Prologue

79 20 23
                                        

"I dream my painting, and then I paint my dream."

Ito ay base sa Impressionist painter na si Vincent Van Gogh.

Ngunit... hindi ako sang-ayon sa pahayag niyang iyon. Mabuti sana kung may puso ako sa bawat brush stroke na idinadagdag ko sa aking canvas. Mabuti sana kung naaliw ako habang ginagawa ito. Pero hindi, dahil para sa akin, paulit-ulit lang nitong ipinapamukha na hanggang dito na lang ako sa loob ng apartment ko.

"What I fear, I paint."

"Hija,nagkukulong ka na naman ba riyan?!"
Tawag saakin ni ate Tesa,nakatira sa bandang kanan katabi ng apartment ko

"Paki sabay nalang ako sa order ng pagkain ate!"Pakikisuyo ko dahil hindi ko maiwanan ang bago kong tinatrabaho

Maraming nagpapa commision saakin.Medyo maingay rin ang mga likha ko sa social media na di ko naman gaano'ng natututukan.Madalang ako mag post kaya hindi ko alam kung bakit padami ng padami ang customer ko

Messenger lang ang madalas kong nabubuksan para makipag-usap sa mga customer,halos wala na akong oras para sa iba pang bagay kahit ang simpleng pag scroll

Patuloy ang pag-buo ko ng panibagong pallete.Abstract painter ako at kahit sa ganitong form o estilo ay mapapansin padin ang kahulugan ng bawat larawan na nabubuo

Agad akong napatingin sa aking cellphone ng mag ring ito "Nakabili na ako ng ticket para sa concert ng Idol mo.Kaya wag ka nang mag kulong diyan at sumama ka sakin bruha!" Natawa ako sa kaibigang si Xyla

"Didn't you forget?"Pabiro ko namang sagot sakanya

"Ang KJ mo talaga! punta ka nalang sa veranda mo at mag video call tayo mamaya"Ibinababa ko na ang tawag pagkatapos ay dumiretsyo na ulit sa pagpipinta

Sana kagaya ng iba ay kaya ko din.Hanggang kailan ba ako magkukulong?

"Magpahinga ka namang bata ka.Malulungkot ako kapag napabilis ang pagyaman mo.Pihadong lilipat ka na ng Bahay" Biro ni ate Tesa at ipinatong sa lamesa ang pagkain ko

"G-cash nalang ate,salamat po"ningitian ko sya at tumalikod na ito para lumabas ng apartment ko

Konti nalang.Matatapos nadin ang halos isang linggo ko ng ginagawa.48 X 60,may theme na Love at Lively ang atmosphere.Dalawang bagay na siguradong wala ako

Kung di naman dahil sa pera ay di ko ito gagawin ngunit wala eh.Sarili ko lang din ang aasahan ko para mabuhay

Napatigil ako sa pagpipinta.Ito na naman.Hanggang kailan ko ba ito gagawin?

Kinuha ko ang isang sketch pad.Halatang luma na at paubos na.Dinaanan ko ang bawat pahina hanggang sa makarating ako sa blankong pahina.Nagsimulang gumalaw ang mga kamay ko at nag-guhit ng mga bagay na nararamdaman ko

Sakit ko na ata ang pagguhit habang may kung ano-anong maiisip.Walang specific na oras kung mangyari ito,basta may maramdaman lang akong hindi maganda ay nagkukusa akong gawin yun

Kung susuriin ang bawat pahina ng sketch pad na iyon ay halos malulungkot na larawan ang nandon.Siguro ito ang tinatawag nilang Coping Mechanism.Kung saan nakakabawas ito ng stress at natutulungan akong makayanan ang mabibigat na pinagdadaanan

Subalit nagiiwan padin ito ng masakit na marka sa bawat pahina

***

Inabot na ako ng gabi sa pagpipinta at bigla akong may naalala ng tumunog ang telepono ko.Shet! si Xyla nga pala

Dali-dali akong lumubas papuntang veranda at saka sinagot ang tawag

"Bruha ka! bat ngayon mo lang sinagot!?" Napansin kong walang mga taong nag-iingay sa background kaya napaisip ako kung natuloy ang pagpunta niya sa concert

BORROWED BY TIME (Fast-paced Reads)Stories to obsess over. Discover now