We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

The Weight of Eldest Daughter

20 1 1
                                        

"People always ask me what my dream is. 

No one ever asks if I'm already too tired to keep dreaming."



My name is Leighe Monteverde. Twenty-two years old. An eldest daughter.  Maybe that's already enough to tell you what kind of life I have.At my age...

Some people are graduating. 

Some are chasing their dreams.

Some are falling in love. 

Some are busy figuring out where life will take them. 

Me? I'm busy wondering if the money in my wallet will last until payday. Busy making sure my two younger brothers have food on the table. Busy pretending that everything is okay......even when it isn't. Because when you're the eldest daughter, people expect you to be strong. 

To understand. 

To sacrifice. 

To stay calm. 

To keep going. 

Even when you're exhausted. 

Even when you're hurting. 

Even when you're silently falling apart. 

Sometimes...being the eldest daughter means becoming everyone's safe place...while secretly wishing someone would ask if you're okay too.

__________________________________________________________

4:30 A.M. 

The sound of my alarm echoed inside my small room. I reached for my phone before it could ring again. For a few seconds, I stayed still, staring at the ceiling."Another Day" Hindi pa man sumisikat ang araw, pagod na agad ang pakiramdam ko. Pero wala naman akong choice.Unti-unti akong bumangon, inayos ang kumot, at lumabas ng kwarto. Tahimik pa ang buong bahay. Naririnig ko lang ang mahinang ugong ng electric fan at tilaok ng mga manok sa labas. Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Mama. Tahimik siyang umiinom ng kape habang nakatingin sa labas ng bintana. Napalingon siya sa'kin. 

"Gising ka na pala." 

"Oo, Ma."Yun lang. Hindi na nasundan. Sanay na ako. Binuksan ko ang rice cooker. May natira pang kanin kagabi. Sakto. Kumuha ako ng dalawang itlog sa refrigerator at sinimulang iprito. Habang nagluluto, naghanda na rin ako ng baon. Simple lang. Pero sapat na.  Hinati ko ang itlog. Mas malaking parte para sa mga kapatid ko.Mas maliit para sa'kin. Hindi dahil busog ako. Kundi dahil gusto kong siguraduhing may kakain sila pag gising. Tahimik kaming kumain ni Mama sa iisang mesa. Pero parang ang layo-layo namin sa isa't isa. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pintuan ng kwarto. Lumabas si Ronald Miguel.Nineteen years old. Mas matangkad na sa'kin. Tahimik siyang kumuha ng pagkain. 

"Morning." Hindi siya sumagot. Umupo lang siya habang nakatutok sa cellphone. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nag-usap nang maayos. Minsan iniisip ko...Ano kayang pakiramdam ng may kapatid na kaibigan mo rin?

 "Ate!"Napalingon ako.Si Kiven Nathaniel. Nine years old. Magulo pa ang buhok at yakap pa rin ang paborito niyang unan. Pagkakita sa'kin, agad siyang tumakbo. Mahigpit niya akong niyakap. Napangiti ako.Ito yata ang paborito kong parte ng bawat umaga. 

"Ate, papasok ka na naman?"Tumango ako. 

"Oo."

"Late ka na naman uuwi?"Saglit akong natahimik. 

"...Oo."Yumuko siya. 

"Sige."Hindi ko alam kung bakit...pero mas masakit pa minsan ang simpleng salitang sige.Hinaplos ko ang buhok niya. 

"Pag-uwi ko, bibilhan kita ng favorite mong chocolate."Bigla siyang napangiti. 

"Promise?" 

"Promise."Ilang sandali pa...bumukas ang pintuan ng bahay.Dumating si Papa. Kagagaling lang niya sa construction site. May bahid pa ng semento ang pantalon niya. At halatang pagod na pagod ang katawan. 

"Morning, Pa."Napangiti siya. 

"Morning, anak."Tahimik niyang inilapag ang lumang bag sa isang sulok bago dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay. Napatingin ako sa mga palad niya. Magaspang. May maliliit na sugat. At may mga bakas ng semento na hindi na halos matanggal.Hindi siya madalas magsabi ng 'I love you.' Pero sa bawat pag-uwi niyang pagod...alam kong mahal na mahal niya kami. Matapos kong kumain, hinugasan ko ang plato ko. Kinuha ko ang bag ko at sinilip ang wallet. Isang daan. Dalawang bente. Tatlong barya. Napabuntong-hininga ako."𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘶𝘮𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘸𝘦𝘭𝘥𝘰."Isinuot ko ang ID lace. Humarap ako sa maliit na salamin. Pinilit kong ngumiti.Mukha naman akong okay.Kahit hindi naman talaga. 

"Ma... Pa... mauuna na po ako." 

"Ingat ka, anak."Si Papa ang unang sumagot. Ngumiti ako. 

"Oo." 

Malamig pa ang hangin. Madilim pa ang langit. Habang naglalakad papunta sa sakayan, napatingin ako sa mga taong kasabay kong nagmamadali. May mga estudyante. May mga empleyado. May mga vendor. Lahat kami may kanya-kanyang destinasyon. Pero parang iisa lang ang dahilan. Mabuhay. Huminto ako sa pedestrian lane. Sa tapat noon ay may malaking billboard. 

𝗖𝗛𝗔𝗦𝗘 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗗𝗥𝗘𝗔𝗠𝗦. 

Napangiti ako.Mapait."Paano kung survival nalang ang kaya mong habulin?" Nang gabing iyon... Tahimik akong umuwi. Pagod. Masakit ang paa. Mabigat ang balikat. Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko sina Mama at Papa sa kusina. Mahina silang nag-uusap. Hanggang sa unti-unti itong naging pagtatalo. 

"Kulang na naman ang pera." 

"Yun lang ang kinaya sa site." 

"Paano tayo aabot hanggang katapusan ng buwan?"Tahimik lang si Papa. Alam kong ginagawa niya ang lahat. Pero minsan...kahit anong sipag mo...hindi pa rin sapat. Hindi na ako nakisali.Dahan-dahan akong dumiretso sa kwarto. Ayokong marinig ang kasunod. Ayokong marinig na naman ang salitang..."Paano na tayo?"Naupo ako sa gilid ng kama. Kinuha ko ang wallet ko. Mas kaunti na naman ang laman. Sa tabi nito...isang lumang notebook. Makapal na ang alikabok. Binuksan ko iyon. Sa unang pahina, nakasulat... 

Dear Future Me... Huminga ako nang malalim. Kinuha ang ballpen.At muling nagsulat. 


"Dear Future Me,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dear Future Me,

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Pagod na pagod na akong lumaban, pero wala akong choice kundi magpatuloy.

 Sana... balang araw, maging proud ka sa'kin. 

Sana lahat ng luha, pagod, at gabing puno ng pagdududa ay magkaroon din ng dahilan. 

Sana dumating ang araw na hindi na lang puro survival ang buhay ko. Yung hindi na lang ako basta humihinga para makaraos. 

Sana... maranasan ko ring mabuhay."

Isinara ko ang notebook. Pinatay ang ilaw. Pumikit. Hindi ko pa alam...na sa mga susunod na araw...may mga taong darating. Mga taong babaguhin ang takbo ng buhay ko. Pero sa gabing iyon...isa lang ang sigurado. Bukas...gigising na naman ako. At lalaban ulit. 


𝑬𝒏𝒅 𝒐𝒇 𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓

"Every story begins with someone carrying a weight no one else can see."

Between Scars and SunsetsStories to obsess over. Discover now