TVD Oneshot FF - Delena

246 4 1
                                    

AN : First of all, I just want to say this is written before season 6 ended so please don't judge me...

<Written in English and Tagalog>

Disclaimer: I do not own anything, all characters are based on the hit TV series The Vampire Diaries

************

^_____^

NAKAUPO ako sa may malaking sofa sa sala ng apartment na dalawang taon na naming tinitirahan ni Elena. Hawak ko sa kaliwang kamay ang isang baso na may lamang wine habang sa kabila naman ay isang maliit na box. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maluwang habang nakatingin sa binili kong singsing, oo aalukin ko ng kasal si Elena. We've been together for forty years at hindi pa kami nag-usap ng seryoso tungkol sa pagpapakasal. Siguro dahil alam namin na kaya naming manatili sa tabi ng isa't-isa ng panghabang buhay kahit hindi nagpapakasal. We're vampires anyway, we don't need to get married.

"Nakikita ko ba ang sa tingin kong nakikita ko?" tanong ni Stefan habang magkasalubong ang dalawang kilay, he can't hide amusement in his eyes.

Ibinulsa ko kaagad ang box ng singsing, bakit ba hindi ko naramdaman na paparating na pala si Stefan? I just smirk at him. "Got some bunny in 'ya?" mapang-asar na tanong ko sa kanya, napansin ko kasi ang hawak niyang bote. Tiningnan niya lang ako ng masama at umupo sa kabilang dulo ng sofa. "Where's Caroline?"

"Speaking of Caroline, pinapasabi niya na kailangan niyo daw pumunta ni Elena sa mysticfalls mamayang alas otso ng gabi."

"Bakit, anong meron?" Alas otso? Hindi yata ako makakapunta.

"Junior's birthday." Si Junior ay bunso sa dalawang anak nila Bonnie at Jeremy, seventeen na yata siya ngayon.

"Oh, today? Nakalimutan namin!" Nagsalubong nanaman ang kilay niya, sanay na ako sa kanya, pinanganak na kasi siyang magkasalubong ang kilay. "Elena's busy in her school okay, it's not like she's being a bad aunt."

"School? Nagsawa na ba siyang maging doctor?"

"For a change, she wanna be a pilot." Bumuntong hininga ako. "Sabihin mo nalang kay Caroline na baka mahuli kami mamaya dahil may gagawin kaming importante." Tiningnan ko siya ng makahulugan at naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin.

"Tell her that yourself, brother. Naiinis na nga siya kay Tyler dahil hindi makakapunta mamaya kasi full moon ngayon. At kayong dalawa ni Elena ang naka-assign sa cake."

"Kailan ba siya titigil sa pagiging control freak?" I groaned. "But you love being controlled don't you, brother?" Nakangising sabi ko. Tumayo na ako. "Susunduin ko na si Elena, mahirap na baka magwala si Caroline kapag mahuli kami kahit ng isang segundo."

"Very funny, Damon." sarkastikong sabi niya. "But, Good luck brother."

"There's no need for that." I smirk bago tuluyang umalis, alam kong nakaupo pa rin siya sa sofa. Nasagap ng pandinig ko ang pagtunog ng cellphone niya at ang pag-sagot niya doon.

"Yes, don't worry nasabi ko na at naka-bili na rin ako ng chicken. Papunta na ako diyan ngayon."

"Haha, you're sooo under." I laugh, alam ko namang naririnig niya ako kahit malayo na ako.

"Damon!"

I use my vampire speed after hearing Stefan, ilang segundo lang ay sakay na ako ng pinakamamahal kong sasakyan. Bahala na si Caroline mamaya, sa susunod na birthday ni Junior siguro naman on time na kami...o baka hindi. Whatever.

Nagdrive na ako papunta sa school ni Elena. Pagdating sa gate ng school ay hinarang ako ng isang security guard. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan ko.

Delena (TVD Oneshot)Where stories live. Discover now