Flyers (One Shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

“Wait lang! Flyers oh!” Sabay abot nung Nathan samin. Si Abby na ang tumanggap nun para sakin.

“Oh My Gosh!” Bulalas ni Abby.

“Bakit?”

“Tasha! Tignan mo oh!” Sabi niya sabay turo sa Flyers na hawak niya. Kinuha ko naman yun at tinapon sa basura. “Tasha!! Bakit mo tinapon?”

“Basura lang yun!”

“Tasha naman! Binabasa mo ba yung mga Flyers na binibigay niya sayo?”

“Para saan pa? Pagsasayang lang yun ng oras!”

“Tasha naman!” Hindi ko na lang siya sinagot at inunahan ko na lang siyang maglakad.

***

Ganun lagi ang nangyayari sa tuwing dumadaan ako papasok at pauwi dun sa tapat ng 7-Eleven. Lagi siyang may inaabot na Flyers sakin pero lagi ko yung dinidiretso sa basurahan.  Hanggang isang araw may inabot ulit siya na Flyers samin,Kukunin ko na sana yun para itapon ng maunahan ako ni Abby.

“Sige salamat!” Sabi niya at naglakad na kami palayo nang bigla niya akong kausapin.

“Uy! Tasha! Flyers oh!” Sabay abot ni Abby pero nahulaan naman niya na itatapon ko yun sa basurahan kaya binawi niya ulit. “Akin na nga yang bag mo! Ako na ang magbubuhat”

“Ang bait mo talaga Bestfriend!”

“Pasalamat ka talaga Bestfriend kita dahil kung hindi baka tinapon ko na to sa kalsada!!” Sabi niya habang bitbit ang bag ko. Nauna na akong maglakad dahil nga sa wala naman akong dala.

***

Matutulog na sana ako ng naalala kong hindi pa pala ako nagsusulat sa Diary ko simula ng mawala ko yun. Kaya agad ko yung kinuha sa bag ko ng may napansin akong nalaglag mula sa Diary ko.

“Flyers” Tsk, Baka nilagay to ni Abby nung binuhat niya yung bag ko. Yung babaeng yun talaga! Dahil nga sa nacurious naman ako kung para saan yung Flyers na yun ay binasa ko na rin. Pero laking gulat ko na lang na hindi tungkol sa mga Bahay, Loan o kung anong kaekekan ang nakasulat dun kundi isang letter.

‘Hi Natasha! Ako to si Nathan! Alam kong para sayo isa akong total stranger, Siguro ganon ang tingin mo sakin kasi hindi mo ako napapansin o nakilala man lang. Natatandaan mo ba nung sumilong ka dati sa 7-Eleven, Gabi na nun saka madilim na, umuulan pa kaya naawa ako sayo kasi nandun ka lang, Basang basa. Hindi mo kasama nun yung babaeng kaibigan mo. Nilapitan kita nun tapos inabot ko sayo yung payong ko. Tumanggi ka pa nga nun eh, Pero pinilit kita kaya pumayag ka. Sabi mo pa nga nun, ibabalik mo. Pero pagkatapos nun, Ilang buwan ka nawala. Inaabangan kita lagi sa 7 Eleven, Nagbabaka sakaling bumalik ka at ibigay mo ang payong ko, Tapos magiging close tayo. Naalala ko nga yung gabing nakita kita. Nagandahan talaga ako sayo nun. Siguro ito na yung matatawag na Love At First Sight. Nawalan na ako ng pag-asa na babalik ka kaya nagisip ako ng paraan para masabi ko sayo yung nararamdaman ko. Naisipan kong magbigay ng Flyers para kung sakaling may makakabasa nito na kakilala mo, Iabot nila to sayo at mabasa mo nang makabalik ka na dito. Nagulat na lang ako isang araw nakita kita, Akala ko nabasa mo yung Flyers na binibigay ko kaya ka bumalik pero hindi pala kaya pinagpatuloy ko yung pagbibigay nun dahil gusto kong mabasa mo yun. Pero nakikita kong tinatapon mo lang yun. Hanggang isang araw tinatawag kita kasi nahulog mo yung Diary mo yun kaso nga lang nagmamadali ka nun kaya hindi mo na napansin. Binasa ko yung Diary mo, At dahil dun nalaman ko ang pangalan mo Natasha. Nalaman ko rin kung bakit ka nawala ng ilang buwan dahil sa may sakit ang Lolo mo at walang magaalaga sa kanya kaya ikaw na ang nagboluntaryo. Bago matapos ang mensahe na to, Gusto ko sanang sabihin na Mahal Kita Natasha. Tama, Mahal na kita. Sana... Sana mabasa mo to’

Flyers (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon