M

4.9K 106 0
                                    

Naglalakad kami ni peanut sa hallway ng federizo hall ng may makasalubong kaming babae na maganda. Mukang foreigner dahil sa ilang features niya sa muka at kilala ko siya.

Ang mama ni sean. Kinabahan ako. Bakit nandito siya? Mukang ako ang sadya niya base sa pagkakatingin niya sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko. Kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin.

"I just want to talk to you for a minute, puwede ba?" Nakangiti niyang sabi sakin.

Tumango ako. Umalis kami sabay ng pagpaalam ko kay peanut. Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant which is yung fortune. Ng maihatid sa amin ang order at tahimik na kumain. Kahit na hindi ako nakakain ng mabuti sa sobrang kaba. Pagkalatag ng kape ay agad siyang nagsalita.

Alam kong about samin to ni sean. Kay Suzette. Sa akin.

"Alam kong may relasyon kayo ng anak ko"

Huminto ang tibok ng puso ko.

"But no. I wont tell you nor force you to leave him kung masaya sayo ang anak ko ay wala akong magagawa. He must be so inlove with you" nakangiti niyang sabi sa akin. Alam kong genuine ang ngiti niya. Kilala ang mama ni sean na congresswoman sa lugar namin bilang napakabuting tao. Kahit sa mahihirap ay nakikisalamuha.

Kinakabahan ako dahil siya ang nanay ng mahal ko. And what we have is so unrequited. Ikakasal siya sa iba. Kaya nakakagulat na hindi niya ko inuutusan na layuan ang anak niya katulad ng mga napapanood ko.

"Nakikita ko naman na isa kang mabuting babae though hindi maganda ang mga naririnig ko tungkol sayo. But anyway i don't judge people base sa mga naririnig ko lang"

Parang naghihintay siya ng sasabihin ko pero wala akong masabi

"Hindi ko po alam ang sasabihin ko" mahina na saad ko.

"It's ok." Ngiti niya "I'll just warn you. Masamang magalit ang daddy ni sean. Kung kilala mo si sean with a very bad temper triplihin mo ang sa daddy niya. He wants his sean to marry his bestfriends daughter. Nakakainis nga. Ang gusto ko makasama ng mga anak ko ay yung mga taong mahal nila"

Lumabas kami ng restaurant matapos magkuwento ng mommy ni sean sakin tungkol sa kanya. Tawa na ko ng tawa ng lumabas kami ng restaurant.

Hindi ko napansin ang oras ng umuwi ako. Chinarge ko ang cellphone ko at nahiga. Inaprubahan ako ng mama ni sean. Parang gumaan ang pakiramdam ko. Kahit papano ay may nakakausap ako sa pamilya ni sean. We're taking baby steps sa relationship namin. Kung relation bang matatawag ang sa amin. Gusto ko ng maging katulad kami ng iba na dating freely at walang iniintindi na baka mahuli sila. But anyway im glad na nakausap ko ang mama ni sean.

Thank you po papa Lord for all the blessings. Bless me and my love ones.

Nakatulog ako matapos magdasal sa sobrang pagod at saya.

****

Napasinghap ako mula sa malalim na pagkakatulog ng biglang may humalik sa akin ng malalim..

Pagdilat ko ng mata ay si sean ang nakita ko.

"Why arent you answering my fucking calls?" Sigaw niya sakin.

Here we go with his moodswings.

Umupo ako at niyakap siya mula sa likuran niya. Huminga ako ng malalim para maamoy siya.

"Sorry na po. Nakatulugan ko yung cellphone ko naka charge" gumilid ako at tinignan ang muka niyang lukot. "Wag ka na pong magalit" ngiti ko.

Huminga siya ng malalim at hinalikan ulit ako sa labi habang nakayakap pa din ako sa kanya.

"Saan ka maghapon? Siopao told me na maaga ka umalis ng school" napahagikgik ako.

Natatawa ako tuwing tatawagin niyang siopao si peanut. Naasar kasi si siopao este peanut tuwing tatawagin siyang siopao ni sean.

"Hulaan mo kung sino kasama ko kanina." Ngiti ko. Muka pa kong kinikilig. Tinaasan niya ko ng kilay.

"Mama mo" ngiti ko. At tuluyang humiga sa lap niya habang hawak ko ang kamay niya at pinaglalaruan ito.

"For real?"gulat na sabi niya "anong sinabi ni mama?"

"She approves! Akala ko paglalayuin niya tayo" ngiti ko kay sean.

Ngumisi naman siya.

"Mabait talaga si mama. Parang ikaw" dinampian niya ng halik ang labi ko.

I answered his kisses with so much passion. Pero tumigil din kami ng parehas kaming kapusin ng hininga.

Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya . Habang naglalaro ako ng games sa cellphone niya.

"Kantahan mo uli ako sean" ang tagal na kasi nung kinantahan niya ko.

"Ayoko"

Ngumuso ako at agad niya iyong hinalikan. Kissing Monster!

May narinig kasi ako kaninang kanta Sa classmate ko at nagustuhan ko ang meaning ng kanta. Thinking out loud ata yung title.

Hindi ko alam na kinakanta ko na pala yon ng mag salita si sean.

"I love you"

*****
Nabura yung original. Huhubells. Duon nagsungit ang mama ni sean. Pero naisip kong baguhin. Haha.

Vote. Comment! Tururu heart heart. <3

One nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon