43. Black Rose and I Like U

Start from the beginning
                                    

"Ate anong kulay ng room nyo ang gusto mo? Nakabili na po ba kayo ni kuya ng mga baby clothes, baby things, baby foods, baby shoes, baby lotions, bath soaps and baby robe?"

"Naku hija, sabihin mo lang kahit anong gusto mo ibibili ni mama para sayo."

Mama? Ate? Baby? Hawak sa kamay ko? Palipat-lipat nalang ang tingin ko sa dalawang babae. Pati ako naloka sa mga offer nila. Shuks! 

"Pwede ba Ma and Jueryne tigilan nyo si Myka" inilayo ni Ryan ang dalawa sa harap ko "Myka's not pregnant okay and we're not yet married."

"Okay lang yun kuya kung di pa kayo kasal, diba mama?"

"Oo nga anak, saka, baka di nyo pa na confirm ang pregnancy ni Myka. We totally understand."

"Geez, ano bang klaseng explanation ang uubra sa inyong dalawa? Hindi po totoo yung post ni Sir Lakambini Ma, it was just a misunderstanding."

Hmmmp...sana nga totoo nalang. Feeling ko tuloy ayaw saken ni Ryan. Hay naku Myka drama mo naman agad. Di pa tapos ang laban. Goo lang!

"Huwaaat? So di pala totoo na mas mauuna kang mag-asawa kaysa sa kambal mo? Naman anak! Andoon na eh! Andoon na talaga! Tapos di naman pala truelalo ang lahat?"

"Oo nga kuya, excited pa naman ako sa first pamangkin ko..hmp!"

"Puro kasi kayo assume! Dadating din naman tayo diyan... let's take it slow."

"Ang kupad mo talaga kuya!" nag-walk out naman yung dalaga "Supeeer Sloow mo!"

"Aish, Huwag mong sabihing -"

"No ma, and don't even get there."

Ano naman kaya yun? Na curious tuloy ako bigla. Ano kaya yung ibig sabihin nung di tinapos ni Tita Julie? 

"Bueno, tatapusin ko muna ang niluluto ko," Tita looked at me and smiled "Feel at home hija, I'm sorry for reacting like that earlier. Dito ka na mag-dinner para ma meet mo ang Papa ni Ryan."

I smiled back "Sure po, thanks"

"Are you okay?"

"Baliw ito, of course, ang caring kaya ng nanay at kapatid mo. Sarap sigurong maging manugang ng mama mo no?"

"Maga-apply ka?"

"Pwede?" bigla ba namang pinitik ang noo ko "Ouch naman! Ito talaga.." naramdaman ko nalang na umupo siya sa tabi ko. Ako naman, hinimas-himas muna yung noo ko. Sakeeet.

"Do you still like me Myka?"

(O__O )? Ano daw? Sobrang nanlaki naman yung eyes ko. Napatingin tuloy ako ng di oras sa mukha ni Ryan. I tilted my head, di naman siya mukhang nagjo-jowk.

Montague Brothers - COMPLETED 2013Where stories live. Discover now