Epilogue

5.6K 109 4
                                    

I didn't know na makakaya namin. Akala ko wala na. The end na. Na hindi ko makukuha ang happily ever after ko. Pero pag nagtiwala ka talaga sa taas he will give you what you deserve. At binigay niya siya sakin. And for that i will be forever greatful sa kanya.

Himas himas ko ang tiyan ko habang naglalakad sa dalampasigan. Konti na lang makakasama na namin ang baby namin. It's a boy! And we decided to named him Xian Marcos Alvarado.

Tinanaw ko ang kamay ko na may singsing simbulo ng pagpapakasal ko kay sean. Akala ko hindi na matutupad ang pangarap kong makapaglakad sa simbahan at makasal, pero tinupad yon ni sean. Simpleng kasal kaming dalawa lang at ang mama niya ang witness. umiiyak ako ng araw na yon sa tuwa. Ipinilig ko ang ulo ko. Sean is full of surprises.

Gumigising ako bawat araw na muka niya ang nasisilayan. At lagi na lang parang sasabog ang puso ko sa kaligayahan. Araw araw ay mas nadadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya.

Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod, hinalikan ako sa sintido at may jacket na pinatong saking balikat. Sa amoy pa lang alam ko na kung sino.

"Lumabas ka nanaman ng walang jacket. I dont want you to get sick. Ang kulit mo" sabay niyang piningot ang ilong ko ng marahan.

Nginitian ko siya "papasok na din naman ako naglakad lang saglit feeling ko ang lapad na ng likod ko kakahiga" nguso ko.

"Sana sinabi mo ng sinamahan kita maglakad lakad. Mamaya may lokong madaan dito iuwi ka pa bigla" ngisi niya sabay hawak sa tiyan ko"no baby? Si mommy mo ang kulit talaga di marunong makinig lay daddy" kausap niya sa anak namin kahit nasa tiyan pa lang.

Napailing na lang ako.

Ng biglang humilab ang tiyan ko.

Napahawak ako dito.

"Sean..." ngiwi ko sa kanya dahil nararamdaman ko na yung labor pains.

"Manganganak ka na?!!" Gusto kong pagtawanan yung itsura niya pero sa sobrang sakit ay tumango na lang ako.

Agad niya kong binuhat. At dinala sa sasakyan niya. Andun na din ang mga gamit na last week pa lang ay hinanda niya na.

"Magdahan dahan ka sean! Ahh. " Sigaw ko.

"Sorry baby. Take a deep breath. Malapit na tayo. Kapit ka muna baby. Wag ka munang lalabas" pinagpapawisang saad niya.

Habang papasok ako sa hospital ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyayari. Ang alam ko lang ay hindi ako iniwan ni sean at makakasama na namin ang baby namin.

We've been through a lot lately. At dadating na ang little ball of sunshine namin.

Nakarinig ako ng munting iyak. Sinubukan kong dumilat nakita ko ang baby namin na hawak ni sean. Napangiti pa ko dahil umiiyak siyang nagpapasalamat sakin.

"I love you baby" halik niya sakin habang umiiyak.

"I love you too" ngiti ko sa kanya.

"Rest now i will take care of you two" rinig kong sabi niya bago ko ipikit ang mga mata ko.

❤❤❤
Thank you! For reading this baby of mine. And sorry dahil ang tagal niyong maghintay ng update tapos yung ending medyo.. off. Yung trabaho ko kaso kinakain na yung oras ko. Huhubells. Anyway. Thank you.. a lot.! Xoxo

One nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon