Chapter 13

7.4K 187 6
                                    

Tulala pa din si Jillian nang makauwi siya. Nagpapasalamat siya kay Aldous dahil sa pagrespeto nito sa nararamdaman niya na huwag magkuwento. She sighed as what happened in the comfort room earlier flashed in her mind.

And that she just told him that she loved him.

Like it'll change anything.

Matapos niyang maibuhos lahat ng luha niya kanina kanina habang nakasakay siya sa taxi pauwi, ngayon ay wala na siyang nararamdamang sakit. She felt numb. And even if tears are flowing from eyes, she can no longer feel any pain. Namanhid na ang pakiramdam niya, and she knew that she's breaking down.

It might have happened too fast, but she knew what she felt for him was true. Love came unexpected to her. Hindi niya akalaing ang simpleng paghanga niya rito ay mauuwi sa pagmamahal. And it hit her heart like a dart, bulls-eye. She loved him. She loved everything about him—even the way he yells at her, his roller coaster mood, his intimidating nature, his words, and his warmth. And until now she still loves him even if it's breaking her apart.

Napatingin siya sa isang sobre na nakapatong sa kanilang dining table. Marahil ay iniwan talaga ito ng auntie niya para agad na makita niya. It was letter from the Department of Foreign Affairs and US Embassy. She was granted a visa to the United States and she received a letter from the hospital where she will work when she gets there. Naalala niya ang sinabi ni Aldous sa kaniya kanina.

"In the hospital where I work, we have an opening. Sa California din yun. Give me a call if you have plans to go there."

She sighed. Siguro ito na ang pagkakataon niya upang tuluyang makalimutan si Erik, ang tuluyang layuan ito. Matagal na din namang tapos ang kaniyang kontrata sa Harisson at matagal na rin siyang pinipilit ng kaniyang mga magulang na sumunod at manirahan kasama ang mga ito sa California, at ito na rin ang tsansa niyang ipagpatuloy rin ang pagkuha ng master's degree sa nursing sa ibang bansa.

Yes Jillian, redeem yourself. There's still a lot of opportunities for you. 'Wag mong sayangin ang mga 'yun. Aniya sa isip.

She went to her room and Erik still flooded her mind.

Will I be ever able to forget that man...


Bagaman hindi maganda ang pakiramdam ni Jillian ng umagang iyon ay nagtungo siya sa Harisson upang tuparin ang effectivity ng kaniyang resignation at kunin ang kaniyang mga gamit. Kakausapin din niya ang bagong nurse na papalit sa kaniya upang i-discuss dito ang kanilang mga routine at i-endorse ang mga dokumentong kaniyang iiwanan. Bagaman napakabigat rin sa kaniyang pakiramdam ang pag-alis sa minahal niyang trabaho at mga naging kaibigan, she knew she needed to go.

Tuluyan na siyang nagpaalam sa mga staff ng Harrison at sa mga batang naroroon. Nag-iyakan at ayaw siyang pakawalan ng mga batang suki siya sa clinic at nakiusap ang mga ito na wag siyang umalis. Mabuti na lang at naintindihan naman siya ng mga ito nang i-explain niya kung bakit siya aalis. Nagtungo na rin siya sa opisina ng kanilang principal na siyang may-ari rin ng paaralan upang magpaalam.

Jillian smiled at her old boss as he shake her hand.

"I hope that you find more opportunities, Jillian. You were a blessing to the students and to the whole Harisson. Thank you for being with us for two and a half years."

Nangingilid pa ang mga luha niya nang hawakan rin niya ang kamay ng kaniyang boss.

"Salamat po talaga Sir Ruel. Andami ko pong natutunan dito at tiyak mami-miss ko yung mga makukulit na bata dito pati ang mga staff."

"Just don't forget us here and balitaan mo pa din kami tungkol sa mga nangyayari sayo."

"Opo Sir Ruel. Salamat po ulit." aniya pagka ay yumakap siya rito.

She was lucky to have him as his boss. Mabuting tao ang kanilang boss at napamahal talaga siya rito dahil parang naging tatay na rin ang trato niya rito.

Nangingilid na din ang mga luha niya habang bitbit niya ang mga gamit niya palabas ng school. Subalit nang mag-angat siya ng tingin ay napatigil siya sa paglalakad nang makita niya ang lalaking ngayon ay nakatayo sa kaniyang harap. Agad na pinunasan niya ang nangingilid niyang luha sa mga mata.

"We need to talk." anito sa malamig na boses.

"I don't have to follow your doctor's order anymore."

Nagsimula na siyang maglakad palayo nang pigilin nito ang braso niya. Napaigtad siya nang tila may kuryenteng hatid ang mainit na kamay nito.

"Ano ba Erik. Let go."

"Mag-usap tayo Jillian. After we talk, pinapangako ko sa'yong di na kita guguluhin."

Hindi niya alam kung anong gustong ipahiwatig ito subalit nababasa niya ang kyuryosidad at pagtatampo sa mga nito. And she just can't say 'no' to this man.

"Okay."

Sa isang park sila nakarating ni Erik. Wala masyadong tao ng mga oras na iyon kaya tahimik at maayos silang makakapag-usap. She sat at the swing and Erik sat beside her.

Jillian cleared her mind. She thought that this would be the last chance she will see Erik therefore, she must tell him everything.

Naisip rin niyang sabihin na rito ang tungkol sa pag-alis niya at kausapin ito ng maayos upang mabawasan na rin ang bigat na nararamdaman niya. She needed to let go, and if she wants that, then a closure for her is what she needed.

She thought that closure is just for couples who broke up. But she realized that it is for all kinds of relationship that has been in pain or broken. Whether between family members or friends, a closure can at least, ease the pain so that both parties can move on without letting them carry an excess baggage from the past.

Mukhang wala atang balak magsalita ang binata tanda ng kanina pang katahimikan na namamayani sa pagitan nila. Kung wala itong sasabihin, pwes siya ay madaming kailangang sabihin.

"I'm leaving soon, Erik." aniyang hindi ito tinitignan. "So, let's stop this." Tila may batong dumagan sa kaniyang dibdib but she still smiled at him.

"Basted ka na sa panliligaw mo." She suppressed the tears that is trying to come out. Kita niya sa kaniyang periphery na nakamasid ito sa kaniya. She interlaced her hands.

"Let's just forget the things that ever happened between us." That's it. She can't stop herself from crying. She bit her lower lips as she tries to stop the tears. "At kahit ganon man ang mga nangyari, I'm still thankful kasi kahit sandali, you made me feel really special." She gave him a half smile. "And no, this isn't your fault so don't ever feel bad. It's my fault. I made myself feel this way."

He gave her a handkerchief but she didn't accept it.

"No, Erik. Don't be kind to me anymore. Just let me cry."

Kita niya sa mga mata ni Erik ang pag-aalala. Pinunasan niya gamit ng kaniyang mga kamay ang mga mata.

"I am not asking you to return my feelings. I just can't keep it anymore that's why I told you how I felt." Muli niyang pinahid ang kaniyang mga mata. "You cannot order you heart to love someone, and you cannot order the heart to just simply forget and move on. Kaya yung akala ko na makakatulong ako sa'yo, mas lalo lang napasama. You love Bianca, you really do. From they way you look at her, I can already tell."

Nanatili lang itong nakamasid sa kaniya ang binata.

"And even if I shout to you that you should move on and forget about her and just love me, you can't. Because I know now, it's not easy."

She stood up and gave him a half smile.

"I really wish you well. Goodbye, Erik."

Aniya pagka ay naglakad na siya palayo. Ramdam niya ang panghihina ng katawan niya, kasabay niyon ay ang pag-ikot ng kaniyang paningin. Marahil dahil iyon sa ilang araw na siyang kulang sa tulog kakaisip sa mga nangyayari sa kanya.

"Hey, Jillian, are you okay?" agad na sumunod pala sa kaniya ang binata at inalalayan siyang maglakad.

"Shit. I knew it. You're running a high fever."

"Huh?" Narinig niyang may sinabi pa ang binata subalit hindi na niya ito naintindihan pa dahil kasabay ng malakas na pagpitik ng kaniyang sentido ay tuluyang nagdilim na ang paningin niya.


END OF CHAPTER 13

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon