"Tatakbo na lang ba tayo?" sabi ni bes

"Kailan ba tayo lalaban?" dagdag naman ni Ruth

Binatukan ko silang dalawa. "Ang drama niyo! Di ko keri! Osya, cutting tayo." Kung madrama ako, mas madrama sila. Nako~

"Himala! Inimbita tayo ni First mag-cutting?" gulat na sabi ni Lindsey. 

"Bakit bawal?" nakataas-kilay na tanong ko.

"May sinabi ako?" nakataas-kilay na tanong rin ni Lindsey.

"Ikaw kinakausap ko? Si Riza kinakausap ko eh" sabi ko sabay irap kay Lindsey.

"Ikaw rin ba kinakausap ko? Si Ruth kinakausap ko eh!" sabi niya pabalik sabay irap with matching flip ng hair.

"Tss. Tambay lang tayo dito" sabi ko at naupo sa ilalim ng puno. 

"First. I think may masamang mangyayari. I can feel it" seryosong sabi ni Paris. 

Napatingin ako kay Andrea. Siya lang ang hindi nagsasalita ah? "Drea. Problema mo?" tanong ko.

"May tao sa rooftop, kanina pa tayo tinitignan" sabi niya. Napatingin ako sa taas at oo nga, may tao nga.

And I have a feeling that something bad would happen. "Dapat pala pumasok na tayo sa loob" sabi ko.

"IKR. Look, they're all over the place" kinakabahan na na sabi ni Paris.

Napatingin ako sa iba't ibang direksyon. Oo nga, ang lima sila. Nakapaligid sila sa amin. 

"Riza, I think you should run and get some help" sabi ko.

Tumango si Riza at tumakbo papasok ng school.

Nakita ko ang isang dart ng.. tranquilizer gun? Papunta ito sa direksyon ni Riza. Agad ko itong sinipa palayo.

"Guys, be careful. May dala-dala silang tranquilizer gun." sabi ko.

"Alam na namin bes." sarkastikong sabi ni bes.

Ohh.. alam na pala nila. Siguro hindi alam ni Riza ang mga nangyayari. Malakas kasi ang sense of sensing namin [pauso ni awtor XD sense of sensing??]. 

Tapos ay sunod-sunod silang nagpaputok. 

Nagsimula na kaming umilag. O shet. Andami.

"Paris!" Rinig kong sigaw ni Andrea habang umiilag pa ako.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon