2.

20 1 0
                                    

2. 

Someone's POV --1. 

Tinignan ko lang silang nag tatawanan sa canteen na mag kakaibigan. 

Ang ganda ng ngiti nya. 

Naghahanap pa ko ng magandang angle para makakita ng magandang view. 

Ganda nya talaga waaaaaaaaah.

"Grabe, ganda tlga ni Danielle no? Girl crush ko na tlga sya." -Girl 1

"Oo nga eh. Siguro kung naging lalaki ako, matagal ko ng niligawan yan!" -Girl 2

"Shet! Girl crush ko din yan eh!!" -Girl 3

Napatingin ako sa tatlong babaeng nakaupo sa katabing table ko.

"Tssk. Tignan mo sya oh. Sexy, maganda, matalino! Ano pa bang kulang sa kanya!" -Girl 2. Napangiti ako. 

Kulang? 

"Chi. Minsan nga naiinsecure na ko eh. Feeling ko ang pangit pangit ko. Hmp." -Girl 3

"HAHAHAHAHAH. Ganyan tlga guurl." -Girl 2. 

Tapos di ko na narinig yung sunod nilang napag usapan dahil umalis na sila. 

 - - - - - - - - - 

Paakyat na sana ko sa building ng highschool ng nakita ko si Danielle sa CR sa may bookstore. 

He-he, di naman sa may pagka-stalker ako pero pumunta ko dun at kunwari may bibilin sa may bookstore. 

Gustong gusto ko kasi naririnig yung boses nya. Ganda supeeer!

Tapos nakita ko din dun yung tatlong babae na nasa katabing table ko kanina. 

"..atleast hindi sila plastik katulad nyo." Yung na lang narinig ko sa pag uusap nila tapos nag kasalubong pa kami. Napayuko pa ko eh. Hutaena! "--Wag mo na lang intindihin yun. Haters gonna hate tlga!" Tapos yung kaninang kasama nya na  nakayuko, tumawa na rin. 

Teka, inaway nya ba yung tatlong 'to?

"Diba kanina tinanong mo kung anong wala kay Danielle?" -Girl 3. Sabi pa nya habang nakatingin sa likod nila Danielle at naka cross arms na kataas ang kilay.

"Ano?" -Girl 1

"Hulaan nyo. Nag start sa M. Hihi." Sabi nya dun sa dalawang kasama nya at nag start na mag lakad. 

Sa sobrang curiosity ko sinundan ko sila. He-he. Bakit ano pa bang kulang kay Daniella? Wala naman ah!

"Hmm, M? ..M? ....MANA?! So ibig sabihin mahirap lang sila Danielle?" 

"Gaga! Yaman kaya nila Danielle!" 

"Hmm. Baka Mali! Walang mali sa kanya. HAHAHAHAHAH! Perfect na sya! Sya na!" 

Napatingin yung dalawang kasama nya sa kanya at binatukan.

"Baka magulang! Walang magulang si Danielle!" 

"Gaga, eh pano nabuo?" 

"AMPON! Duh!" 

"Edi may magulang pa rin yun! Psh!" 

Tagal namang mag hulaan ng mga 'to! Badtrip! Lapit na yung room ko eh. 

"EH ANO NGA?!" Tanong nung dalawang kasama ni girl 3 

"Manners! Hina ng mga utak nyo!"

"Oo nga no!!" 

"Bugok nyo kasi. Kung ano ano pinag sasabi nyo!" 

"HEH! Eh bat kasi pinahulaan mo pa!"

Napailing ako. 

Manners? Walang manners si Danielle?

Sigurado ako kung ano man yun, siguradong may dahilan si Danielle. 

Kilala ko sya.

Oo, mataray sya. Pero di sya basta basta ng aaway ng walang dahilan. 

"DUDE! SAN KA BA NANG GALING? SABI MO SANDALI KA LANG KAKAIN? PSSH! LIKA NA DITO!" 

"Eh, hehe. May ginawa lang kaya medyo napa--"

"GINAWA LANG? BAKA NANCHICKS KA LANG NANAMAN! IKAW HA! IKAW!" sabi ng lalakeng 'to at sinumalan nanaman akong pag babatukan! Aish. Badtrip tlga 'tong si Kiel!!! Bigat ng kamay eh. Sakit mamatok. 

"AWW!! --AISH!! DI AKO NAN-OUCH OUCH!-CHICHICKS NO!!" sabi ko sa kanya at sinumalan na ring batukan. 

May role-play kasi kami tapos kami yung naka assign sa props. Sabi ko sa kanya kain lang ako sandali , eh nakita ko sa Danielle eh. Ayun. Medyo napatagal. HEHE.

Natigil lang kami sa harutan nung pinagalitan na kami nung leader naming babae. XD =))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(A/N:)

Kaya "Someone's POV --1" yan kasi maraming pang ibang someone's POV. HEHE. Madaming stalker si Danielle eh! Pag bigyan. :3

Mga dalawa o tatlo lang naman yuun. Di pa ko sure pero yun baka dalawa o tatlo lang. HAHAHAHAH! Ge. 

THERE'S A CLUE! THERE'S A BLUE'S CLUE! CHARAUGHT. HAHAHAHAHHAHAHAHHAA.

Basta read between the lines ha? Mwehehehehehe. K.

--babaengbipolar. ♡

Into Your ArmsWhere stories live. Discover now