“Ayoko”
(Cge na pleeeease? Please friend? Pagbigyan mo na ako. Wala akong kasama. Kawawa naman ako.)
Mas kawawa ako noh. Walang naka alala sa akin. Kahit bestfriends ko. Tsk.
(Friend?)
“Oo na! Oo na! San ba? Anong Oras?” Naiirita kong tanong.
(Yes! Thank you! Cge, txt nalang kita ha? Hihi. Bye. Love you! Mwah!)
Sabi nito tapos binaba yung phone. After a few minutes, nakatanggap na ako ng text galing sa kanya.
1 Message Received
Fron: Friend
Friend! **** Mall. 4:30pm. See you! :*
4 pa naman. Nagbihis na ako. Nag pants lang ako tapos blouse. Nag suot ako ng doll shoes tapos nag dala ng maliit na bag. Pagkatapos kong mag ayos, nagpahatid nalang ako kay manong driver dahil baka malate ako sa usapan.
Pagdating ko sa mall, nandun na si Sydney. Halatang excited siya.
“Buti friend dumating ka! Lika na!” Sabi nito.
Pumasok na kami sa mall tapos ayun, nag ikot-ikot. Madami na kaming nabili, puros naman mga accessories at kung ano-anong pambabae.
Chapter 32: Sad Birthday?
En başından başla