Chapter Five: Stay with you ❤

8 0 0
                                    

[Neo's POV]

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa bahay nina Elle. Kasama namin yung kaibigan niya, Yanna ba yun?

Naglalakad talaga. Niyaya ko silang mag-traysikel pero ayaw nila. Sayang daw ang pera nila, eh ang lapit lang daw. Ang mas malupit? Sabihan ba naman ako ng di gentleman? Kaya binato nila sakin ang bag nila at pinabitbit sakin.

Tss. Relax na relax lang gyung dalawa habang ako naghihirap. Bwisit. Kung di lang nila ako B-in-lackmail ee di ko sila susundin.

Ano yung pang blackmail nila? Iiwan daw nila ako at sasabihin daw nila kay Kuya Neil na nag-quit na ako sa basketball team dahil ayaw ko daw ng ugali ng team mates namin.

Expert yata tong dalawa sa mga gawaing ganun. Grr. Just wait for my revenge, young ladies.

"Hoy! Lalaki ang kupad mo! Para kang pagong!" Sigaw ni Janelle. Psh. Kaya binilisan ko. Di na ako umiimik baka ano pang masabi nila kay kuya Neil. "Ayts. Girl eto nga sabi ko......." At nagkuwentuhan na ang mga feeling prinsesa. Bwisit talaga.

[Janelle's POV]

Kami nalang ni Neo dahil na-una na kami kay Yanna. Ang lolong unggoy medyo sumaya dahil nabawasan ang bag na dalahin niya.

Tawa nga ako kay Yanna ee. Gusto pa isama si Neo dahil wala siyang tagabitbit.

"Ano bang laman nito ha? Ang bigat." Sabi ni Neo habang inaayos yung bag naming dalawa sa balikat niya. "Ako nga halos araw-araw kong dala yan, wala akong reklamo. Ikaw, ngayon lang?" Ka-reklamador naman kasi nitong lalaking 'to!

"Eh sa mabigat ee!" Pasigaw niyang saad. "Ah mabigat?" Tumango siya. "Oh, eh 'di iwan na kita dito. Diyan ka na. Sumbong nalang ki-" hindi na niya ako pinatapos magsalita. "Oo na. Hindi na nga ako magrereklamo. Okay nga ee. Ang gwapo kong gentleman." Umandar na naman ang kahanginan ng unggoy na 'to.

Dahil sa mahangin siya, pinatama ko sa mukha niya yung buhok ko. "Hangin! Grabe! Woo!" Hehe. Maasar na naman siguro 'to.

"Hangin ka diyan? Totoo namang gwapo ako ee. Gentleman pa."

"May gentleman palang napipilitan?" Madiin na mga salita ang bintawan ko.

"Walang makakapag-bago na pogi ako," lumapit siya sakin. "alam mo kung bakit?" Bulong niya sa tenga ko. Graveee! Ang init ng hininga niya.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay na ibig sabihin ay 'bakit'.

"KASI POGI AKO!!!" Sigaw niya. "Pft! Haha!" Di ko napigilan ang sarili kong matawa.

Kasi naman nasa harapan kami ng park at saktong pagkasigaw niya na pogi raw siya, tumama yung bola ng tennis na pinagpapasahan ng mga bata sa mukha niya.

HAHAHA! SHET LANG!.

"Hangin mo kasi, lolo. HAHAHAH!" Nakaka-tuwa pa ang reaksyon niya.

Ultra busangot face!

Pero nagbago nang biglang......

"Hahahahahahah! Yan kasi ee! Ang pang-asar! Bilis ni karma! HAHAHAHAH!"

Whhhhuuuuuuuuutttttt?

Naka-apak akong tae? Naka-apak akong tae? Naka-apak akong tae? NAKA-APAK AKONG TAE?

"Yuck! Kadiriiii!" Nagtatalon ako. Naman oh! Kinuskos ko sa may basang part ng sidewalk. "Waaaaah!" Tuloy parin ako sa pagkuskos.

"HAHAHAHHA!" Nagsimula na akong maglakad. Sinundan ako ni Neo. Nasa likod ko siya. Nalaman ko lang na sinusundan niya na ako dahil sa wagas niyang tawa.

Kadiri Babes (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon