"Sa veranda muna ako," sabi ko sakanila. "Ang ginaw na dito."

"Teka lang," pag pigil ni Kris kaya naman napa upo ulit ako nang may kasamang buntong hininga. "Basta Adi, matagal na kitang pinag sasabihan ha? Lalaki kami, kilala namin ang mga tipo ni Asher. Hindi lang kami nagsasalita. Mga ganyan, puro yabang. Salita. Dahil gwapo."

Lasing lang si Kris, Adi. Hayaan mo siya.

"Tama!" sabi naman ni Henry habang sinasalinan ng alak 'yung baso ko. "Oh, wag mo masamain sinasabi namin ah? Syempre mahal ka namin. Ayaw lang naming masaktan ka."

"Tamang warning lang," kumento ni Angelo bago akbayan si Ethel.

Tumayo na ako at nginitian sila, "Hindi niyo siya kilala tulad ng pagkaka kilala ko sakanya."

"Sinasabi lang namin ang observation namin."

"At sinasabi ko lang ang alam ko."

Tumayo na ako at naglakad papuntang veranda. Wala pa ako sa labas ay narinig ko na ang ilang umatras na silya at alam kong may tumayo para sundan ako.

"Dito din muna ako," rinig kong sabi ni Beatrice. Iniupo ko ang sarili ko doon sa bakal na upuan at ganun din ang ginawa ni Tris kaya naman magka tapat kami. Uminom siya sa baso niya habang nakatingin sakin, "Kwento na."

Bumuntong hininga ako at hinimas ang noo ko, "Ayoko na pag usapan."

"Okay," sagot niya. "Ako nalang magkukwento."

Itinaas ko ang dalawang paa ko at niyakap ang mga binti ko. "Go," sabi ko sakanya.

"Well," ginaya niya ang upo ko. "May nakilala ako. Online."

"Online?"

"Yup," uminom siya. "Kaibigan ni Jared."

Nangunot ang noo ko, "So taga ibang bansa?"

"Hindi, manila lang."

"Ah," Oo nga pala, nag aral nga pala ng tatlong taon sa manila si Jared. "Anong pangalan?"

"Chance," naka ngiting sagot niya.

"Chance? As in?" natatawang tanong ko.

"Hoy 'wag ka, ang gwapo kaya nun."

"May picture ka? Ilang taon na siya?"

"Nineteen na. Meron akong pic pero nasa loob phone ko e, nag cha-charge. Mamaya pakita ko."

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Masaya ako para kay Tris. Sana lang talaga naka move on na si Henry ng buong buo kapag pina alam na 'to ni Beatrice sa buong barkada.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Nakita ko lang na nag-like siya ng picture ni Jared sa instagram. Tapos ayun. Hinanap ko na facebook niya," natatawang kwento ni Tris.

Napatawa din ako, "Stalker ka talaga. Tapos? Ano nangyare? Paano kayo nagkausap?"

"Ano, minessage ko siya tapos sabi ko kaibigan ko si Jared. Ta's ayun, nagkwentuhan kami. English speakin nga e, nakaka-nosebleed."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now