"Si Terrence." Sagot niya nang lumingon siya sakin. Naka-shorts na siya ngayon pero wala pa ring pang-itaas. "Pinsan ko, kapatid niya iyong si kuya Leo,"

Si 'kuya Leo'? Nakita ko na iyon sa Hospital bago kami pumunta ng Amerika noon nina kuya Hendrick at ate Camilla. Dinalaw naming siya. "Iyon pong hindi pa gumigising sa Hospital?" Tanong ko.

"Yeah."

Umupo ako sa gilid ng kama habang hawak-hawak iyong picture frame kung saan naroon si kuya Santi at iyong 'Terrence' na kapatid daw ni kuya Leo. "Alam mo, kuya... Natatakot ako dati na baka matulad ako kay kuya Leo. Baka hindi na ako magising." Mahinang sabi ko.

Noong dinalaw namin si kuya Leo sa hospital noon ay natakot talaga ako na matulad sa kanya. Ang sabi kasi ng doctor ko, baka raw hindi na ako magising kapag hindi nagtagumpay ang operasyon sakin. Hindi sinasadyang marinig ko iyon, pero narinig ko ng nagpanggap akong natutulog habang kausap nina ate iyong si Dr. Mallari.

Pero thanks kay Papa God kasi binigyan niya pa ako ng panibagong buhay.

"Hindi mangyayari iyon." Naramdaman ko ang pagtabi ni kuya Santi sakin. Naka-T-shirt na siya ngayon ng kulay asul.

Tumingin ako sa kanya. Ang linis-linis ng itsura niya, ang bango rin ng sabong ginamit niya na naamoy ko ngayon. Preskong-presko. Ang swerte talaga sa kanya ni ate Holly. Mabait na, guwapo pa si kuya Santi.

Pinisil niya ang pisngi ko. "Nagkakalaman ka na, ah."

"Malakas na po akong kumain, eh."

"Good." Ginulo niya ang buhok ko.

"Si... si ate Holly po?"

"Ewan."

Nakapagtatakang parang wala lang sa kanya na wala si ate Holly. 'Di ba dapat gusto niyang palaging kasama ang girlfriend niya? pero bakit parang balewala si ate Holly sa kanya ngayon?

"Ah..." Tango ko na lang. Mahirap talagang intindihin ang matatanda minsan.

"So bakit ka pala napasyal dito?" Tanong niya.

"Kuya, mangangabayo ba tayo ngayon?" Umaasam na tanong ko rin.

Ngumiti siya, iyong ngiti na lalong nagpapa-guwapo sa kanyang mukha. Kasi ang puti ng mga ngipin niya at pantay-pantay iyon. Hindi kagaya ko na may sungki.

Pero nakakadismaya ang sinagot niya sakin. "Saka na, baka mapagod ka na naman."

"Sayang... gusto ko pa naman sanang makita iyong dulo ng Hacienda na sinasabi mo."

"Soon, little girl."

"Hindi na ako little girl." Napa-ismid ako. Mukha ba talaga akong maliit? Kasi pati sina kuya Hendrick ay little ang tawag sakin!

"Yes you are."

Tumulis ang nguso ko. "Hindi na nga... eleven na ako!" Saka matangkad kaya ako sa edad ko, medyo payat pa nga lang ako ngayon, pero kumakain na ako ng marami para tumaba na ako.

"And I am 19." Sabi ni kuya Santi. Naglalaro ang kakaibang ngiti sa mga labi niya.

"Matanda ka na." Kaya nga may girlfriend ka na.

Sabi ni ate, magkaka-boyfriend ako kapag malaki na raw ako. Pero sana si kuya Santi na lang din ang maging boyfriend ko. Kasi mabait si kuya Santi, saka parang hindi sila bagay ni ate Holly. Mukha kasing masungit si ate Holly, eh. Hay naku, sana mabait din ang maging boyfriend ko. Pero mas gusto ko munang mag-aral ngayon kesa mag-boyfriend...

"At bata ka pa." Sabi niya sabay gulo ulit niya sa buhok ko.

"Hmp." Pero sana talaga kung magkaka-boyfriend ako ay kagaya ni kuya Santi. Ewan ko ba, magaan talaga ang loob ko sa kanya.

Tumayo siya. "Halika, sa swing tayo."

Hindi ako tumayo kaya naupo siya ulit sa tabi ko.

"Kuya? Hindi ka ba nag-aaral?" Lingon ko sa kanya.

"Nag-aaral. Nakahinto nga lang ako ngayon."

"Bakit po?" Nakakunot ang noong tanong ko. Hindi ko maintindihan. Mayaman sila, hindi ba't dapat nga ay mas marami siyang perang pang-aral? "Ako gusto ko ng bumalik sa school."

"Kaya magpagaling ka na para makapag-school ka na ulit."

"Bakit ka nas-stop sa school?" Pangungulit ko.

"May nangyari kasi... Ayun, nagalit sina dad sakin." Bumuntung-hininga si kuya Santi. "Pinatapon ako dito sa Hacienda. Binawi nila ang kotse ko at hindi nila ako pinayagang kunin ang kursong gusto ko sa Maynila."

Ano kaya ang 'nangyaring' sinasabi niya? Saka mukha naming mabait si kuya Santi para ipatapon siya ng mga magulang niya. Saka napakaganda ng Hacienda para maisip niyang ipinatapon siya rito, hindi ito basurahan! Isa itong paraiso. Bakit ganon siya mag-isip? Bakit ang hirap intindihin ng mga bagay-bagay na tumtakbo sa isipan ng mga matatanda?

"Bakit?" Napangiti siya habang nakatingin sa naguguluhan kong ekspresyon.

Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang din ako sa kanya.

Nagbuntung-hininga muli siya saka umakbay sakin.

Itinago ko ang pagkagulat ko. Hindi kasi ako sanay na basta may umaakbay sakin maliban sa ate ko.

"Alam mo, Kara... Kapag nag-aaral ka na, magkakaroon ka ng maraming kaibigan."

"Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan." Mahinang saad ko. Totoo iyon, isa iyon sa mga pangarap ko. Gusto kong pumasok sa school para magkaroon ako ng mga kaibigan at kakilala. Gusto ko naming maranasan ang normal na buhay, hindi iyong palaging nasa bahay lang ako.

"Wag kang makikipag-kaibigan sa mga boys."

"Bakit po?" Tumingala ako sa kanya. Hanggang dibdib niya lang kasi ako.

"Basta... Iwasan mo sila."

"Pero boy ka po..." Naguguluhan na naman tuloy ako.

Ngumiti na naman siya sakin. "Kaya nga, gusto ko ako lang ang boy na 'friend' mo. Iyong ibang boy kasi baka ligawan ka lang, 'tapos lolokohin ka. Tapos iiyak ka, sige ka."

Natakot naman ako sa sinabi niya. "Ayoko pong umiyak sa panloloko ng mga boys, kuya..." Kung lolokohin lang ako ng mga boys ay ayoko na palang magka-boyfriend!

"Kaya nga, iwasan mo sila."

Saglit akong natigilan hanggang sa unti-unti kong ma-realized ang mga sinasabi niya.

Ayaw niyang makipag-kaibigan ako sa ibang boys? Saka wala na siyang pakialam kahit wala si ate Holly. Gusto niyang kami lang dalawa ang maging 'friends'. Siya ang boy na friend ko at ako ang girl na friend niya.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko. "Sige, mula ngayon ikaw na lang ang boy na friend ko!" Masayang sabi ko. "Pero gusto ko ako lang din ang girl na friend mo!"

Tumawa siya. Pati ang tunog ng tawa ni kuya Santi, ang guwapo! Mukhang masaya talaga siyang maging kaibigan ako!

NANG biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto niya. Iniluwa niyon ang nakangiting ate ko, kasunod si kuya Hendrick.

"Mukhang close na close na kayong dalawa, ah." Magkahawak ang kamay nina ate at kuya Hendrick. Lalo akong napangiti.

"Ate!" Tumayo ako at yumakap sa kanya. Hinimas ko pa ang malaki niya ng tiyan.

Tumayo na rin sa kama si Kuya Santi.

"Ate may sasabihin ako sa 'yo!"

"O ano naman iyon?"

Lahat sila ay napatingin sakin.

Nanakbo ako pabalik sa tabi ni kuya Santi ay saka kumapit sa braso niya. "Ate, magboyfriend na kami ni kuya Santi!" Masayang pagba-balita ko.

JAMILLEFUMAH

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now