Chapter 10: The Betrayal and the Kiss

39 7 0
                                    

10
*Nagtataka si Julian dahil parang nakakapanibago ang kilos nya simula ng makita nya si Daryll, ngunit binalewala nya iyon dahil baka nasa masamang mood lang si Jhenella. Habang nagtatagal nagiging malayo ang loob ni Jhenella kay Julian dahil kay Daryll. Si Julian ay lumabas para magpahangin lang ng..

Julian: Ha? Sina Kuya Daryll yun at si Jhen.

*Lalapitan sana ni Julian sina Daryll at Jhenella ngunit nagulat sya ng makita nya sa malayuan na niyakap ni Daryll si Jhenella.

Jhenella: Layuan mo na ako Daryll, paano si Julian sa oras na malaman nya na ikaw mismo na pinsan nya ang karibal nya.
Daryll: Siguro mauunawaan nya kapag nalaman nya.
Jhenella: Pero nagbitiw ako ng salita, higit pa dun maraming masasaktan sa ginagawa natin lalo na si Ju..
Julian: Eto pala ang dahilan?
Jhenella: Julian!
Julian: Si kuya Daryll pala ang dahilan kung bakit hindi pwedeng maging tayo.
Jhenella: Hindi sa ganun Julian.
Julian: Hanggang kailan mo pa ba itatago sa'kin ang totoo. Alam mo kung gaano katotoo ang nararamdaman ko sa'yo Jhen. Hindi ko alam pinaglalaruan mo na pala ako.
Daryll: Sanda..
Julian: Ano pa bang ipapaliwanag nyo?! Narinig ko na lahat! Wala na kayong maitatago pa! May ibubunyag pa ba kayo na hindi ko alam?!
Daryll: Si Jhen yung babaeng tinutukoy ko sa'yo na babaeng minamahal ko noon hanggang ngayon.
Julian: Ano? Si Jhen yung tinutukoy mo? Na alin? Yung babaeng umiyak dahil sa'yo dahil iniwan mo?! Ganun ba! Ano pang masakit ang sasabihin nyo sa'kin?! Sabihin nyo na! Para kung magkarelasyon man kayo, masasaktan lang ako pero hindi na ako magugulat! Hindi ko alam na mismong pinsan ko pa ang nagtatangkang magtraydor sa'kin?! Ang tanga ko!
Jhenella: Julian, wag mong sabihin yan!

*Nagulat si Daryll dahil as he can see, Jhenella kissed Julian. Hindi na nakapagsalita pa si Julian.

Jhenella: Sapat na bang patunay iyon na nakalimutan ko na sya? Sapat na rin ba yun para patunayan ko sa'yo na hindi ako sumisira sa pangako? Matimbang na bang patunay ang ginawa ko para masabi kong mahal kita? Malaking kawalan ang ginawa ko dahil first kiss ko ito, Julian. Ayan ay para patunayan kong tapat ako at hindi ako lumalapit sa iba.
Julian: A.. Sorry Jhen.
Jhenella: Kung hindi mo ako mapapagkatiwalaan ngayon na hindi pa tayo, pa'no pa kaya kung totoo na to. Araw-araw kang magseselos?

*Umalis si Jhenella ng umiiyak at may pagtatampo kay Julian. Hindi nya nalaman ang tunay at totoong nangyari kaya hinabol nya si Jhenella.

Julian: Jhen, sandali lang! Jhenel!

*Patuloy lang sa pagtakbo si Jhenella kahit na napapagod na si Julian kakahabol sa kanya. Umiiyak lang si Jhenella hanggang sa makuha ni Julian ang kanyang kamay.

Julian: Hayaan mo akong magpaliwanag. Patawarin mo ko Jhen kung marami akong nasabing hindi maganda. Nais ko lang malaman ang totoo, hindi ako magagalit basta sabihin mo sa'kin, tatanggapin ko lahat kahit alam kong masakit.
Jhenella: Masakit yung ginawa nya sa'kin, Julian.
Julian: Tumahan ka na Jhen.

*Pinapatahan lang ni Julian si Jhenella sa pag-iyak.


My Amazona Girlfriend Meets My Japanese BoyfriendWhere stories live. Discover now