo ko, Dahil sa palagay ko ay kalahati na lang ng katawan niya ang matino at ang kalahati ay nilamon na ng alak.

Inalalayan ko siya paupo sa sofa ko. Tinapik ko ang pisngi niya para gisingin siya,dinalat naman niya ang mata niya at ngumiti bago ako hinila upang yakapin muli.

"Jarvis!" naiinis na wika ko dahil naamoy ko ang alak sa katawan niya. Imbes na sumagot at hinigpitan niya ang yakap sa akin at umiyak sa pagitan ng leeg at balikat ko. Hinaplos ko naman ang likod niya. "Jarvis? bakit?"

"Pearl, Sorry." kinabahan ako sa sinabi niya pero nakuha ko pang itanong kung bakit. "Sorry kung hindi ko masabi na mahal kita may dahilan kasi ako. May pangako akong binitiwan."Pangako? kanino?" naguguluhang tanong ko. Naramdaman ko ang pagtango niya. "Kanino? anong pangako yun Jarvis?" tanong kong muli pero ang nakuha kong sagot ay hingang malalim na ang ibig sabihin ay tulog na siya.

Nilayo ko ang mukha niya sa leeg ko para makumpirma ko na tulog na siya. Nang masigurado ko na tulog na siya ay inihiga ko na siya sa sofa at kumuha ako ng shirt at boxer na ginagamit ni kuya kapag nag overnight sila ni ate Liberty sa condo ko. Pinalitan ko siya at naglakad na ako papasok sa kwarto ko.

Hindi pa ako nakakatulog ng maramdaman kong may tumabi sa akin at niyakap ako mula sa likod ko. Napahinga ako ng malalim dahil sa ibang epekto ni Jarvis. "I love you Pearl. Pangako, kapag natupad ko ang pangako ko, papakasalan agad kita." hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ako makahinga sa tuwa dahil aa ipinagtapat niya. Mahal ako ni Jarvis.

Nagising ako dahil sa mahigpit na yakap sa akin, ang sarap gumising ng ganito. Yung nakakulong ka sa bisig ng lalaking pinapangarap mo.

Ang taong akala ko ay habang buhay na lang mag e-exist sa fantasy ko ay nasa tabi ko at yakap yakap ako ng mahigpit.

"Goodmorning." bati ko sakanya. "Gising ka na agad ang mahal ko? Maaga pa mahal ko tulog ka muna." bulong niya sa tainga ko kaya nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ako sumagot kaya inilayo niya ako ng bahagya sakanya at tinignan ako. Ngumiti siya kaya nag unahan sa pag pintig ang puso ko, lalo na ng halikan niya ang tungki ng ilong ko.

Ang pagtawag niya ng mahal ko ay nakakadagdag ng kilig na nararamdaman ko.

Nag stay kami ng mahigit kalahating oras bago nag desisyon na tumayo na at maghanda sa pagpasok sa hotel.

"Mahal ko, may tiwala ka ba sa akin?" tanong niya ng nasa elevator na kami tumango naman ako sakanya at ngumiti. "Kung ganon gusto ko sana na huwag muna natin ipaalam ang relasyon natin hanggang sa loob ng isang linggo." nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya at napa yuko. Kinakahiya niya ba ako? bakit ayaw niyang may makaalam?

Inangat niya ang baba ko at pilit na hinuli ang mata ko. "Pearl..." malumnay na tawag niya. "May rason ako. please.. pagkatiwalaan mo ako!" desperado at puno ng sensiridad ang pagkakasabi niya. Lumunok ako at tumango.Sige, magtitiwala ako pero sana hindi ako masaktan sa ikalawang pagkakataon.

Hinalikan niya ako saglit at niyakap. "Thank you." pasasalamat niya. Tumango na lang ako at niyakap siya pabalik.

Nakarating kami ng sabay sa hotel pero hindi kami sabay na pumasok sa loob. Pina una niya ako at sinabing susunod siya after fifteen minutes. Ganoon nga ang ginawa niya.

Pinilit kong matago ang relasyon namin at kahit na gustong gusto ko ng i kwento iyon kay Asia.

Kapag dadaan si Jarvis ay titingin lang siya saglit sa akin at saka iiwan nang tingin ako naman ay hindi ko na siya gaanong tinitignan dahil baka mahalata ni Asia.

Nang sumapit ang gabi ay pumunta ako sa hotel ni Daddy na bagong bukas. Napaka ganda ng pagkakagawa! Ang galing talaga ni daddy pumili.

Hindi ko na ipinaalam kay kuya na nandito ako dahil baka hatakin niya ako kay Daddy ayaw ko din makausap muna si Daddy tsaka na siguro kapag kasama ko na si Jarvis.

Nakita ko si Asia na ako din ang nag ayos. Hindi niya alam na amin itong hotel. Hindi niya alam na anak ako ng mayaman, ayaw ko din ipaalam sakanya dahil baka mag iba ang trato niya sa akin.

Just One Time (Completed) TOL #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon