"Pang-broken hearted mga kanta mo tsong ah" pang-aasar ko

"Tsk..."

"May pinagdadaanan ba? Wahahahaha!"

"Tumahimik ka nga!"

Haha! Sarap asarin neto XD

Dalawa kaming nasa front seat, siya yung nagmamaneho tapos yung kambal nasa likod

"Ako na nga lang pipili ng kanta"

"Hindi! Ako na, ito na papalitan ko na nga eh"

After ay nakarating na din kami sa building ng company ng papa ni Aaron

"Woah anlaki!"

"Halika na, parang ngayon ka lang nakakita ng ganyan kalaking building eh"

"Tss... Panira ng moment"

"Anong sabi mo?"

"Wala! Ang sabi ko pumasok na tayo"

At pumasok na nga kami sa loob ng building...

Pagkapasok ng elevator..

Pinindot ni Aaron ang floor 30, grabe ang taas

Wait lang... Naisip ko bigla si Erika baka hinihintay nako nun, haist... Naman kasi eh

Pagkalabas, dumiretso na kami sa office ng papa ni Aaron

"Si papa?" Tanong ni Aaron sa babaeng nasa office

"Nasa meeting, hintayin niyo nalang"

"Ok" sabi ni Aaron

Dun sa office, may mini sala kaya dun muna kami habang hinihintay yung dad ni Aaron

"Yung papa mo ba may-ari nang building na 'to?"

"Yup"

"Woah! Nice"

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Wala lang"

"Tsk..."

Haaay... maka-nuod na nga lang...

Yung kambal naglalaro ng Lego blocks, akalain mo yun? May Lego blocks sa office ng tatay nila? Aba matinde!

Si Aaron, ayun tulog habang naka-upo

Natapos na lahat-lahat yung Oggy and the Cockroaches, hindi parin dumadating tatay ni Aaron. Malipat na nga lang sa MTV yung TV...

I'm gonna pick up the pieces
And build Lego House
If things go wrong we can knock it down
And three words have two meanings
There's one thing on my mind
Its all for you

Uy saktong Lego House yung pinapatugtog, favorite ^____^

Wala parin yung tatay ni Aaron makapag-lip sync nga, tulog naman si Aaron eh XD

And it's dark in the cold december
But I've got you to keep me warm
If you're heart won't mend, yeah
And keep you sheltered from the the storm
That's raging on now

Ay biglang pinatay?

"Hoy Aaron! Ano bang problema mo?"

Hindi ko namalayang nagising pala si Aaron tapos pinatay yung TV?

"Ang ingay kaya!"

"Tsk... Panira ka talaga nang moment!"

"Ano?"

"Sabi ko, maglinis ka kaya nang tenga mo diba?"

"Tsk..."

Bwisit 'to! Ang ganda nang pagkaka-lip sync ko eh, pwede na sanang pang-cover ng Lego House =_____=

Maid for HireWhere stories live. Discover now