May mga aklat na hindi dapat pang natatagpuan...
Hindi dahil hindi ito totoo... kundi dahil kapag ito ay iyong nabuksan, hindi ka na kailanman makakabalik sa kasalukuyan.
Sabi nila ang kasaysayan ay tuloy-tuloy—buo, nakasulat, at tapos na.
Pero hindi nila alam na may mga pahina na nalalaglag sa pagitan ng mga taon. Mga bahagi ng kwento na nawawala sa lahat ng talaan, pero nananatili sa iisang aklat na hindi dapat umiiral.
At doon nagsisimula ang lahat.
Sa isang lumang ancestral house na matagal nang iniwang tahimik ng panahon.
At sa isang nakalimutang aklat na nanatiling nakatago sa loob ng maraming taon, na para bang may dahilan kung bakit hindi ito dapat matagpuan at ang mga nawawalang pahina nito ay tila may itinatagong bahagi ng kasaysayan na hindi dapat natuklasan.
Kung sakaling mabasa mo ito hanggang dulo, tandaan mo...
Hindi lahat ng nawawala ay aksidente.
May iba... sadyang hindi na ibinalik sa kasaysayan
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
YOU ARE READING
The Lost Pages of 1898
Historical FictionPara kay Sofia Hianna Reyes, isa lamang itong simpleng research project. Sa paghahanap ng mga lumang tala para sa kanyang thesis, napadpad siya sa isang ancestral house na matagal nang nakatayo at halos nakalimutan na ng panahon. Doon niya natagpuan...
