Nang makarating sa tapat ng nakakalulang building ng DVM Advertising si Kimmy ay humugot muna siya ng isang malalim na hininga upang ma-relax ang kanyang pakiramdam.

Ngayon pa yata ako kakabahan. Lord! Huwag naman po sana, please.

Huminga siya ng malalim. Inayos ang damit ang she shake off the imaginary dust, at ngumiti. "Goodluck, Kimmy." sabi niya sa sarili at itinulak niya pabukas ang malaking salaming pinto ng gusali.

"Hey! Wait up!" lakad-takbo ang ginawa ni Kimmy nang makitang sumasara na ang elevator na tutungo sa higher floors.

Ibinigay lang niya ang pangalan sa reception at sinabihan siyang tumuloy na sa nineteenth floor kung saan ay naghihintay sa kanya si Miss Dolly Santos.

Mabilis na pinindot ng lalaking nasa loob ng elevator ang isang buton upang bumukas uli ang pintuan nito.

"Thanks." humingingal na sambit ni Kimmy sa lalaking nasa loob ng elevator.

"Glad to be of help." simpatiko ang ngiting ibinigay nito sa kanya.

Kiming ngumiti si Kimmy sa lalaki. Mabilis at pasimple ang ginawang pagkilatis ng dalaga rito. Kayumanggi, matangkad, na sa tingin ng dalaga ay kulang lamang sa anim na talampakan ang taas. Maganda ang pangangatawan.

Hmm, parang hollywood star.

Nicely combed hair. And he wears his suit almost perfectly. Marunong itong magdala ng damit.

"What floor are you, Miss---?" narinig niyang tanong ng lalaki. Ibinitin nito ang huling salita na tila hinihintay na dugtungan ng dalaga ang sinasabi nito.

"Ops! Sorry. Nineteenth floor, please. Thanks." tuloy-tuloy na sagot ng dalaga.

"And the beauty didn't tell her name to the beast." pasaring ng lalaki sa kanya. May bahid ng ngiti sa mga labi.

"Oh!" nangiti na rin ang dalaga. "I-I'm Kenneth". Biglang napa-kunot noo ang lalaki. Mabilis na dinugtungan ng dalaga ang sinasabi. "Kenneth Mae Cabrera."

"I'm Renz." pagpapakilala naman ng lalaki sabay abot sa isang kamay for a handshake. Tinanggap naman ito ng dalaga. "You have a unique name." dugtong nito at nagpakawala ng isang makalaglag underwear na ngiti.

"Thanks." maikling sagot ng dalaga.

"I don't think I've seen you here before." tanong ng lalaki kay Kimmy. Mukha naman itong maginoo at mabait kaya kumportable ang dalaga kahit sila lang dalawa ang laman ng elevator.

"Actually, I'm new here. It's my first day of work." kibit-balikat na sagot ni Kimmy sa lalaki.

"Welcome then, Miss Cabrera, or can I call you Mae?" sabi ng lalaki sa kanya while patiently waiting for her response.

No, you can't! It was only him... "S-Sure."

Iyon na ang huling palitan nila ng pangungusap ng lalaki.

When they reached the nineteenth floor, Renz bid her goodbye and they parted ways. Sinabihan lang siya nito ng 'See you around, Miss Mae'.

Dumiretso si Kimmy sa reception desk samantalang si Renz ay tumuloy sa isang malaking pintuan na nasa dulong bahagi ng pasilyo.

"Hi Ma'am! Good morning. How may I help you?" bati ng magandang receptionist kay Kimmy.

"I'm looking for Miss Dolly Santos. I'm Kenneth Mae Cabrera." Kimmy said politely.

"Just a moment, Miss Cabrera. You can sit for a while, while I check on for Miss Santos." magalang ring sagot ng magandang receptionist sa kanya. Itinuro nito ang sofa na pwedeng upuan ng mga bisita o ang waiting area.

Forever Starts With YouOnde histórias criam vida. Descubra agora